Chapter 4

863 21 5
                                    

Kahit gaano pa kagulo ang buhay mo may isang tao pa rin darating para maayos ka ulit.

Nanginginig ang kamay ko.

Lumayo na ako sa kanila. Pero bakit nahanap pa rin nila ako?.

Tulala lang ako. Pinupunasan ko ang katawan ko kung saan dumapo ang mga daliri ni Tristan.

"Whaaaaa" hindi ko na namamalayan nakakamot ko na ang balat ko.

Bakit kailangan nila akong sundan? Wala akong kasalanan sa kanila.

"Aera!" lumapit sa'kin si Gavin, hindi nya alam ang gagawin kung hahawakan ba ako o hahayaan na lang?.

Patuloy kong pinupupunasan ang katawan ko. Ang nakakadiri nyang mga daliri.

"Damn!"

Hindi ko mapigilan hindi umiyak.

Nakita kong lumabas si Gavin. Yakap ko ang sarili at nakatulala sa kawalan.

"Aeris" tumakbo papalapit sa'kin si Asther at niyakap ako ng mahigpit.

-

Walang nagsasalita sa pagitan namin dalawa. Pagod ako at mas gusto kong magpahinga na lang.

She will take care of everything.

"Close your eyes, Aeris. Everything will be okay."

Pinikit ko ang mata. Sana ganun lang lahat 'yun.

Puno ng lungkot, takot, galit ang dibdib ko. Pero anong magagawa ko? Mag-isa lamang ako habang sila apat at walang ginawa kung hindi saktan ako.

Nag-aaral ako pero bakit walang solusyon para mawala lahat ng takot ko at harapin lahat ng katotohanan?.

"Sabihin mo lahat sa'kin, Aries." umiwas ako ng balak nyang haplosin ang pisngi ko.

"Leave me alone," kinuha ko ang kumot at pinatong sa katawan ko. Tinalikuran ko sila.

Nasa kwarto nila ako. Hindi ko kayang magsalita dahil para bang may nagbabara sa lalamunan ko.

Naalala ko pa rin ang mukha ni Tristan. Pinikit ko ang mata.

Paano ako makakalimot kung kahit saan ako pumunta na ka sunod sila sa'kin?.

Ilan oras pa wala na rin akong marinig na tunog o huni nila. Siguro iniwan na rin nila ako.

Inalis ko ang kumot at binangon ang sarili.

Wala na rin dahilan para hindi magtagpo ang landas namin ni Tristan.

Naagaw ng atensyon ko ng pumasok si Gavin, salubong ang kilay nya ng makita ako.

"Sino sya?" bungad na tanong nya, halata pa rin ang inis sa boses nya.

Umiwas ako ng tingin at hindi nagsalita.

"I saw everything, Aera. F*ck! Sino ba ang lalaking 'yun at kung bastosin ka para kang laruan lamang?" naglakad sya papalapit sa'kin.

Tangin titig lang ang nagawa kong isagot. Sino nga ba talaga sya? Ang lalaking walang ginawa kundi hindi pahirapan ako at dalhin sa madilim naparte ng buhay ko.

"Kakilala ko," sagot ko.

Napabuntong hininga sya sa sagot ko. Pumunta sya ng kitchen at kumuha ng isang basong tubig.

Napansin ko ang kamay nyang may dugo, tumayo ako at kumuha ng medicine kit.

Sinundan nya ako ng tingin.

"What are you doing, Aera?" he asked.

Hinawakan ko ang kamay nya at sinuri mabuti ang sugat sa kamay nya.

Started With The Rain (Montenegro series 3)Where stories live. Discover now