CHAPTER 29

0 0 0
                                    

Avian' POV

"Anak hindi...hindi ko alam kung bakit nangyari yun.. kaya patawad...sorry for the pain that I gave to you.. to your mom." Aniya habang nakatingin sa mata ko. Agad tumambol ang dibdib ko at ang mata ko rin ay umiinit na. Simpleng salita niya palang naiiyak na ako, ganto ba talaga ako?

Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit saka naluluhang tumingin sa kanya.

"Dad.."

"Gagawin ko ang lahat anak patawarin mo lang ako" aniya saka hinigpitan din ang hawak sa kamay ko.

"Kahit ano.. magpapagaling lamang ako at ako na mismo ang magpaparusa sa sarili ko...kaya ko...kaya ko na paglingkuran ka..kahit pa maging driver mo ako o bodyguard" aniya. Tumulo ang luha ko sa sobrang emosyon.

"Basta huwag mo lang sakin ipagkait na makasama ka. Hayaan mong...bantayan kita...kabayaran sa ginawa ko sa mommy mo" aniya. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay.

"Kakayanin ko ang lahat, patawarin mo lang ako at ng nanay mo sa taas—" hindi na niya naituloy ng bigla ko siyang yakapin. Humiga ako sa dibdib niya habang ginantihan niya rin ako ng yakap.

"You don't need to be my bodyguard nor my driver dad. Just please...be alive for me" humihikbing ani ko. Naramdaman kong may tumulo sa ulo ko at alam kong luha yun galing sa mata niya.

"If that's what you want then I have to live, I promise" aniya saka ako hinalikan sa ulo.

Nagpipirma ako ng papeles ng may tumawag sa phone na nasa tabi ko. Kinuha ko iyon at saka inilagay sa tenga ko para makapag pirma pa rin kahit may kausap.

"Ma'am someone's waiting for you at the ground" anunsyo ng secretary ko na nasa ibabang floor. Mas gusto ko kasi na solo ang isang floor para sa privacy at peace.

"Name?" tanong ko.

"Kallina Reyes base on what the guard said" aniya. Napatigil ako sa pagpipirma at saka nanatiling tahimik ng ilang segundo. Anong ginagawa ng nanay ni Anima dito?

"How long she been here?" wala sa wisyong tanong ko.

"Ahm. 16 hours. I also see her in the morning at the ground" aniya.

What she up to? Why is she here?

"Tell the guard that she can go back home now. I'm busy" ani ko saka ibinaba ang phone at nag patuloy sa pagpirma.

Wala akong panahon para kausapin siya.

———

Naglalakad na ako sa first floor para umuwi ng bahay dahil 10 pm na at nag hihintay na sa akin si Dad. Nagtataka ako dahil bukas pa ang ilaw ng living area malapit sa waiting area ng mga customers. Hindi ko iyon pinansin at diritso ko ng itinanong sa guard pero hindi pa man ako nakakalapit ay may tumawag na agad ng pangalan ko.

"Avian!"

Napapikit ako sa inis. Akala ko ba pinauwi ko na ito?

Agad lumapit sa akin ang guard nang mapansin ako.

"Ma'am sorry kanina ko pa po siya pinapauwi pero ayaw niya po. Gusto ka daw po muna niyang makausap bago—"

"Avian. Pwede ba tayong mag usap?" ani Kallina, Anima's mother.

"Umuwi na po kayo baka hinahanap na kayo ng anak niyo." Ani ko saka maglalakad na sana nang biglang hawakan niya ako sa braso.

"Kahit sandali lang Avian—"

"Pagod po ako" ani ko. Sinensyasan ko ang guard na ilayo siya sa akin na agad naman nitong ginawa.

Naglakad na ako ng bitawan niya ako pero naririnig ko pa rin ang pagtawag niya sa akin sa likuran. Sorry hindi ko na mababago ang gusto mong mangyari. Dapat makulong si Anima, a lifetime imprisonment.

Agad akong sumakay sa kotse at pinaandar papuntang bahay. Pagdating ko doon ay sumalubong sa akin ang nakangiti na si dad kasama sina ate Clara, at dalawa pang sina ate Maris.

"Late kana. Birthday ko pa naman senyorita!" ani ate Clara na may hawak na champagne sa kamay.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now