Chapter 35

1.7K 65 5
                                    

Margarette's POV

"Tignan mo ito. Ang ganda. Ito na lang kaya?" Tanong ni Elly habang pinapakita sa akin ang damit na nahanap niya.

"Ang sexy masyado eh."

"Marga, dapat sexy talaga ang suot mo later. It is an important night for Max ba naman."

May event kasi mamaya dahil related ata sa project ni Max na matagal na niyang ginawa. Bahay daw eh.

"Wait, sukatin ko nga." Sabi ko rito kaya ngumiti naman ito at tinulak na ako sa loob ng fitting room.

Pagkatapos kong isuot ang damit, lumabas naman ako at pinakita sa kanya.

"HALA! BAGAY! BET KO IYAN." Halata naman sa boses niya ang pagkasabik kaya natawa na lang ako.

"Okay pero pwede bang kunin din natin ito? In case lang naman magbago isip ko at mahiya sa sobrang sexy ng damit."

"Margarette being Margarette." Natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako.

Pagkatapos naming magbayad, pumunta muna kami sa paborito naming kainan ni Elly simula pa noon.

"Table for two, ma'am?" Tanong waiter kaya sinagot naman siya ni Elly at pumunta na kami sa upuan.

"Libre ko ah." Sabi ko rito kaya tumili naman ito na parang nanalo.

"Iba na talaga ang isang Margarette Alonzo."

Namula naman ako sa sinabi niya.

"Hala siya. Kinikilig ka pa rin tuwing tinatawag ka sa apelyedo ni Max."

"Eh crush ko ang asawa ko eh."

Napailing na lang ito.

"Margarette?" Tumingala naman ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko.

Kumunot lang ang noo ko.

"Kilala mo?" Tanong naman ni Elly.

"Hindi.."

"Margarette, ikaw nga talaga! Kamusta ka na?"

"Ah, baka ibang Margarette-"

"Hays ito naman kinalimutan na ako. Si Simon ito. Iyong crush na crush ka noong Highschool."

Halos mabulunan naman ako sa laway ko. Nakanganga naman si Elly sa narinig.

"Simon? Hala! Sorry hindi kita nakilala agad."

Natawa lang ito. "Okay lang. Halos ten years na rin naman kasi ang nakalipas."

"O nga eh. Tsaka nga pala, si Elly. Kaibigan ko."

"Hi, Elly. Simon nga pala."

"Hello, Simon. Nice to meet you."

"Ikaw lang mag-isa?" Tanong ko.

"Kasama ko ang pamilya ko."

"Pamilya?"

"Oo. Nandoon sa grocery station pa ang mag-ama ko."

Kunot noo akong nakatingin sa kanya kaya natawa siya.

"Nabaliko ako eh." Natatawa niyang sabi.

"Ta-talaga? So mag-ama?"

"Oo. Nag adopt kami ng anak ni Florence."

Ngumiti naman si Elly kaya ngumiti rin ako at niyakap siya.

This Time (GSquad Series #3) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon