Chapter 23

1.7K 72 36
                                    

Margarette's POV

Ilang araw na rin ang lumipas simula noong naghiwalay kami ni Max.

Ang tahimik na niya sa social media. Hindi ko na rin naririnig ang pangalan niya sa mga balita.

Nalaman na rin pala nila Quinn at ng iba ang sa amin. Nagulat nga sila eh. Bakas naman sa mga mukha nila ang galit ag pagkadismaya.

Hindi rin daw nila ma contact si Max. Kinausap naman nila si Crystal pero tanging sagot lang ay kailangan muna niyang magpakalayo sa lahat.

Si Hiro naman, binibisita ako rito para kamustahin.

Ako, nag focus na lang ako sa trabaho ko para ipagpatuloy ang pag-iipon.

Hindi ko namang maiwasang hindi mag-alala..

Habang nagluluto ako, tinawag ako ni Quinn.

"Marg! Nandito si Hiro."

"Sige, papunta na."

Pagkalabas ko, nakita ko naman si Hiro na hindi mapakali.

"Hiro, anong kailangan mo?"

"Margarette, ikakasal na si Max. Tuloy na."

Halos nakalimutan kong huminga sa narinig.

Pinaupo naman ako ni Hiro at lumapit ito sa akin.

"Margarette, I'm sorry."

"Akala..akala ko ba gagawan niya ng paraan?" Bakas sa boses kong pinipigilan ang sarili kong maiyak.

"Ginawa ni Max ang lahat pero..ubos na siya, Marg. Kung makikita mo siya ngayon, namayat siya. Halos hindi na lumalabas sa bahay niya. Hindi na kumakain. Nag-iba siya. Hindi na siya katulad nung dati."

"Hiro, hi-hindi pwede! Hi-hindi siya pwedeng maikasal sa iba!" Naiiyak kong sagot kaya niyakap ako ni Hiro.

"Margarette, pinapabigay niya sa'yo."

Umalis ako sa yakap at kinuha ang papel. Umiling ako at hindi binasa ang papel.

"Hiro, kailangan ko siyang makita."

"Hi-hindi ko alam kung..nakaalis na ba siya,  Marg-"

"A-ano? Bakit? Saan ba siya pupunta?!"

"Spain."

Napatakip na lang ako sa bibig ko habang umiiyak.

"Kai-kailangan ko siyang makita! Hindi niya ako pwedeng iwan!"

Halos patakbo akong lumabas sa restaurant. Wala akong pake kung anong tingin nila sa akin.

"Margarette, teka!"

Wala akong narinig. Basta ang gusto ko makaabot doon.

Halos matumba ako sa ginagawa ko.

"Margarette! Hali ka!" Tumingin naman ako sa gilid at nakitang naka motor si Quinn.

"Habulin natin si Max!" Sigaw niya kaya naiyak ako at lumapit sa kanya.

"Hindi natin siya ipapakasal sa iba." Seryosong sabi ni Quinn at tumango naman ako at umangkas na sa motor niya.

Nakita ko naman si Hiro na ngumiti na parang sinabihan kaming puntahan si Max.

Agad na pinatakbo ni Quinn ang motor niya.

Max, huwag mo akong iwan. Max...patawad...

Hindi kita dapat sinukuan. Hindi kita dapat binitawan.

Hintayin mo ako, Max.

This Time (GSquad Series #3) GxG |UNEDITED|Where stories live. Discover now