Chapter 1

7.7K 60 15
                                    

Ayoko na sanang sumama pero pinipilit ako ng kapatid kong pumunta ng club. mas pinipili kong magkulong lamang ng kwarto ko at matulog.

I hate studying. May pangarap naman  ako pero ayoko talagang mag aral, i'm weird.

"Pagbigyan muna ako, promise hindi na talaga kita yayain ulit pa"ani nya.

Umirap ako.

Nakakapag club naman ako pero napaka boring, kung hindi lang ako nalalasing, may pasok pa ako bukas.

2 year college na ako, Bachelor of science nursing kinuha ko.

Hindi naman ganoon kahirap para sa'kin kunin ang course na hindi ko gusto.

Wala naman akong choice dahil 'yun ang gusto ng pamilya ko, susuwain ko pa ba sila?

Tatlong beses nila akong pinakain sa isang araw, binibigyan ako ng pera para mabili ko ang gusto ko. Kahit 'yun na lang ang maging kapalit.

"Fine"maikling sagot ko at umupo sa kama.

Tinaasan nya ako ng kilay.

"Damn! Magpalit ka na, aalis na rin tayo"nagmaktol sya sa harap ko.

She's acting na mas matanda sya kumpara sa'kin.

Inis akong tumayo at sinuot ang headphone ko, ayoko talaga ng ginugulo ako, kung hindi ko lang talaga sya kapatid.....

Payat ako kaya mas pinili kong magsuot na lang ng hoddie, nahihiya rin akong ipakita ang katawan ko, hindi gaya sa kapatid ko na halos maghubad na rin sa harap ko.

Kaming dalawa lang palagi ang naiiwan dito sa bahay dahil nasa abroad sila mama at papa.

Nagagawa namin lahat ng gusto ko, but still pinipili ko pa rin na dito na lang ako palagi sa bahay.

Umiling sya ng makita ang suot ko.

"Aeris naman"reklamo nya na para bang naiiyak na.

Wala naman problema sa suot ko, utak nya lang ang may sira.

Palaging fit dress ang suot nya, magkaiba talaga kami.

"Club ang pupuntahan natin Aeris, hindi tayo mamasyal"humarang sya sa harap ko ng papasok na ako ng sasakyan.

"Gusto mo ba akong sumama?"simpleng tanong ko na nagpaalis sa kanya.

Wala syang nagawa kundi pumasok na rin ng sasakyan, dito ako comfortable at wala akong plano na magpalit.

Sya na rin ang nagdrive, alam ko naman kung paano mag drive pero wala syang tiwala sa'kin dahil sa bilis ko daw magpatakbo.

9 pa lang pero nakakaramdam na rin ako ng antok.

Bumaba na rin ako pagdating namin.

pagnakahanap na kami ng table, iiwan nya rin ako.

"Tatawag na lang ako sayo kapag gusto ko ng umuwi"sabi nya at nagmamadaling pumasok.

"Don't get drunk,"bilin ko.

Ayokong magdrive kapag pagod ako.

Sumunod ako sa kanya pagpasok, sobrang lamig dito sa labas.

Nakakahilong liwanag, usok ng sigarilyo, mga amoy alak na mga tao.

Maraming tao pero na sa dance floor sila, naghanap lang ako ng table at nag order ng cocktail, ayoko rin malasing dahil pasok ko pa bukas.

Wearing skirt and hoddie, hindi na nakakapagtaka kung bakit ganyan ang tingin sa'kin ng mga ibang tao.

May biglang umupo na lalaki sa harap ko, hindi man lang nagpaalam kung papayag ba ako.

Started With The Rain (Montenegro series 3)Where stories live. Discover now