CHAPTER 26

0 0 0
                                    

Anima's POV

Saan niya itinago? Baka nasa bag niya? Favorite bag. Agad kong hinanap ang bag niya, hindi ko pa nabubuksan ang closet niya. I'm sure malawak yun dahil may collection siya ng accessories niya. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng closet, marahang pumasok at nang buksan ko ang ilaw nagulat ako ng mukha ni Avian ang bumungad sa akin.

"Your a f'cking shit!" napahawak ako sa aking dibdib sa gulat at napasandal sa pintuan.

Avian' POV

Natawa ako ng magulat siya nang makita ako sa pagbukas niya ng ilaw but of course I did not show in my face that I was happy to see her surprised reaction.  I remained unresponsive.  When I found out why she was here, I handed her my two credit cards.

"is this what you are looking for?" tanong ko saka inilapit sa kanya ang dalawa kong cards. Nangangatal ang labi niya at namumutla sa gulat at siguro sa kaba?

"Bakit ayaw mong tanggapin? I'm giving it to you but you don't want to accept it? I'm helping you Anima so that you don't get tired of searching" ani ko saka lumapit sa kanya.

"B-Buhay ka?" aniya ng marealize na totoo ako. Humalukipkip ako at saka ngumiti.

"Yes, I'm alive. So you are the one behind why I fall to off the cliff, I won't be surprised anymore. You will do everything with money and kill all the obstacles to the problem you're facing, won't you?" ani ko saka tumalikod sa kanya. Ilang sandali ang naging pagkatahimik ng kapaligiran at tanging heels ko lamang ang maririnig.

"Well I'm sorry because when I fell off in the cliff someone helped me.  Thanks to Mr. Agos because he was there near the sea flirting with someone." aniko saka tinitigan siya sa mata. Kung kanina ay namumutla siya ngayon naman ay pinagpapawisan siya. Hmm. Bakit siya pagpapawisan e may aircon dito?

“You may succeeded of killing my mommy but—” lumapit pa ako sa kanya para bumulong

“You will never succeed of killing me” bulong ko. Napayuko siya at nangangatal ang labi. Napalayo ako sa kanya ng bigla siyang tumawa.

“Hahaha e ano naman ngayon kung hindi ka pa patay? Mas mabuti nga para mas challenging ang paglalaro at pagpapaikot sa ama mo. Hahahaha akala mo ba mauutakan mo ako? Nasa akin ang lahat ng pera ng daddy mo at mas mahal niya ako kesa sa iyo at sa namatay mong ina!” aniya at saka tumawa ng malakas.

Nanatili akong kalmado habang nakatingin sa kanya na tumatawa.

So masaya siya nong ginawa niya ang pagpatay kay mommy? Nangangati na ang palad ko!

“Alam ko na pinapaikot mo lamang si daddy” aniko saka kinuha sa bulsa ang panyo.

“Sa iyo ito hindi ba? how does it feel to lose two important items for you?” ani ko saka pinakita rin ang notebook niya.

Tumahimik siya at nagulat. Akmang kukunin na niya sa akin ang mga iyon pero inilayo ko sa kanya.

“Akin na yan!” gigil na sabi niya.

Lumabas si ate Clara sa kabilang side ng closet at kinuha sa akin ang mga iyon. Hinarap ko naman si Anima habang nakahalukipkip.

*PAK!

“That's for killing my mother!” aniko. Napaatras siya habang nakahawak sa pisngi.

*PAK!

“That's for betraying me!”

*PAK!

“That's for almost killing me!”

*PAK!

“And that's for destroying our friendship!”

Napaiyak ako ng huli kong sampal sa kanya. Hindi ko na kaya, nasasaktan rin ako habang sinasaktan ko siya.

“Napakasama mo Anima! Ibang iba ang Anima na nakilala ko noon sa ngayong Anima!” ani ko. Umiyak rin siya habang hawak hawak ang magkabilang pisngi.

“Kulang na kulang ang mga sampal na iyan sa lahat ng ginawa mo sa akin. Sobrang sakit. Halos araw araw kong dinaramdam iyon!” ani ko pa.

“Hinding hindi kita mapapatawad sa pagpatay mo kay mommy. Ina ko yun, Anima. Siya yung buhay ko!”

“Pero anong ginawa mo? Pinatay mo! Wala kang awa! May sakit yung nanay ko pero imbis na gamutin mo siya para gumaling pinadali mo yung buhay niya kahit hindi pa niya oras! Napakasama mo!” sigaw ko. Napaupo si Anima habang umiiyak.

“Ngayon naman plano mong lokohin at perahan lang si daddy?... Anima sumusubra ka na! Bakit yung pamilya ko pa?” ani ko saka naglandas ang luha sa aking pisngi.

“Hindi ikaw ang Anima na kaibigan ko, isa kang Animal! You're such an Animal to do all those thing from me, from my mom, from my FAMILY!” aniko. Tumingin siya sa akin at saka dahan dahang tumayo. Naglakad siya at saka lumuhod sa aking harapan.

“A-Avi. I-I’m sorry—” aniya agad akong umiwas sa kanya.

“Umalis kana!” aniko ko sa mababang oras sapat lamang na marinig niya.

“I-I’m so sorry Avi. Please p-patawarin mo ko—"

“UMALIS KANA!” sigaw ko. Nagmamakaawa siyang tumingin sa akin pero nagmatigas ako.

“Umalis kana!” ulit ko pa. Nang hindi siya kumibo si ate Clara na mismo ang tumulong para paalisin siya.

Ani's POV

Tahimik lamang ako the next day after Avi slapped me. Kanina pa rin ako napapansin ni Meo na walang kibo, nakatulala lamang pero hindi siya umalis sa tabi ko. Iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Avi. Sinira ko ang friendshio namin para lamang sa pera pero yun ang kailangan ko hindi ang friendship friendship na yan!

Napangiti ako dahil kahit anong gawin ko pala ay mabait pa rin si Avi sa akin.

Napatingin kaming sabay ni Meo sa labas ng may narinig kaming sirena ng pulis. Agad akong kinabahan at halos pagpawisan na naman. Baka hindi dito tutuloy pero nagkamali ako ng may kumatok sa pintuan. Nagtatakang tumingin si Meo sa akin kaya naman agad ko siyang pinigilan.

“No. Wag mong bubuksan!” agad agad kong sabi sa kanya at hinawakan siya sa damit.

“Titingnan ko lang kung sino” aniya pero pinigilan ko pa rin siya.

“Ako na. Ako na magbubukas!” ani ko saka dali daling binuksan ang pinto. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.

“Hi. Good morning. Does Anima Reyes live here?” tanong ng isang makisig na pulis.

“Y-Yes? What do you want from me?” matapang kong sagot sa kanya.

“We have a warrant. You are under arrest!” aniya saka pumasok ang isa at pinusasan ako.

“Wait, what?, Where's the warrant of arrest?” nagmamadaling tanong ni Meo sa isang pulis na nagsalita kanina. Binigay nito ang isang papel kay Meo at saka niya iyon binasa.

“W-What? Y-You killed Amanda?” nauutal na ani Meo pero iyak lang ang tangi kong naisagot. Wala na akong kawala.

“I’m sorry” mahinang sabi ko. Hinawakan ako sa braso ng isang pulis saka sinabi.

“You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have a right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you.” aniya bago ako ipasok sa kotse. Umiiyak ako habang nasa kotse at saka lamang napansin ang isang Lamborghini na nakaparada sa isang gilid. Avian.

Avian POV

“Ma'am kailangan niyo pa po itong permahan” ani Mr. Agos nang makapasok ako sa office ko.

“Pakilapag nalang diyan sa mesa” ani ko saka tumungo sa water dispenser sa bandang gilid.

“Have you heard the news?” maya maya'y tanong niya. Inubos ko muna ang tubig bago sumagot

“What news?” tanong ko.

“Anima Reyes is in prison now. Murder ang kaso niya and she...she—”

“She killed my mom!” ako na nagpatuloy sa kanyang sasabihin.

“Well, I have nothing to do about it. My mom deserves a justice so Anima deserves to be in prison too!” ani ko saka umupo sa swivel chair at inumpisahan nang permahan ang mga papeles.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now