Chapter 17

2.2K 69 30
                                    

Margarette's POV

"Handa na ba ang mga bagahe?"

"Besh, kanina ka pa." Natatawang sabi ni Elly habang naglalagay ng makeup.

Ngayon kasi ang flight namin papuntang Bohol dahil doon ikakasal si Noah at Vivian.

Sa susunod na araw na kasi ang kasal nila kaya kailangan naming bumyahe na para makapaghanda.

Sabay na kami nila Crystal, Elly at Hiro. Nauna na kasi sila Night, Quinn, Kai, Averyl, Shyle at ate Wish sa Bohol. Kahapon iyong flight nila.

Si Max naman, mamaya pa raw gabi ang alis niya dahil may kailangan pa siyang asiksuhin sa kompanya. Private plane ang gagamitin niya mamaya.

Sasabay na sana ako sa kanya para may kasama naman siya pero gusto niya akong mauna na para makapagpahinga and maka enjoy daw ako. Hindi na ako umangal baka mag-away pa kami.

"I am so excited!" Tili ni Crystal dito sa loob ng van na minamaneho ni Hiro.

"Ako nga rin eh. Bonus na iyong mga beaches sa Bohol." Sabi naman ni Hiro.

"My camera's ready na. Dapat kumuha tayo ng maraming pictures ah." Nakangiting sabi ni Elly.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikakasal na si Noah." Natatawa kong sabi.

"Parang kailan lang na nagpaproblema iyon palagi dati baka kasi tatanda siyang binata." Natawa naman sila sa nasabi ko.

"Noah's a kind man. I'm sure he'll become a good husband kay Vivian." Tumango naman ako sa sinabi ni Crystal.

Pinikit ko muna ang mga mata ko kasi malayo layo pa ang byahe namin papuntang airport.

.....

Max's POV

"Eve, don't let anyone enter my office, okay?"

"Paano po kung si sir po ang papasok?"

"Tell him it's my order. Do you understand?"

"Opo, boss."

I was about to grab my laptop when something caught my attention.

"Eve, you may now leave."

"Okay po, boss." After she went out, I looked closer to my cabinet and examined the jar.

Something's off kasi.

"What the.." Kinuha ko ang maliit na object and looked at it thoroughly.

"Hidden..camera.." I mumbled and immediately crashed it using my hand.

Someone's spying on me..

I opened my laptop to check the CCTV footage.

"That's odd..why nawala ang footage sa mga oras na ito?"

Hindi rin ito ang araw na pumunta si Dad so.. it's impossible if he did this. If ever siya, why would he do it? Minsan lang naman pumupunta si Margarette in here eh and I am his daughter for goodness sake.

*Phone rings*

"Hiro? Why did you call?"

"Ah pinapaalam ko lang na paalis na kami papuntang Bohol. Papasok na kami sa eroplano minutes from now."

"Okay. Take care and please tell Margarette to stay calm."

"Sige. Ikaw rin. Ingat sa byahe mamaya."

This Time (GSquad Series #3) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon