CHAPTER 12

1 0 0
                                    

Avian' POV

"Mommy? What are you doing? Bawal sayong magpagod!" nataranta ako ng makita si mommy na nag wawalis sa garden. Aligaga kong kinuha ang walis sa kanya saka inalalayan siya sa pag upo sa upuan na gawa sa kahoy.

"Ano ka ba anak. Hindi naman ako napapagod. Nililinisan ko lang itong garden natin. Look, the leaves are everywhere halos hindi na natin ito naiintindi" aniya saka malungkot na ngumiti.

Tinapik ko ng mahina ang kamay niya. Tumingin si mommy sakin saka hinawakan ang mukha ko.

"Saka ikaw anak, hindi na rin kita naiintindi dahil lagi nalang akong nasa kwarto. Napapansin ko na palagi kang malalim ang iniisip at napupuyat ka na" aniya. Nagtataka akong tumitig sa mukha niya. Maputla na si mommy at bumaba rin ang timbang niya.

"Mommy. I'm okay. Ikaw, how are you feeling?" tanong ko. Tumawa ng mahina si mommy

"I'm also okay anak. Kaya ko pa naman *cough*" napahawak siya sa dibdib habang umuubo.

“Pumunta na kaya tayo sa hospital mommy, parang hindi ko kasi nakikita na ginagamot ka ng personal nurse na hinire ni daddy “ ani ko. Hinamas ko ang likod niya saka inalalayan siya pag upo sa bench.

"Bakit wala ka pong kasama dito? Mabuti at sabado ngayon. Ako muna magbabantay sa iyo mommy" suhestiyon ko. Umiling si mommy saka ako hinawakan sa braso.

"Lumalaki kana anak. Mamamatay na ako pero hindi ko pa rin alam kung kelan ako magkaka apo" biro niya.

"Mommy. This is not the time for jokes" inis na ani ko.

"Saka wag ka ngang mag isip ng ganyan. Hindi ka pa mamamatay mommy" ani ko pero kinakabahan na ako.

"Anak. Mahina na ako—"

"Pupunta tayo ng hospital mamaya"

"Anak. Alam mo namang ayaw ko ng amoy ng hospital. Hihimatayin na naman ako"

"Pero mommy—"

"Shhh.. dito lang ako saka may kinuhang private nurse ang daddy mo. Na meet mo na ba siya?"

"Hindi pa mom. Kadadating ko lang kanina tapos nong paghatid ko ng pagkain sa kwarto mo wala namang nurse doon"

"Nag paalam siya sa akin na mag sCR kanina. Hanggang ngayon nga ay di pa bumabalik, kaya nag punta na ako dito sa garden dahil nakakabored sa kwarto. Wala akong kausap"

“Anong pangalan niya mommy?” curious na tanong ko. Ngumiti siya habang nakaharap sa akin. Ang hibla ng buhok ko ay inilagay niya sa gilid ng tenga ko.

"Nima. Nima ang name na binigay niya sa akin. Maganda din at maputi gaya mo pero mas maganda ka pa rin.” napatawa pa siyang mahina. Nima? What the heck?! Is that Anima? For pete’s sake she’s not a doctor so it can’t be. Napahinga ako ng malalim dahil nagsisimula na namang mag isip ng kung ano ano ang utak. She’s my best friend she can’t do that. How bad I am.

Buong araw ay inaantay ko ang nurse ni mommy para makita at makilala ko pero walang sumulpot at dumating. Narinig ko nalang na kausap siya ni mommy sa cellphone at nagpaalam na may emergency daw.

"Ate Clara paki alis naman po ng mga kurtina, palitan natin nito." sigaw ko. Agad kumilos si Ate Clara katulong ang driver namin at ibang katulong.

"Kuya ito po doon" ani ko.

Naglilinis kami ng bahay dahil sobrang kalat na. Medyo magmamadaling araw na pero hindi pwedeng ipag pabukas ito. Gusto ko na pag gising ni mommy, mapapansin niya agad ang pagbabago dito sa loob ng bahay.

"Okay na yan." ani ko saka ngumiti.

"Ang ganda senyorita" nakangiting ani Ate Clara.

"Oo nga ma'am kaya ako'y bilib sa iyo e" ani ng driver saka nakipag high five sakin. Napatawa ako saka uminom ng tubig.

"Pwede na po kayong magpahinga." Ani ko habang sinisara ang bintana.

"Ay kayo po?" tanong ng isang katulong habang dala ang basurahan.

"Mamaya po ako, ay teka ate Clara. Umuwi na ba si dad?" tanong ko.

"Hindi pa po ma'am. Kaninang umaga po siya umalis pero hindi ko pa po nakikita ang kotse niya sa garahe" ani niya na sinang ayunan ng driver.

"Ay sige po salamat." ani ko saka tumalikod. Napaupo ako sa couch at magsimula ng maglakad papunta sa kwarto sina ate Clara kasama ang ibang katulong at ang driver namin. Magkakahiwalay naman sila ng kwarto pero nasa iisang way ang daan nila.

Tiningnan ko ang oras. 12:36 am na.

*Kringgg*

Ani Calling...

"Aviii omygosh!" tili niya sa kabilang linya. Nailayo ko ng konti sa tenga ko ang phone.

"Shhh. Ani lower your voice. Masakit sa tenga" ani ko saka sumandal sa couch.

"Ay sorry. Pero aviiiiiiii omygosh, nag kiss na kami!" aniya saka tumili. Natawa ako ng mahina kasi para niyang teenager na first time may humalik sa kanya.

"Para namang first time mo hahaha" natatawang sabi ko

"Avi, alam mo yun. Ang lambot ng labi niya saka waaa omygosh hindi ako makaget over"

"Teka. Nasa CR kaba?"

"Oo. At saka Avi, may sasabihin ako sayo"

"Ano?"

"Waaaa omygosh"

"Hahaha ano yan? Wag mong sabihing buntis ka?"

"Dito siya matutulog ngayong gabi!"

"Anooo??" napasigaw ako

"Shhh wag ka maingay. Waaa Aviii omygosh hindi ako makatulog hanggang ngayon!" natatawa at kinikilig niyang sabi. Narinig kong parang may tumawag sa kanya kaya naman ay nagpaalam na siya sa akin at mag la-loving loving daw muna sila. Napangiwi ako saka pumunta sa kwarto ko.

Naupo ako sa kama at inilagay ang aking cellphone sa mini table ng mapansin ko ang panyo na galing sa office ni dad. Plain na white. Kinuha ko ‘yon pero binitawan ko rin agad.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now