CHAPTER 27

0 0 0
                                    

Avian' POV

Tunog lamang ng aking heels ang maririnig habang naglalakad ako. May dadalawin kasi ako ngayon na importante kawawa naman siya kung wala siyang bisita di ba? Ako na mismo ang pumunta sa kanyang selda. Nakatungo siya at kausap ang daddy ko na ngayon ay iba na ang itsura. Mas tumanda ito hindi gaya ng dati.

Napatingin sa akin si Anima ng mapansin ako kaya naman tumingin din sa akin si dad at sabay pa silang tumayo.

"Kamusta ang moment niyo? Nasira ko ba?" tanong ko sa dalawa.

"What are you *cough doing here Avi?" tanong ni dad na may kasamang ubo. Mapanuring napatingin ako kay Anima pero ngumiti ako nang titigan lamang niya ang mukha ko.

"Narinig ko kasi na gumastos ka ng malaking pera para lamang makalaya si Anima kaya naman—" humalukipkip ako habang humakbang ng isa bago magpatuloy.

"Dinagdagan ko ang kaso niya not only for killing for my mom but also a trespassing in the middle of night and trying to kill me" matigas na ani ko saka tumingin sa mata nila.

"Hindi ko alam na babalewalain mo lamang ang pagkamatay ni mommy. Andami ko pa namang expectations sayo tapos opposite pala ang mangyayari. Hanggang ngayon siya pa rin ang kakampihan mo after all what she've done to my mom and to me? My gosh I can't believe you! Lalo mo lang pinagmumukha sa akin na hindi mo deserve ang kapatawaran naming dalawa ni mommy." Ani ko. Napipilan si daddy marahil ay tama ako.

"Hindi mo ba alam na niloloko ka ni Anima? She wants not you but your money!" nagtatakang tumingin si dad kay Anima na ngayon ay umiiyak na.

"Dati sinabi ko sa kanya that I am willing to donate my money para sa pamilya niya. Willing akong magbigay kahit magkano pero alam mo ba dad na mas pinili niyang siraan ang pamilya natin para lang sa pera. Hindi ko nga alam kung anong ginawa niya sayo bakit pinili mo siya kesa samin!" ani ko pa. Nag silabasan na ang iba pang mga nakakulong at nakatingin na sa pwesto namin.

"TAMA NA! OO NA! KASALANAN KO NA. MASAYA KA NA AVIAN? MASAYA KA NA BA DAHIL NAGTAGUMPAY KANA?" sigaw ni Anima.

"AT OO RIN TRIMEO, GINAYUMA KITA AT PINAINOM KITA NG LASON KAYA GANYAN ANG ITSURA MO NGAYON!" sigaw niya saka lumuha ulit.

Nagulat ako sa huli niyang binitawang mga salita. Ginayuma? Si daddy? Napipilan si daddy at halos mamutla hanggang sa bumagsak na lamang ito.

"Trimeo!" ani Anima na gustong lumabas sa rehas. Agad kong dinaluhan si dad at tumawag ang isang pulis ng isang ambulance.

"Dad, please hang on" ani ko saka kinapitan ng mahigpit ang kamay niya.

Nilalagyan siya ng oxygen ng nurse na nasa ambulance. Narito rin ako sa tabi ni dad at nilalapatan siya ng paunang lunas. Nang makarating sa ospital inilagay siya agad sa stretcher at agad ring ipinasok sa operating room.

"Ma'am hanggang dito lamang po kayo. Maghintay na lamang po kayo kung anong mangyayari sa pasyente" ani ng isang lalaking nurse na hinarang ako sa pagpasok.

Bumalik ang aking alaala nong mga panahong ganito rin ako nababahala nong si mommy ang nasa room na iyon. Ayaw ko nang mangyari iyon ngayon. Hinanap ko ang kapilya at doon nagdasal. Galit ako kay daddy pero may part pa rin sa akin na nagsasabi na hindi ko dapat maramdaman ito. After all he’s my father, the one who contribute to give me life.

"Diyos ko, huwag naman po ang daddy ko. Kailangan niya pa pong magpaliwanag kung ano at paano siya humantong sa ganitong sitwasyon. Pakiusap huwag si dad. Please" ani ko habang nakayuko at nakaluhod.

Nakatulala rin akong naglakad papunta sa waiting area para hintayin ang resulta ni daddy. Hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang mga doctor na tumitingin sa kalagayan niya. Naka-business attire pa ako, siguro ay magpapadala na lamang ako ng bihisan kay ate Clara. Nag ring ang phone ko pero unknown ang nakalagay sa caller. Sinagot ko iyon at ang nag aalalang boses ni Anima ang bumungad.

"A-Avi, si M-Meo? Kamusta s-siya?" aniya. Maya maya'y narinig ko ang paghikbi niya, hindi ko siya sinagot at napaiyak nalang din ng tahimik.

"A-Avi, pakiusap, m-magsalita ka n-naman" aniya ngunit nagmatigas pa rin ako.

"A-Avi, mapapatawad m-mo o n-niyo ba a-ako?"

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now