Chapter 8

648 15 2
                                    

Hindi ko alam kung saan nagpunta si Gavin.

Inabot sa 'kin ni Dan ang alak. Tiningan ko lamang.

"It's my birthday, Aeris. Kung ayaw mo naman uminom, hahayan lang kita." Nginitian nya ako.

Kinuha ko ang basong may lamang alak at dahan dahan uminom. Ang pait sa lalamunan ko.

"Mapait talaga kapag hindi ka sanay," sabi ni Asther.

Tumango ulit ako at linagyan ng bagong alak ang baso ko.

Wala na akong marinig sa sobrang lakas ng tugtog. Pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo ko.

Hindi ko macontrol kung anong pinaggagawa ko.

"Terren!," Sigaw ko at inabot sa kanya ang hawak kong alak.

"You're drunk, Aeris." Lumapit sya sa'kin at kinuha ang alak.

Sinundan ko ng tingin ng tingin ang baso ko ng ilapag nya.

"Hindi mo dapat hinayaan uminom ang kapatid mo Asther lalo't alam mong hindi sya sanay," sabi nya kaya Asther na natumba na rin sa sofa.

Palinga linga ako sa paligid para hanapin si Gavin.

Binaba ko ang suot ko dahil bigla na lamang tumataas.

"Are you okay, Aeris?" Tanong ni Terren sa'kin.

Umiling ako bilang sagot.

Tulog mantika na rin si Dan. Madali rin pala silang tamaan ng alak.

Nang hindi lumingon si Terren sa gawin ko, nagmadali akong lumabas ng bar para magpahangin. Pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga sa dahil sa naghahalong amoy ng alak at Sigarilyo.

Napansin ko ang lalaking na 'ka upo sa tabi ng madilim na poste.

Kahit may tama na rin ako ay pinapanatili ko pa rin na maayos ang lakad ko.

Tumigil ako sa harap ni Gavin. Hindi nya man lang ako tiningan. Umupo ako sa tabi nya.

"Your not safe here, Aera," Ani nya.

"I'm with you, Gavin. Hindi ko kailanman naramdaman maging unsafe kapag na sa tabi kita."

Hating gabi na rin kaya malamig na rin ang panahon. I'm cold pero ayokong ipahalata na giniginaw na ako.

Dress lang naman ang suot ko at may pagkamanipis pa.

Napa-angat ang tingin ko ng biglang tumayo si Gavin at hinubad ang suot nyang jacket.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng lumuhod si Gavin at pinatong sa balikat ko ang jacket.

"It's cold outside, baka lamigin ka pa lalo't manipis lang ang dress na suot mo."

Inayos kong suotin ang jacket nya.

"Ibabalik ko na lan-" pinutol ny ang sasabihin ko.

"You can keep it, Aera." Umupo ulit sya sa tabi ko.

Humikab ako. Hindi pa naman ako inaantok pero dahil lang siguro sa tama ng alak.

"I'm so tired, Gavin." Pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya at pinikit ang mata.

Hindi sya nagsalita pero alam kong nakikinig sya sa 'kin.

"Gusto kong takasan ang nakaraan ko pero hindi ko magawa." Tuluyan akong kinain ng antok ko.

-

Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako. Bumangon ako at mabilis pumasok ng Bathroom para magsuka.

Hindi ko alam kung ilan oras akong nag-stay sa bathroom bago ko marealized na hindi pamilyar sa 'kin ang paligid.

Started With The Rain (Montenegro series 3)Where stories live. Discover now