Chapter 15

251 6 0
                                    

Binalot ni Gavin ang katawan ko gamit ang puting twalya. He didn't say anything until now.

Sinundan ko siya ng tingin nang kumuha siya ng baso at nilagyan ng tubig.

Tatayo na sana ako nang agad niyang akong pigilan.


"Magpahinga ka muna, Aera," Inipit niya ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

I took the glass he handed me at uminom. Nang makita kong tatalikuran niya ulit ako, I quickly grabbed the edge of his white polo.

Nilingon niya ako nang nagtataka.

"Do you need anything?" He asked.

I bit my lower lip. I don't need anything, gusto ko lang na malapit siya sa tabi ko.

Pero hindi ko magawang sabihin sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko at pinagpantay ang tingin namin.

"Sabihin mo lang sa akin ang lahat kailangan mo, promise! I will give everything to you," He said softly.


"Sobrang comfortable ko tuwing nasa tabi ko si Gavin pero may part pa rin sa akin na natatakot, hindi dahil sa kanya kundi dahil sa akin.

Did I really deserve this kind of treatment from him?

"Bakit tuwing nagiging miserable ang buhay ko, andyan ka agad? Ayokong makita mo kung paano ako magdusa, Gavin?"

"Aera!"

Nagsimula na naman tumulo ang luha ko. I let go of him.

"You know everything, Gavin?" I asked him.

Umiwas siya ng tingin. Sa ginawa pa lang niya, alam ko na ang sagot.

"Are you feeling pity on me?" I wouldn't be surprised if he said he just pitied me and that's why he's doing all of this.

Sino ba naman ang magmamahal sa katulad ko? Sobrang dumi ko na babae. Hindi ko man ginusto ang lahat pero nangyari na.

Sa tuwing naaalala ko ang nangyari, durog na durog ang puso ko. Halos kinulong ko na ang sarili ko sa nakaraan.

Ramdam ko ang paghaplos niya sa pisngi ko para punasan ang luha kong patuloy na bumabagsak.


"Gavin, I'm sorry pero hindi mo deserve ang katulad ko-" He didn't let me finish.

"Tanggap kita, Aera. Everything about you pero galit na galit ako sa sarili ko kung bakit ngayon lang ako naglakas ng loob na lapitan ka, hindi sana mangyayari ang lahat nang ito kung matagal na akong naglakas ng loob na lumapit sa'yo. I'm sorry, Aera. I'm sorry kung hindi kita nagawang protektahan sa kanya." He suddenly hugged me.

I felt the water dripping on my shoulder.

"Gavin?"

"I'm sorry, Aera, kung huli na akong dumating."

I let go of the hug and gently touched his cheek. I couldn't help but smile when I saw tears in his eyes.

"Thank you for always staying by my side, Gavin." I wiped his tears.

I didn't expect him to cry in front of me. I know he likes me, pero hindi pa ako handa na pumasok sa isang relasyon.

I'm still scared. I know Gavin can't do all of that to me, but I still don't trust myself.

I didn't realize that I fell asleep from exhaustion. Gavin just booked a room for us.


"Ayokong saktan si Gavin dahil hindi pa ako nakakawala kay Tristan. Sobrang fresh pa rin sa utak ko ang lahat, may time na pinipilit ko lang kalimutan ang lahat pero tuwing naalala ko mas gusto ko na lang na saktan ang sarili ko at mawala na sa mundo.

Started With The Rain (Montenegro series 3)Where stories live. Discover now