CHAPTER 14

1 0 0
                                    

Avian' POV

"Ms. Mercedes pinapatawag tayo ng principal sa faculty room" tawag atensyon sakin ni sir Rio na sumilip pa ng classroom ko. Napalingon sakin si Solen at Tessa na nakita ko sa pheriperal vision ko.

"Bakit daw?" tanong ko saka lumapit sa kanya.

"I don't know maybe meeting? Let's go?" aniya. Tumango ako at sinulyapan ang mga bata na abala sa pag susulat.

"Class, please behave. President?" aniko. Tumaas ang kamay ni Sarah kaya tumango ako.

"Make your classmates behave for awhile" ani ko. Tumango ito.

Naglakad kami papuntang faculty ni sir Rio. Kami nalang pala ang inaaantay. Umupo kami sa bakanteng upuan at saka nakinig sa sinasalita ni ma'am Sales. A principal.

"Okay. We have a teacher's meeting on Palawan and I have to choose teachers to attend." aniya. May kinuha siyang bondpaper at saka binanggit ang mga pangalan ng kasama.

"Anima Reyes and Rio Grande" huli niyang sinabi. Napatingin ako kay Ani na bakas ang tuwa sa mata. Wala na naman siyang time para makasama ako. Medyo nagtatampo na ako.

"You will leave tommorow at 9 in the morning" ani ma'am Sales. Nagdiscuss pa siya ng kung ano-anong kailangan dalhin at gawin pag dating doon. Hindi ako kasama sa nabanggit na pupunta para sa meeting.

"That's all." dagdag niya.

Nagsialisan ang mga teachers pero hindi pa rin ako tumatayo. Gusto kong makausap si Ani.

"Avi?" tawag niya sa akin. Tumayo ako at sinalubong siya.

"Aalis ka na naman bukas" ani ko sa mababang tono.

"Hmm wag kana magtampo, ililibre naman kita mamaya e. Diba sabi ko sa call" aniya saka lumingkis sa braso ko.

"Kukunti na lamang ang time mo sakin." ani ko. Nakapout.

"Wag ka ng mag pout, susulitin natin ang araw na to. Date natin" aniya saka kinurot ako sa pisngi.

"Awww"

After class ay pumunta muna kami sa isang restaurant para kumain, Sahub Resto ang pangalan, masarap ang pagkain dito at maayos ang serving area nila. May mga minimalist na table at chairs na maayos tingnan at ang aesthetic ng wall.

Umupo kami ni Ani sa pangdalawahan na mesa.

“Libre mo ba ito?” mapanuksong tanong ko sa kanya. Malawak siyang ngumiti at mayabang na sinagot ako.

“Yes naman. Buy the food you want, ako ng bahala” aniya saka ngumiti.

Saan galing ang pera niya? Alam kong kapag kumakain kami dito ay ako ang may pinaka-malaking ambag sa pampabayad namin kasi hindi niya afford ang price ng mga pagkain dito. Hindi pa rin kami nasweldo at kung susweldo kami ay pambayad niya sa apartment ang natitirang pera niya dahil pinapadala niya ang kalahati kay tita.

Napipilitan akong ngumiti kasi nagdududa na naman ako. “Okay, sabi mo yan ha?” ani ko saka sinabi ang order ko sa waiter na nag hihintay.

Kumalat ang amoy ng pagkain at amoy palang ay masarap na.

“Avi how’s tita?” napaangat ako ng tingin ng bigla siyang magtanong.

“She’s okay now. Nagpapahinga siya sa bahay” nakangiting sabi ko at saka humigop ng sabaw.
“Gusto ko siyang ma-meet in person pero wala naman akong time” nalulungkot na ani niya.

“Okay lang ‘yon marami pa namang time for that” sabi ko at saka ngumiti sa kanya. Napatingin ako sa cellphone niya ng may tumawag.

Meo calling…

Her boyfriend. Nag excuse siya sandali at lumabas ng resto.  Napatingin din naman ako sa cellphone ko ng may tumawag din.

Tita calling…

Her mother.

“Hello po tita” nakangiting ani ko ngunit nawala iyon ng marinig ko siyang umiiyak.

“What happened po tita?, may problema po ba kayo?” mahinahong tanong ko.

“Avian…” aniya narinig kong umiyak ang anak niya sa kabilang linya.

“Yes po?” ani ko. Napansin ko naman si Avi habang may kausap na lalaki sa labas. Naningkit ang mga mata ko, is that her boyfriend?

“Avi pwede bang makahiram sayo ng sampong libo? Lumayas na kasi kami ng anak ko sa bahay ng asawa ko… wala kasi akong…pambayad dito sa apartment na tinutulyan namin ngayon.” Aniya “baka pwedeng makahiram muna sayo, kung nakakaluwag luwag ka ay pwede bang doblehin mo?” dagdag niya pa.

“Alam po ba ni Ani na lumipat na kayo?” tanong ko habang nakatingin pa rin sa labas. Nagulat ako ng mag kiss sila kaya naman ay umiwas ako ng tingin.

“Hindi. Pakiusap, huwag mong sabihin sa kaniya. Ayokong mag-alala si Anima samin.” Aniya. Napabuntong hininga ako saka tumingin sa bag ko.

“Sige po. Ipapadala ko po sa inyo ay twenty thousand mamaya” ani ko saka napabuntong hininga.

“Maraming salamat Avi.” Aniya natunugan ko naman ang saya niya at parang nakhinga siya ng maluwag. Napaangat ang tingin ko sa pintuan ng pumasok si Anima kaya naman ay binaba ko na ang tawag at nagpaalam kay tita.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now