CHAPTER 15

1 0 0
                                    

Avian' POV

"Senyorita! Senyorita!" sigaw ni ate Clara sa taas. Pinatay ko muna ang laptop ko saka nagmamadaling umakyat sa hagdan. Muntik pa akong madulas sa pagmamadali ko. Agad kong pinihit ang door knob kung nasaan ang room ni mommy. Doon kasi nanggagaling ang sigaw ni ate Clara.

"Senyorita!" nag aalala at nagpapanic na si ate Clara.

"Mommy!" mahinang ani ko saka tumakbo sa kinaroroonan nila. Nasa kama si mommy nakahiga at maputla na.

"Senyorita nahimatay po si ma'am kaya iniakyat ko muna sa kama—"

"Tawagan mo ang driver bilis!" nagpapanic na ring ani ko saka hinawakan ang pulsuhan ni mommy. Narinig ko ang pagsara ng pinto pero ang atensyon ko ay na kay mommy. Mahina ang pulso. Shit.Agad akong kinabahan, nagpapawis na rin ang noo ko dahil sa panic.

"Mommy?" gising ko pero katulad ng dati maputla pa rin ito at hindi gumigising. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako at nakitang nagmamadali ang driver, sa sobrang panic ko ay sinigawan ko ang driver.

"Kuya! Please pakibuhat si mommy! Bilis!" ani ko agad umalerto si kuya saka binuhat si mommy na pang bridal style.

"Ate Clara pakihanda ng ilang damit ni mommy, pakisunod sa hospital!" ani ko saka sumunod kay kuya palabas ng bahay.

—•—

"Kuya pakibilisan naman!" ani ko saka hinawakan sa kamay si mommy. Nasa backseat kaming dalawa at nakahiga siya sa lap ko.

"Mommy?" naluluhang ani ko.

"Kuya malayo pa ba?"

"Malapit na ma'am!"

—•—

Agad inihiga sa stretcher si mommy saka nagmamdaling ipinasom sa ER. Agad akong pinigilan ng isang nurse na pumasok dahil susuriin daw ang kalagayan ni mommy. Pasalampak akong naupo sa waiting chair.

Please, save my mom.

Namalisbis ang luha saking mga mata, alam kong mahina na si mommy pero kakayanin naman niya diba? Malakas si mommy, alam kong okay lang siya.

"Mom, please be safe".

Sandali akong sumilip sa ER para tingnan si mommy, nilalagyan siya ng oxygen, may dextrose na siya at may apparatus na nakakabit sa katawan niya.  Napatakip ako sa bibig ko saka isinara ang pinto. Sumandal ako sa dingding saka umiyak.

Mommy. What the fuck happened?
Mommy please be okay. I still need you.

"Senyorita!" napalingon ako sa tumatakbong si ate Clara dala ang isang bag. Agad ko itong sinalubong ng yakap saka don ako humagulhol.

"Shhh.. senyorita, magiging okay lang si ma'am" aniya saka tinapik tapik ang likod ko gamit ang isang kamay niya.

"I hope so"

"Senyorita, lakasan mo loob mo. Lalaban si ma'am alam ko. Kanina nga pagka alis mo ng bahay sinabi niya ang swerte niya daw sayo kasi napakabait mo at maalalahanin kang tao. Deserve mo daw ang maganda at payapang buhay"

Naiyak ako lalo.

Mommy ikaw ang deserve ko.

"Kaya lalaban si ma'am para sayo. Sinabi niya rin na after niyang gumaling mamamasyal daw kayo sa Paris at kakain daw kayo sa China" ani ate Clara.

Mommy. Pagaling ka.

Umuwi ako ng bahay na walang buhay, nakalaylay ang balikat at anumang oras ay babagsak na ang luha. 9 pm na at nag shift muna kami ni ate Clara ng pagbabantay kay mommy.

My mom have a Leukemia, she needs blood.

Pang tatlong araw na ni dad na wala dito sa bahay. Kailangan ko pa ba siyang iinform sa situation ni mommy?

Pabagsak akong umupo sa aking kama saka kinuha ang cellphone sa vanity table.

Tinawagan ko si dad pero out of coverage siya. Nakailang try pa ako pero ganon pa rin.

Sorry, the number you have dialed is out of coverage area. Please try again later.

Busy ba siya o wala siyang pakialam samin?

Kahit sana wala na siyang pakialam sakin basta kay mommy meron dapat. Napabuntong hininga ako saka pabagsak na nakahiga sa kama. Saan ako kukuha ng dugo? Nasa company ang contact ng kilala naming pamilya sa France, baka matulungan nila ako.

—•—

It's already 8 in the morning, nakabihis na ako papuntang company. Dinala ko ang kotse ko at hindi na nagpahatid pa sa driver. Pagkabukas ko ng pintuan, nagulat ang tao sa counter ng company. Tatlo silang staffs na naroon saka nag bow ng makita ako. Lumapit ako doon saka tinanong kung nasaan ang contacts.

"Good morning ma'am what may we help you?" tanong ng isa na nakayuko na

"I need investors log book, is it in the hands of Mr. Agos?" tanong ko.

"Ah.. eh.. ma'am that's a private things—" agad ko siyang tiningnan na nakataas ang kilay kaya naman ng tumango ito ay napayuko ulit saka kinuha ang cellphone na nasa tabi niya.

"Wait ma'am. I will call Mr. Agos" aniya.

"Yes sir, someone's need you" aniya.

"Ah okay sir. Ma'am bumalik nalang daw po kayo bukas—" agad kong hinablot sa tenga niya ang cellphone.

"We need to talk" aniko saka agad ibinigay ang cellphone sa staff at lumakad ako ng diritso kahit tinatawag nila ako para pumirma sa log book.
May nakasabay ako sa elevator na siguro ay newly hired staffs dahil sa suot na uniform. Nag uusap silang dalawa at may kilig kilig pang nalalaman.

"Omg, ang gwapo ni sir Trimeo nong makita ko nong nakaraang araw kahit medyo may edad na"

"Oo nga. Kinamayan niya pa ako nong siya yung mag interview sa akin"

"Kyaaahhh"

"Ang kaso, may asawa na ata. Unfairness ang ganda nong girl, kaso kung ano namang inedad ni sir siya namang ikinabata ng asawa haha"

"Satrueee kung tatansyahin ko siguro mga 26 or 27 siya. Sa palagay mo?"

"28 ata."

Napalingon ako sa dalawang nag uusap. Trimeo? Teka. Iisa lang ang Trimeo dito sa company. Is it my dad?No. My mom is already 44, kapag nakita mo siya halata sa kanya ang edad niya. Ng tumunog ang elevator nauna sa akin ang dalawang babae na lumabas at ako naman ang huli. Umiling ako saka inisang tabi muna ang narinig.

I need to have a blood first!

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now