Lesson 18

46.4K 377 128
                                    

Lesson 18

History & His Story

"Bahala kang pumara ng taxi o mag-commute 'pag hindi ka pa bumangon diyan," naramdaman kong gumaan ang kama sa pagbangon niya matapos pindut-pindutin ang pisngi ko.

"Hmmm... 5 minutes, please," yinakap ko pa nang mahigpit ang unan na nasa tabi ko.

"I don't wanna be late, okay? I have never been late kahit noong estudyante pa lang ako," tuluyan na siyang lumabas. Inabot ko ang iPhone ko na nakapatong sa mesang nasa tabi ng kama.

Time check. 5:45 AM.

Huh? Ang aga-aga pa! 8:00 pa ang first class ko! Bahala siya, basta ako itutuloy ko ang pagtulog ko. Istorbo naman nito.

Isasara ko pa lang ulit ang mata ko nang biglang nagbukas ang pinto. "Cheska! Bumangon ka na! You're going to cook the breakfast while I work out." Pumintig ang tainga ko nang marinig ko ang salitang 'cook'. Damn! I can't even fry a hotdog!

Tinakpan ko ang tainga ko ng unan, "Anong cook-cook ka dyan?! Ugh! It's too early! 8 am pa pasok ko. 7:30 na ako babangon."

"Salit-salitan tayo ng chores dito," nasa gilid na siya ng kama ngayon dahil kahit nakatakip ng unan ang tainga ko, naririnig ko ang boses niyang napakalapit. "I won't be your slave, okay?"

Padabog kong tinanggal ang unan na nakatakip sa akin. "Why don't we just get a maid?! We're rich as f uck! Why not?!" Kinamot ko ang ulo ko. Bwiset naman 'to.

"Hindi ako kumportable kapag may ibang tao sa bahay ko," he crossed his arms. "I leave this place at 7:00. Kapag 7:30 ka gumising, wala na ako dito."

"Fine. I wake up early so what? I'm gonna make breakfast for you? Dream on!"

"Not just for me, it's for you also," aniya. "We'll take turns on cooking."

Ito na nga ba ang sinasabi ko. For sure, ibabalik na ako nito sa mga magulang ko.

"I don't know how to cook, man! I can't beat an egg, I can't fry a hotdog, I don't know how to turn a stove on! In short, I have never been in charge in the kitchen!" Paliwanag ko sa kanya.

"Seriously, Cheska?" Mukha siyang hindi makapaniwala. Bumuntong hininga siya at pailing-iling ang ulo.

"I'm so f ucking serious that I can't cook," sinamaan ko siya ng tingin.

He looks resigned. "Fine, ligtas ka ngayon, but you should teach yourself to cook, okay? Hay. Hindi tuloy ako makakapag-exercise ngayon dahil sa'yo."

"Wow, ako pa talaga ang sinisi?"

He hissed. "Bangon na, panuorin mo akong maghanda ng almusal." He boringly said.

"Eh, matutulog na lang ako. Manunuod na lang ako ng How To's sa Youtube mamaya," bumalik ako sa paghiga. "Wake me up by 6:30 AM o kapag okay na yung breakfast." Itinalukbong ko na ang blanket hanggang sa ibabaw ng ulo ko.

Hinatak niya pababa ang kumot ko, "Asa. Just get up and watch me prepare so you'll learn!"

Hinila ko naman pabalik sa akin ang kumot. "No, matutulog ako hangga't kailan ko gusto!"

"Tss. Don't try me, Cheska ha." Umakyat ulit siya sa kasama. "I don't like being challenged," he crawled on top of me. Napapagitnaan ng tuhod niya ang mga binti ko at nakatukod naman ang mga kamay niya sa gilid ng mga braso ko. Shit, I am trapped.

He locked his gaze to me. "Oy, ano bang ginagawa mo ha? Sinasapian ka ba? Get off!" Pilit ko siyang tinutulak sa dibdib niya pero hindi siya matinag. Damn!

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon