Chapter 9

794 15 4
                                    

Umiwas ako ng balak hawakan ni Gavin ang pisngi ko. Palaging pumapasok sa utak ko ang ginagawa sa 'kin ni  Tristan kaya nahihirapan ako.

Umupo si Gavin sa tabi ko.

"You're right. I want to protect you, kaya gusto kong palaging nasa tabi lang kita."

Umangat ang tingin ko.

"Gavin!"

Ngumiti sya at inipit ang buhok ko gamit ang hairpen.

"Stop thinking about him. Just think about me, Aera. Makakaya mong kalabanin lahat."


I don't like to stay here in the hospital. Pinilit ko na ang mga magulang kong umuwi na.

Pumayag na rin naman sila.

Sa sasakyan kami ni Gavin. Nakakahiya na rin naman sa kanya dahil naaabala pa namin sya.

"Salamat, Gavin! Magluluto ako mamaya para naman may pambawi kami sa'yo," ani ni Mom kay Gavin.

"It's fine, Tita." Tinutulungan nyang ipasok ni Mom ang mga gamit namin.

"Napaka-bait mo naman, Gavin. Basta sa susunod mag-stay ka sa bahay."

"I will, Tita," Gavin said.

Nakaalalay sa 'kin si Gavin ng pumasok ako ng sasakyan. Ilan sandali pa lumabas na rin si Dad pagkatapos magbayad ng hospital bill.

"Are you sure, Honey?" Paninigurado ni Dad sa 'kin.

"Yes," tangin sagot ko lang at binaling ang tingin sa daan.

Binuhay ni Gavin ang sasakyan nya. Nauna na rin umuwi si Asther para asikasuhin ang mga gamit namin.

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Ayokong magulo ang utak ko ngayon, kaya mas gusto kong tahimik lang ang paligid ko.

Pagdating namin ng bahay, unang lumabas si Gavin para pagbuksan ako ng pinto.

Lumabas na rin ako.

Pumasok ng bahay si Dad, at Mom dala ang mga gamit namin. Naiwan kami sa labas ni Gavin.

"Are you tired?" I asked.

"I'm not," he said.

Tinitigan ko sya sa mata.

"Thank you, Gavin." Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

Rinig na rinig ko ang lakas at bilis ng tibok ng puso nya.

Mabilis lamang at agad rin akong bumitaw.

Kita ko ang pagpigil nya ng ngiti.

"I have to go." Hindi pa man ako nakakasagot ng pumasok na rin sya ng sasakyan.

Nabigla ba sya sa ginawa ko? Kung 'yong ang dahilan hindi ko na uulitin pa. But i just want to say "Thank you" sa dami ng naitulong nya sa 'kin.

Pinanood kong umalis ang sasakyan ni Gavin, nang hindi ko na rin matanaw ang sasakyan nya pumasok na rin ako ng bahay.

Nasa baba pa ang dalawang maleta na dala ni Mom, and Dad.

"Aeris, hindi ako ang tumawag sa kanila," bulong ni Asther sa 'kin.

Umupo ako sa sofa.

"Hayaan na lang natin, wala na tayong magagawa dahil nandito na rin sila."

Inabot sa 'kin ni Asther ang isang basong tubig.

Kinuha ko 'yun at uminom, nilapag ko rin sa table pagkatapos ko.

"Ipapasok ko lang ang gamit, Girls. We have to talk later." Kinuha ni Dad ang mga gamit.

Started With The Rain (Montenegro series 3)Where stories live. Discover now