CHAPTER 9

1 0 0
                                    

Avian’ POV

Uwian na kaya naman ginagayak ko na ang aking mga gamit. Nilagay ko ‘yon sa aking bag.

“Ma’am” nagulat ako at tumingin kay Tessa. Napahawak pa ako sa aking dibdib, kanina pa uwian bakit andito ba pa siya?

“Ma’am Avi, pwede bang tumira po muna ako sa inyo kahit dalawang araw lang?” nahihiyang sabi ni Tessa sakin. May nangyari ba?

“Ha? Bakit?” tanong ko. Tumungo sya, nahihiyang magsabi.

“Wala po kasi akong kasama sa bahay” aniya. “Wala rin po akong kamag-anak na pwede kong tuluyan, nag tatrabaho po kasi si mama sa Davao, bukas pa po ang dating ni Kuya dahil may hinatid po siyang pasahero sa Mindoro” aniya pa. Napabuntong hininga ako saka ngumiti sa kanya.

“Oo naman. Pwede kang tumuloy muna sa bahay.” Ani ko saka sabay na kaming naglakad papuntang parking lot. I’m  sure matutuwa din si mommy kasi may pagkakaabalahan na naman siya. And that is Tessa.

Nakasakay kami ngayon ni Tessa sa backseat ng kotse, may driver naman kami sa bahay kaya hindi na ako mangangalay. Naka bihis pa ako ng pang teacher, sinamahan ko kaagad si Tessa papuntang bahay nila para kunin ang mga gamit niya.

“Diyan po sa may tabi” turo ni Tessa sa driver.

Pinark ng driver ang kotse kaya bumaba na kami, hindi na ako nag antay na pag buksan pa ako. Napatigil ako sa pag sara ng pinto ng mapansin kong butas butas na pala ang bahay nina Tessa. Ngayon ko lamang ito nakita, napatingin ako kay Tessa na dali daling pumasok kaya sumunod ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at napansin na ang sikip sikip. Inilibot ko ang tingin ko, may mga achievement ni Tessa na nakasabit sa dingding, mga medals at saka certificate. May isang trophy din na medyo maliit. Binasa ko ito dahil may nakasulat sa baba, best in arts. Magaling palang magpinta si Tessa.

Napangiti ako kasi may frame sa katabi non. Family picture nila, ang mama niya at ang papa niya kasama siya nong graduation niya ng grade six. Naalala ko ng minsang pumunta sa bahay si Tessa, alam kaya ng magulang niya ang nangyari sa kanya?

“Ma’am, tara na po” napalingon ako sa likod ko ng magsalita si Tessa, may dalang dalawang bag. Isang bag sa school at isang bag na ang laman ay mga damit niya. Kinuha ko ang isa pero inagaw niya rin sakin.

“Ma’am ako na po, parito kana po” aniya saka hinila ang kamay ko. Ngumiti ako at nagpatianod. Sa paglabas ng bahay agad na kumilos ang driver para tulungan si Tessa. Kinuha nito ang lahat ng gamit na dala saka inilagay sa kotse. Isinara ni Tessa ang pinto ng bahay saka hinila ang kamay ko papunta sa kotse. Sinilip kong muli ang bahay nila, balang araw magiging maganda na ito.

—•—

“Tessaaaa!” sigaw ni mommy ng makapasok kami sa bahay. Masaya niyang sinalubong si Tessa, nag text kasi ako sa kanya na dito muna pansamantala tutuloy si Tessa.Sa sobrang saya ni mommy ay kinurot niya ang pisngi ni Tessa.

“Aray” ani Tessa.

“Ay sorry. Ang cute mo kasi hahaha” ani mom saka hinila sa kamay si Tessa papuntang taas.

“Halika. Dito ang kwarto mo” ani mommy. Saka binigay sa isang katulong ang bag na dala ni Tessa. Lumingon si Tessa sa akin parang nagtataka. Ngumiti ako at sumenyas na sumama siya kay mommy. Pumunta ako sa kwarto ko para magbihis at lumabas rin para tulungan si ate Clara na magluto ng hapunan. Daddy is not here yet and my mom is worried sick because of it. It’s  been a week.

“Ma’am meron po ba nito?” tinaas ni Tessa ang kamay niya saka ipinakita ang carrots. Tumingin ako sa listahan ng mga bibilhin kaya tumango ako sa kanya.

Sabado ngayon kaya naman may time kami para mamalengke. Isang linggo na rin kasing medyo tahimik sa bahay simula nong umalis si dad na hanggang ngayon ay wala pa rin.

As usual binabago namin ang atmosphere sa bahay. Bawal ma stress si mommy kaya si Tessa ang lagi niyang kasama sa tuwing may gagawin sila halimbawa ay ang pag be-bake ng cake na kulang sa sugar. Medyo marami rin ang tao sa palengke, sanay naman na ako sa ganto kahit papaano kaya aarte pa ba ako?

“Okay. Kulang nalang ng patatas” ani ko saka chinekan ang nabili ni Tessa na carrots.

“Patatas? Hmmm. Parang may nakita ako dito kanina” aniya saka lumakad ng paatras.

“Ay heto ma’am!” turo ni Tessa sa isang kahon.

“Ate, magkano po ang patatas?” tanong ko sa ale.

“25 isang kilo” aniya. Kumuha ako ng pera sa wallet saka binigay iyon sa ale.

“Yeheyy! Tapos na!” nagpapalakpak na sabi ni Tessa saka kinuha ang binigay ng ale na supot. 
“Hahaha. Oo at tayo ay uuwi na. Alam kong nag hihintay na si mommy sa atin” aniko.

Sabay kaming naglalakad ni Tessa palabas ng palengke. Nag aantay ang driver ko sa parking lot na malapit dito at doon kamk pupunta. Napatigil ako sa paglalakad ng mapansing hindi sumusunod sa akin si Tessa. Nilingon ko siya at nakitang parang may nakita siyang kakaiba. Tiningnan ko ang tinitingnan niya at napakunot ang noo.

May dalawang tao na nakatalikod at parang pamilyar sa akin. Nag uusap ang nga ito malapit sa coffee shop kaya naman napakunot ang noo ko. Parang kilala ko sila—

.*beep *beep

Nagulat ako ng may bumusina. Tumingin ako sa kotse na kulay puti at halos ilang dangkal nalang ay mababangga na ako.

“Miss ano ba? Tatanga ka nalang diyan? Alis!” sigaw ng driver. Naramdaman kong hinala ni Tessa ang kamay ko, sakto namang tumatakbo na palapit ang driver ko sa amin at tinanong agad ako.

“Ma’am ayos lang po ba kayo?” aniya.
“Oo, sorry may nakita lang ako. Tara na?” aniko saka ngumiti.

Kinuha ng driver ang mga pinamili saka inilagay sa kotse. Sinilip ko pa ang coffeee shop pero wala na doon ang dalawang tao na pamilyar sa akin. Who’s that?

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now