Chapter 5

840 16 2
                                    

Nagtataka ako ng makitang bakante ang upuan ni Gavin. Wala naman yata silang meeting ngayon dahil na 'ka usap ko naman si Asther na wala silag gagawin ngayon.

Dalawang araw na rin syang hindi pumapasok. I want to ask, Asther about him pero baka ano pang sabihin nya sa'kin. Pinapanatili ko na lang manahimik.

Hindi ko rin naririnig na pinag- uusapan ngayon si Gavin.

Lumiko ako ng daan ng makita si Tristan na papunta sa gawi ko.

"Aeris!" Napapikit ako ng marinig kong tinawag ako ni Tristan. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at hindi sya pinansin.

Dahil sa bilis nya maglakad, nahabol nya agad ako.

"What do you want?" I asked. Pagalit ko syang tiningnan.

"Let's talk."

"For what?" I don't want to talk to him anymore.

"Aeris!"

Wala akong nagawa kung hindi pumayag dahil babantaan nya naman ako.

Nasa rooftop kami. Palinga linga ako sa paligid dahil kaming dalawa lang ang tao.

This is wrong. Hindi dapat ako pumayag na kausapin sya dito.

Tatalikuran ko na sana sya ng pigilan nya ang braso ko at pinabalik ako sa kinatatayuan ko.

"Tristan!" Sigaw ko ng higpitan nya ang paghawak sa braso ko.

"Wag mong ubusin ang pasensya ko, Aeris. Alam mo kung paano ako magalit." Tiningan nya ako ng masama.

Inis kong inalis ang kamay nya sa braso ko pero masyado syang malakas.

"Ano pa ba ang kailangan mo sa'kin? Pagod na ako sa mga laro mo. Tigilan muna ako."

Binitawan nya ang braso ko at malakas na tumawa. Napaatras ako dahil sa kakaibang tawa nya. Tumindig ang balahibo ko.

Hindi nga ako nagkamali dahil hinuli nya ang pisngi ko at malakas na hinigpit.

"Ang tapang muna rin. Walang magtatanggol sayo dahil balita ko, dalawang araw ng hindi pumapasok ang prinsipe mo."

"Bita...wan mo ako!"

"I won't!" Gigil na gigil syang hinigpit ang pisngi ko.

Nagbabadyang tumulo ang luha sa mata ko.

"Tristan-"

Nagulat ako ng bigla nya akong itulaka kaya sumalampak ang likod ko sa table. Napahawak ako sa likod ko kung saan ako tumama ang table.

Napapikit ako dahil sa sobrang sakit. Pakiramdam ko, nabali na ang buto ko.

Tiningala ko sya.

"Isa lang di'ba ang gusto mong mangyari sa'kin?"

Hindi sya nagsalita. Mukhang hindi nya naintindihan kung anong pinapahiwatig ko.

"Gustong gusto mo akong mamatay. Ako na ang gagawa para sayo."tumayo ako at mabilis sumampa.

Kung kamatayan lang ang dahilan para maging masaya sya, gagawin ko na.

Pumikit ako at hinayaan mahulog ang sarili.

Napamulat ako ng mata ng maramdaman nakalutang pa rin ako.

"Tristan, bitawan mo ako-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng hablutin nya ako kaya bumagsak ako sa bisig nya.

"Are you out of your mind?" Malakas na sigaw nya sa harap ko.

Bumangon ako.

"Bakit hindi mo ako hinayaan mahulog? Di 'ba 'yan naman ang gusto mo? Ayoko ng maghirap ka tuwing nakikita ako." Sasampa ulit ako ng mabilis nyang hinawakan ang braso ko.

Started With The Rain (Montenegro series 3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant