CHAPTER 2

6 0 0
                                    

Avian’ POV

“Sinong teacher ang sumampal sayo?” tanong ko.

Si mommy na kaninang nasa isang couch ngayo’y kalapit na rin ni Tessa. Inayos niya ang buhok nito na ang ibig sabihin ay naaawa siya.

“Tessa. Tell me. Wag kang matakot” ani ko pa. Napayuko na naman ang bata saka nagkutkot na naman ng kuko.

Hinigpitan ko ang kapit sa isa niyang kamay.

“Tessa. Sige na sabihin mo na kay ma’am Avi, at sasabihin ko ito sa principal bukas” ani ko pero wala akong nakuhang sagot.

“Tessa—” napatigil ako ng hawakan ni mommy ang kamay ko. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay ni Tessa at siya ang humawak doon.

“Anak, wag mong i-pressure ang bata. Baka hindi pa siya nakaka get over sa nangyari.” Ani mommy.

“Total gabi na rin naman. Kumain muna tayo. Pakalmahin muna natin ang isa’t isa at mamaya natin siya tanungin anak. Come here kid. May niluto ako!” aniya pa saka inakay si Tessa papunta sa dining area.

Napatayo ako at napatampal sa noo. Ang bata pa ni Tessa para bastusin at saktan ng kung sino.  Kailangang ireport ito.

Patapos na kaming kumain nang marinig namin ang sirena ng mga pulis sa labas. Saglit akong tiningnan ni mommy bago tumingin sa glass wall.

Tumayo na ako at sinalubong ang mga pulis sa pintuan.

“Are you miss Avian Mercedes?” ani ng isang pulis. May dalawang pulis pa sa likuran niya na lumilinga linga sa palagid.

“Yes. I am. Come in sir. Take your seat” ani ko saka inilahad sila sa living room.

Pumasok si mommy kasama si Tessa sa living room.

Nagtataka si mommy na tumingin sa mga pulis at sa akin. Ginantihan ko lamang siya ng ngiti.

“Tessa come here.” Ani ko.

“Tell them what exactly happened to you” ani ko pa.

.
.
.
Halos magsitabihan ang mga estudyante at guro sa daan habang naglalakad ako papuntang faculty room. Kasama ko ang ilang mga pulis na may dalang warrant of arrest.

Nakayukom ang mga kamay ko.

Padabog kong binuksan ang pintuan at lahat ng teacher ay napatingin sa akin, nagulat dahil sa mga kasama ko.

“Miss Mercedes ano ba naman yan!”

“Baka masira ang pinto!”

Sa isang tao lang ako nakatingin ngayon. Nagsusulat siya ng lesson kaya naman hinampas ko ng malakas ang lamesa niya.

“What are you doi—“. *PAKKK*

Sinampal ko siya. Lahat ng guro na naroon ay napasinghap.

“My gosh Avi!” reaction ni Ani na kadadating lamang. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.

“Ms. Santos, baguhan ka palang pero nakasampal kana agad? And worse estudyante ko pa! Sa susunod na may saktan ka man na kahit sinong bata, ayusin mo na ang mga gamit mo at maaari ka ng umalis o di kaya mag resign kana lang bilang teacher!” sigaw ko.

“Pero syempre hindi ko hahayaang makalampas ito. Mamili ka, sasagutin mo ang anumang kailangan sa pagpapagamot ng pasa ng batang sinampal mo at hindi mo pinauwi ng maaga o ipapakulong kita?” matapang na ani ko.

Tumayo siya at matapang ring hinarap ako, “Nasaan ang patunay mo na ako ang gumawa kay Tessa ‘non?!” sigaw niya. Ngumiti ako sa kanya, humalukipkip at lumapit ng kaunti sa kanya.

“Wala akong sinabi na si Tessa ang tinutukoy ko Ms. Santos” mahinang ani ko. Mabilis nagbago ang itsura niya at alam kong kinakabahan siya.
“Ma’am  narito po ang CCTV footage, nakita po kayo na sinampal ang isang estudyante at kung hindi po ninyo babayaran ang medical expenses ng bata ay maaari po kayong makulong” ani ng katabi kong pulis at binigay kay Ms. Santos ang warrant of arrest.
Maluha-luha niya akong tiningnan pero hindi ako madadala sa ganyan. Hindi ko pinasok ang pagiging teacher kung pababayaan ko lang ito na mangyari. Kahit magsumbong pa ako sa head teacher ng school ay alam kong ganon rin ang kaniyang gagawin pero mas matatagalan pa dahil maraming proseso para masulusyunan niya ito.
“Ms. Mercedes, p-pakiusap. Huwag niyo kong ikulong” aniya at lumuluhang humawak sa braso ko.

“Sana inisip mo muna bago mo saktan ang mga estudyante sa paaralang ito.” aniko at bumaling sa pulis na kasama ko.

“Kayo na po ang bahala dito” ani ko pa saka lumabas na ng faculty.
.
.

“Ano ka ba naman Avi bakit mo sinampal si Ms. Santos?” tanong ni Ani. Parehas kaming nakaupo sa cafeteria kasama si Tessa. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pag intindi kay Tessa.

“A-Ako na p-po ma’am” aniya saka kinuha sa akin ang kutsara at tinidor.

“Dapat hinayaan mo nalang siya Avi. Hayan tuloy dinala sa clinic si Ms. Santos ng dahil sa iyo. Nahimatay siya nong sabihin ng pulis na matatanggal siya sa trabaho.” aniya pa.

Naiinis na tumingin ako kay Anima.

“Ani hindi ako papayag na sinasaktan ng kung sino ang mga estudyante ko. Teacher ka at alam mo na bawal tayong manakit ng estudyante natin nasa rules iyon. Sa palagay mo ba papayag ang magulang ni Tessa na sinasaktan ang anak nila ng Teacher niya sa school? Kagabi pag uwi ni Tessa galing sa school pinag diskitahan siya sa kanto ng mga tambay at alam mo ba ang ginawa kay Tessa? Muntik ng pag samantalahan! Mabuti na lamang at may dumaan na kotse dahil kung hindi sa kulungan na talaga ang bagsak ni Ms. Santos!” halos mawalan ako ng hininga dahil sa sunod sunod na pagsasalita.

“A-Avi.”

“Avi, ang ibig kong—”

“Ani. Kung hindi sana sinampal ni Ms. Santos si Tessa hindi gagabihin ito pag uwi at hindi sana  ito mapag sasamantalahan!” ani ko. Inabutan ako ni Ani ng tubig na siyang tinaggap at ininom ko.

“Sorry. Akala ko sinaktan lang si Tessa. By the way Tessa, are you okay na ba?” tanong ni Ani. Tumango si Tessa habang kumakain ng spaghetti.

“Mabuti kung ganon. Kailangang turuan ng leksyon si Ms. Santos!” sabi ni Anima saka tumayo pero pinigilan ko agad siya.

“Huwag na. Okay na. Nakaisa na ako!” ani ko saka sumubo ng spaghetti.
Matatapos na kami sa pagkain ng biglang magsalita si Tessa.

“Ma’am. Salamat po!” aniya saka ngumiti.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now