Chapter 30

2.4K 81 14
                                    

*Three Years Later*

Margarette's POV

"Nakakaproud ka talaga!" Tili ni Elly habang niyayakap ako.

Pinuntahan ba naman ako rito sa Switzerland.

"Salamat."

Tatlong taon na rin kasi simula nang nag-aral at nagtrabaho ako rito sa Switzerland.

Noong graduation ko, pumunta silang lahat dito.

Si Max nga iyong pinakamaaga eh tapos niregalohan ba naman ako ng napakamaraming pagkain at mga gamit na magagamit ko. Natawa nga ako kasi alam niya talaga anong gusto ko.

Ngayon, natupad na ang isa sa mga pangarap ko at iyon ang maging baker.

Ngayon din kasi ako uuwi sa Pilipinas dahil opening na ng itinayo kong sarili kong café and restaurant.

Habang nandito ako sa Switzerland, pinapatyo ko na iyon sa Pilipinas sa tulong din ni Quinn, Kai at ni Noah. Si Kai kasi ang tumulong sa mga papel na kakailanganin dahil siya ang businessman sa amin. Si Noah at Quinn naman ang tumulong sa mga kakailanganin ko sa cafe at restaurant ko at siyempre naman ang fiancé ko na ang tumulong sa design kasi architect kaya iyon.

Jusko! Kinikilig na ako sa pagtawag sa kanya ng fiancé paano na kaya kung asawa na.

Isang Max Zykel Alonzo ba naman ang asawa mo ackkk!

"Huy. Okay ka pa diyan? Para kang sira."

Sinamaan ko na lang ng tingin si Elly habang dinadala ang mga gamit ko.

"Saan na ang sasakyan natin?" Tanong ko.

"Sorry! I was too distracted sa mga sceneries." Tumingin naman ako sa nagsalita at nakita si Crystal na naglalakad papunta sa amin. Ginawang runway.

Grabeh naman makatingin ang mga tao sa paligid. Crystal effect nga naman.

"Fashionably late ka na naman." Sabi ni Elly habang sinasamaan ng tingin ang isa.

"Sorry na. I'll make bawi." Ngiting sabi naman ni Crystal habang nakahawak sa bewang ng isa.

And yes po, sila na nga. Nabigla nga ako eh. Sila na pala noong bago pa ako umalis papuntang Switzerland.

Akalain niyo iyon, sila ang nagkatuluyan.

"Tama na iyan. Ang sakit niyo sa mata." Naiinis kong sabi dahil ang rupok ni Elly. Nadala agad sa suyo ng isa.

Si Elly lang pala ang makakapagpaamo sa isang Crystal ah.

"Excited ka na, Margarette?" Tanong ni Crystal habang nagmamaneho.

"Sobra. Namiss ko na rin ang hangin sa Pilipinas eh."

Natawa naman silang dalawa.

.....

Max's POV

"Saan kayo ikakasal ni Margarette?" Kai asked while pouring the wine in my glass.

"Guess niyo and I'll pay kung sino ang makahula." They immediately sat properly. Game mode.

"Dito lang!" - Night.

"Netherlands!" - Kai.

"France!" - Quinn.

"Italy!" - Noah.

I smiled and pointed Quinn that made them groaned in annoyance.

"France? Akala ko pa naman dito lang." Night said.

This Time (GSquad Series #3) GxG |UNEDITED|Where stories live. Discover now