Chapter 27

2.1K 79 37
                                    

Margarette's POV

"May balita na ba?"

"Wala pa.." malungkot na sagot ni Night habang tinatawagan si Noah.

"Bakit walang sumasagot?" Nag-aalalang tanong ni Kai.

"Walang suspicious sa mga properties ni Hiro.." seryosong sabi ni Quinn na ngayon ay hinahawakan ang kamay ni ate Wish.

"O.M.G! Turn the TV on!" Sigaw ni Averyl kaya agad ko namang kinuha ang remote at ginawa ang sinabi niya.

"Balitang showbiz na naman tayo ngayon mga kababayan. Ngayong araw itinakdang ikasal sina Max Alonzo at Payton Garcia sa Spain pero sa di inaasahang pangyayari ay biglang may kaguluhan na nangyari."

"Batay sa ulat ng mga police, may nagbomba umano sa venue ng kanilang kasal."

"Lima ang kompirmadong patay sa nangyari. Ligtas naman ang pamilya ni Payton at Max. Si Payton naman ay nasa hospital na ngayon dahil nagtamo ito ng mga imjuries sa katawan. Si Max naman ay nailigtas na umano dahil dinukot ito sa sinasabi nilang mastermind."

"Hindi lang kung sino ang sinasabi nilang mastermind dahil si Hiro Alonzo mismo ang mastermind sa nangyari. Tama kayo, ang pinsan mismo nina Max Alonzo at Wish Alonzo Salvador ang dumukot at muntik ng pumatay sa sikat na CEO at ang kanyang mismong pinsan pa."

"Hindi pa malaman ang dahilan ng krimen sapagkat hindi pa naglalabas ng anumang statement ang mga Alonzos. Wala pa ring balita kung ano na ang lagay ni Max sa ngayon."

Umupo naman ako sa upuan malapit sa akin dahil nanghina ako bigla.

"Dapat sa Hiro na iyan, makulong!" Galit na sabi ni Kai.

"I- I can't believe na kaya niyang gawin iyon. What was he thinking?" Galit na tanong ni ate Wish.

"Pupunta tayo sa Spain. Puntahan natin sila, please?" Nagmamakaawa kong sabi.

Lumapit naman si Quinn sa akin at tumango.

"Kami na ang bahala sa mga papel na kakailanganin mo." Nagpasalamat naman ako kay Kai.

"Puntahan niyo sila, hindi muna ako sasama. Hindi kasi ako mapapanatag eh baka hindi safe kung iiwan natin ang mga pamilya natin dito. Ako na ang magbabantay." Seryosong sabi ni Night at tumango naman si Shyle.

"I'll stay as well." Segunda naman ni Shyle.

"Sige. Si Quinn, Margarette at si Wish ang pupunta roon sa Spain." Sabi naman ni Kai.

"Hindi ka sasama?" Tanong ni Quinn.

"Susunod na lang kami ni Night. Tama si Night. Hindi tayo pwedeng mapanatag kaya sasamahan ko siyang magbantay dito. Tatawagan pa namin si Vivian na manirahan muna rito hanggang sa wala pang desisyon gagawin kay Hiro."

"Salamat sa inyo."

"Walang anuman, Margarette. Huwag kang mag-aalala, sigurado akong ligtas si Max at ang iba." Sabi naman ni Averyl kaya tumango ako at niyakap siya.

.....

Max's POV

I slowly opened my eyes and tried my best to look around.

"Ma-Max?"

I furrowed my forehead.

"Wait, I'll just call everyone."

I closed my eyes again. Too tired..

"Max? Thank goodness you're awake!"

"Mom.." I mumbled.

This Time (GSquad Series #3) GxG |UNEDITED|Where stories live. Discover now