CHAPTER 4

1 0 0
                                    

Avian’ POV

“Avi! Baby what are you thinking?” napabalikwas ako ng magsalita si daddy sa tabi ko.

“Wala Dad.” Ani ko saka uminom ng juice.

“Anak kanina pa kita tinatawag sobrang lalim yata ng iniisip mo.” Aniya saka binuksan ang laptop na nasa table sa living room.

“Are you sick baby?” aniya pero umiling ako.

“I’m okay dad” ani ko saka kinuha rin ang laptop ko.

“Dad, may kilala ka bang Fernandez?” ani ko

“Iyan ba ang iniisip mo kanina pa?” dagdag ni dad.

“Dad, seryoso kasi si Solen para bang alam na alam niya mangyayari sakin” sabi ko.

“Solen?”

“Solen Fernandez” aniko Napansin ko ang gulat na bumalatay sa mukha ni Dad pero mabilis lang ‘yon saka napatingin sakin si Dad.

“Wag mo ng paniwalaan. Tinatakot ka lang non” aniya saka nagpatuloy sa pag tatype at hindi na ako pinansin.

Katahimikan ang namayani sa buong living room, tutok ang mga mata namin sa laptop na kaharap naming dalawa ni Dad. May kanya kanyang trabahong pinagkakaabalaban, may times na may tumatawag kay Dad habang may ginagawa siya habang ako naman ay nagta-type ng Lesson Log.

“Dad” tawag ko sa kanya. It’s 11 in the evening at parehas pa rin kaming gising. Si mommy naman ay tulog na dahil bawal siyang magpuyat.

“Hmm?” ungot ni daddy. May tinatapos kasi siyang business proposal.

“Kapag ba sinabihan ka ng bata na may sisira sayo dapat ba yung paniwalaan?” ani ko. Napatingin sakin si dad pero bumalik rin agad ang tingin sa laptop.

“Tinatakot ka lang non anak, estudyante mo ba? Distracted ka masyado anak. Huwag mong kaisip ‘yon okay?” aniya. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Sumulyap siya sakin at ngumiti.

“May mga bata talaga ngayon na kung ano-anong sinasabi—”

“Ano’t nariyan pa kayo? You’re not done yet with your work?” sabay kaming napatingin sa pinto ni dad ng may nagsalita. Si mom. Umupo siya  sa tabi ni dad saka tiningnan kung ano ang ginagawa.

“Mom, bakit gising pa po kayo? Bawal po sa inyo ang magpuyat” nag aalalang ani ko kay mommy. Tumingin siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at tinapik tapik iyon habang nakangiti.

“Nauuhaw ako kaya bumangon ako, wala palang tubig sa kwarto akala ko ay nag iwan si Clara kaya lumabas ako.” Nakangiting ani niya saka tumingin sa laptop ni Dad. Kinuha ko naman ang phone ko at tinext si ate Clara na dalhan dito sa living room ng tubig, alam ko kasing nasa kusina pa siya ng ganitong oras.

“Business Proposal?” ani mommy saka nagtatakang tumingin kay dad. “I thought tapos na to bago ka pumuntang cebu?” aniya pa. Nagtatakang napatingin rin ako kay Dad dahil parang bumahid ang gulat at nerbyos sa mukha niya

“Ahm.. A-Ahh.. bago yan sweetheart” nauutal habang nakangiti na sabi ni daddy. “Tapos na rin naman yan” dagdag niya pa.
“Sige. Uuna na ako sa kwarto maagap pa ako bukas. Baby” aniya pa saka tumayo at humalik sa noo ko at sa pisngi ni mommy bago mabilis na lumabas ng pinto dala ang kanyang laptop. Dumating naman si Ate Clara dala ang isang basong tubig.
“Ma’am heto na po” aniya. Kinuha ko iyon at inilapag sa harap ni mommy, napatingin naman ako sa kanya dahil parang bigla siyang natulala.

“Mom? What’s wrong?” tanong ko pero umiling lang si mommy saka ngumiti. Kinuha niya ang basong may tubig saka iyon ininom.

“Tara na? Matulog na tayo baby” ani mommy. Tinulungan ako ni mommy sa pagliligpit ng aking mga gamit. Saka sabay kaming naglakad.

Paakyat na kami ng hagdan ng magsalita ako.

“Mommy? Kilala mo ba ang pamilyang Fernandez?” ani ko. Nagtatakang tumingin sa akin si mommy pero ngumiti rin.

“Isang lang ang kilala kong Fernandez dito. Siguro naman wala ng ibang Fernandez dito maliban sa pamilya ni Nanay Selena at Mang Pilero?”

“Sino sila mommy?” curious na tanong ko.

“Sila ang kilala kong sikat na manghuhula sa dito. May minsan na namamalengke ako non noong makasabay ko si Nanay Solen, bigla niyang sinabi na buntis ako. After a week nag test ako ng pregnancy and positive ang lumabas.” Aniya pa. Anong ibig sabihin ni Solene?

“Laking tuwa namin ng daddy mo non. Pinahanap ko yung bahay nila saka personal na nagpasalamat sa kanila.”

Nakikinig lang ako habang nagsasalita siya.

“May minsan din na tinulungan nila ako ng madulas ako sa batis. Nangangahoy si Mang Pilero non at saktong napadaan sa batis. Tinulungan niya ako dahil  dinudugo na ako. Muntik na akong maagasan dahil don. Pagdating ng daddy mo non, mabubugbog si Mang Pilero dahil akala niya sinasaktan niya tayong dalawa.” Aniya pa.

“Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila, anak.” Aniya pa. Sinamahan niya ako sa aking kwarto. Pinaupo ako sa kama saka tinulungan ako na ilapag ang mga gamit ko. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ako sa bahay.

“Pero ang nabalitaan ko wala na sila. Tanging anak na lalaki nalang nila at ang pamilya ang natitirang Fernandez dito sa atin.” aniya saka naguguluhang tumingin sa akin “Bakit mo nga pala naitanong anak?” aniya pa. Napipilan ako, hindi ko alam ang isasagot.

“Ahm.. Ah. Para makapag pasalamat din ako mom. Dahil kung hindi dahil sa kanila wala ako dito" aniko. Palusot saka tumingin sa kamay ko na hawak niya.

Hindi na nagsalita pa si mommy at hinatid ko na siya sa kwarto nila ni Dad para makapag pahinga na rin siya. Nakahinga ako ng maluwag at iniisip na naman kung anong gustong sabihin ni Solen.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now