Chapter 19

2.1K 60 36
                                    

Margarette's POV

"BILIS! BAKA MA LATE TAYO!"

"Chill ka nga, Ave." Reklamo ni Shyle habang inaayusan kami rito sa loob ng isang hotel room.

"Girl, late na tayo ng 10 minutes."

"It's fine. They'll not start if wala tayo. Gosh."

"Luh? Ikaw ba iyong ikakasal para they'll wait for you?" Reklamo naman ni Crystal.

"Then go. Shooo ka na." Sabay irap naman ni Shyle rito.

"Tama na nga iyan. Mauuna na kami ni Elly sa simbahan, ha? Tutulungan pa namin sila Vivian doon." Sabay kuha ko sa mga gamit ko.

"Sure. We'll be there." Sagot naman ni Crystal habang sinusuot ang mga sandals niya.

"Hindi naman siguro sila magbabardagulan doon no?" Natawa naman ako sa sinabi ni Elly.

"Teka, sino nga ang maghahatid sa atin sa simbahan?" Tanong ko habang naglalakd kami palabas ng hotel.

"Nandoon si Hiro sa labas naghihintay sa atin. Hindi kasi makakasundo sila boss Max dahil kinakabahan daw si Noah ayon parang bata na ayaw magpaiwan." Natawa naman ako habang naiiling.

"Sila Shyle? Anong sasakyan nila?"

"Babalikan sila ni Hiro."

Tumango naman ako at agad na pumasok sa van na nakaparada dahil tanaw namin si Hiro sa loob.

"You two look stunning." Sabi ni Hiro kaya nagpasalamat naman ako sa kanya dahil walang balak itong kasama ko.

"Kahit iniirapan mo ako, ang ganda mo pa rin." Natatawa niyang sabi pero tinaasan lang siya ng kilay ni Elly.

Pagkarating namin sa simbahan, nandoon na silang lahat sa labas.

Iyong ibang mga guests, nagpapicture na.

Iyong team kasi nila Max din ang naka assign sa mga kukuha ng pictures.

"Girls!" Agad naman kaming lumingon at nakita namin si ate Wish na kumakaway sa amin.

"Where are the others?"

"Ay nandoon pa po sa hotel, ma'am Wish." Sagot naman ni Elly.

"Okay. They'll be here naman agad, right?"

"Opo. Binalikan na po sila ni Hiro roon."

"Okay. Here." Binigyan naman niya kami ng parang pin na ilalagay sa damit namin.

Hinanap ko naman sila Max pero wala akong makitang kahit anino nila.

"Nasaan po sila Max?" Tanong ko kay ate Wish.

"They're still taking pictures doon sa loob. They'll go here na rin minutes from now for the entrance." Tumango naman ako.

Tumulong naman kami nila Elly sa pag-aayos sa mga guests para magiging maayos ang flow ng kasal.

Nakita ko rin iyong parents nila Noah at Vivian kaya nagmano na rin kami sa kanila.

Pagkatapos ng ilang minuto, nagsidatingan na sila Crystal, Shyle, Averyl at si Hiro.

Sakto namang paglabas nila Max.

Ngumiti naman ako nang magtama ang mga mata namin.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako ng mabilis.

"You look breathtaking." Bulong nito.

"Salamat. Ikaw din."

"Thanks, gorgeous."

This Time (GSquad Series #3) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon