PROLOGUE

11 0 0
                                    


“Ani kamusta? Kailan ang uwi mo rito? Miss na kita!” sigaw ko pagkasagot ko ng tawag ni Ani. Nasa Palawan kasi siya ngayon para sa isang teacher’s meeting.

“Hahaha sa makalawa pa Avi. Miss na din kita” aniya pabalik.

Napasimangot ako kasi alam ko na naman ang itsura niya kapag tumatawa. Halatang nang iinis.

“Anong sa makalawa? Gaga ngayon na daw ang uwi mo sabi ni Ma’am Sales!” ani ko. Si Ma’am Sales ang principal ng school na pinag tatrabahuhan naming pareho.

Yes. Parehas kaming teacher, grade ten teacher.

“Alam mo naman pala bakit tinatanong mo pa! Hahaha my gosh Avi” aniya. Alam kong umikot na naman ang mata niya.

“Hahaha sorry. Excited kasi ako sa pasalubong mo” ani ko saka bumungisngis.

“Ayan nabubuhay ka sa pasalubong ah. Pero ako hindi mo magawang bigyan kapag ikaw ang umaalis. Ang unfair mo sakin” aniya na wari mong nagtatampo.

“Hoy bruha ka! Kaya pala ikaw ang kumuha ng lahat ng tsokolate sa bag ko!” ani ko.

“Hahahaha nakakatakam ka— HONEY IS THIS YOURS?!”

Napakunot ang noo ko kasi may boses lalaki na nagsalita sa kabilang linya.

“Ani?”  ani ko pero ibang boses na ang narinig ko.

“This is Ani’s husband, Trimeo Mercedes who’s this?”

Napahawak ako sa aking bibig at nangangatal ang labi.

“D-Dad?” nauutal na sambit ko.

“Avi? Oh fvck!” ani sa kabilang linya at saka namatay ang tawag.

Napasalampak ako sa upuan ko sa gulat. Namamalisbis ang aking luha sa aking pisngi dahil hindi ako mapaniwala. My best friend is my father’s mistress!

Nanginginig ang aking tuhod habang mabilis na naglalakad papuntang parking lot. Dala ang aking susi at bag ay mabilis akong sumakay sa kotse at pinaharurot iyon papuntang airport.

I need to see it! I need to see my father and my best friend!

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now