CHAPTER 28

0 0 0
                                    

Avian’ POV

"A-Avi please magsalita ka naman", aniya pero pinatay ko na ang tawag dahil hindi ko na kaya. Nagsimula akong humagulhol sa sobrang bigat ng dibdib ko.

"You don’t deserve the forgiveness that you want to demand from me!", ani ko sa mahinang tono. Nanatili ako sa ganoong pwesto hanggang sa hindi ko na namalayan na gabi na pala. Hindi pa din lumalabas ang doctor o kahit mga nurse na nag ooperate sa condition ni dad.

Ganon na ba kalala ang ginawa sa kanya ni Anima? For how long? Ginayuma lamang siya ni Anima, paano?

Naalala ko na may nanay nga pala ito sa Danao. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa saka tinawagan ang numerong iyon.

"Hello? Sino ito?" aniya sa kabilang linya.

"Ani? Ano? Kamusta? Nagawa mo ba iyong sinasabi ko? Nakahuthot ka ba ng pera? Kinukuha na ang bahay natin dito ng bangko—"

"Stop it!" biglang ani ko.

"A-Avi?" nauutal na ani niya sa kabilang linya batay sa expression niya malamang gulat din siya.

"Hindi pa po ba nakakarating sa inyo ang balita?"

"B-Balita?"

"Anima's in prison now. Huwag niyo ng dagdagan pa ang kasong gusto niyong isampa ko sa kanya. Because she has consecutive two case and tomorrow the court will order her to have some lawyer"

"Bakit mo sa kanya ginawa iyon? Hindi ba kaibigan ka niya?"Meron po siyang mabigat na kasalanan sa akin—"

"Bakit hindi mo nalang siya patawarin?" naiinis na sabi ni tita. Agad akong nagalit dahil don.

"Pinatay ng anak mo ang nanay ko! Pinerahan niya ang tatay ko at ginayuma pa at ang panghuli para sabihin ko po sa iyo pinagtangkaang patayin ho ako ng anak niyo. Kaya ngayon niyo sabihin sakin kung karapat dapat ko ba siyang patawarin sa lahat ng ginawa niya" agad tumulo ang luha ko sa galit. Galit ako, oo pero may respeto pa rin ako sa kanya dahil alam kong matanda siya kesa sakin.

"Sinira ng anak mo ang pamilyang meron ako. Lahat ko ibinigay sa kanya pero ito lamang pala ang isusukli niya sakin. Pero alam ko na meron ka rin pong kasalanan at hahayaan ko na ang tadhana na mismo ang magparusa sa inyo" ani ko.

"Si Anima na lamang ang magbabayad ng kasalanan na ikaw dn naman ang nag udyok na gawin niya iyon" pinatay ko na agad ang tawag dahil nakita kong lumabas na ang doctor.

"Ikaw ba ang relative ng pasyente?" ani Doc.

"Yes po doc. Kamusta na daddy ko? Is he okay?" tanong ko.

"Ow. Yes. Kailangan niya muna ng pahinga at mananatili lamang siya dito para matingnan ang kalagayan niya. Naalis na namin ang Polonium sa katawan niya mabuti na lamang at hindi nito agad naapektuhan ang organs ng pasyente. Rest assured you're father is now okay!" ani doc saka ako hinawakan sa balikat at nginitian bago umalis.

Nabunutan ng tinik ang aking dibdib sa narinig.

—— "Sir, kumain po muna kayo nito" alok ni ate Clara ng minsan siyang sumama sa akin para samahan si Dad sa hospital.

Inalalayan namin siya upang makaupo. Medyo okay na siya pero halata mo pa rin na nanghihina. Sabi ng doctor makakabawi din daw siya ng lakas kapag nakapag pahinga na siya. Isang linggo na niya dito at kami ni ate Clara ay palitan sa pag babantay kaso lagi kong naaabutang tulog si Dad kapag shift ko na kaya hindi ko siya nakakausap.

Actually ngayon ko lang siya first time na nakitang gising sa shift ko. Masaya naman na ako na nagiging okay na siya pero hindi ko alam kung na aawkward siya kapag nasa paligid niya ako.

"Ahmm. Labas mu—"

"Avian" malumanay na ani dad saka tumingin sa akin. Nakatayo na ako sa upuan at handang lumabas.

"Pwede bang iwan mo muna kaming dalawa, Clara?" aniya. Tumango si ate saka inilapag sa tabi ang plato at kutsara. Tahimik naming pinakinggan ang pagsara ng pinto bago siya magsalita.

"Anak. Patawad—" nagmamadali akong umupo sa tabi niya para patigilin siya sa pagsasalita.

"Okay na Dad, wag kana humingi ng sorry" ani ko saka ngumiti.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now