Chapter 21

258 4 0
                                    

Ingrid’s Point of View:

“Ingrid!”

Natigilan ako sa pag takbo nang marinig ang boses ni Cassy. Napalunok ako at mabilis s’yang hinarap at nakita si Camilla na hawak niya. Nanlaki ang mga mata ko at tinignan si Camilla. 

“Bitawan mo si Camilla,” mahinahon na sabi ko. 

Biglang dumating si Ian na nakangisi. Wala na s’yang suot na maskara at nakikita ko na ang tunay niyang mukha. Nanliit ang mga mata ko nang makita ang sugat sa kaliwa niyang mata at nag-iwan ng marka. Tinignan ko si Camilla na nakatingala habang may kutsilyo sa kanyang kamay. Ngayon, dalawa na silang nasa harapan ko. 

“Anong pakiramdam na unti-unti nawawala sa ’yo ang lahat? Una… si Kenzo.” Napasinghap ako. “Pangalawa ang mga tao sa loob ng school na ’to at pangatlo…” Tinignan niya si Camilla. “Ang matalik mong kaibigan.”

“Marami ng nawala sa buhay ko Cassy at lahat ng ’yon ay wala sa akin dahil alam mo kung bakit?” Ngumiti ako. “Mayroon akong pamilya na masasandalan… hindi katulad mo na ginamit at ginawang laruan.”

“Manahimik ka!” Napasigaw si Camilla dahil mas lalo pang nilapit ni Cassy ang kutsilyo sa  leeg ni Camilla. “Wala kang alam sa kung anong pinagdaanan naming lahat! Wala kang alam sa kung ano ang naranasan namin sa buhay na meron kami!”

Tinignan ko lang s’ya at kahit umuulan ay kitang-kita ko si Detective Clara na nasa likod ng malaking puno. Ngumiti ako at umatras nang maglakad papunta sa akin si Ian dala ang isang kutsilyo. Hindi pa rin kami natatapos sa habul-habulan habang umuulan at hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa loob ng school at kampante ako dahil nandoon ang mga Dela Torre. 

“Wala ka ng matatakbuhan pa Ingrid!” Tumawa si Ian. 

“Sigurado ka?” Ngumiti ako. 

Mabilis akong umilag ng iwasiwas sa akin ni Ian ang kutsilyo. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at sinikmuraan dahilan para mapaatras s’ya. Mabilis akong tumalon sa puno at dumiretso sa kanya ang malakas kong tadyak. Mabilis kong hinawakan ang kutsilyo at tinapon sa kahit saan. Tumayo s’ya at nasampal ang kaliwa kong pisngi pero wala sa akin ’yon. 

“Hindi mo ba matanggap na ginamit lang kayo ni Dr. Isaac? Na ginamit niya lang kayo para makalapit sa aming mga Dela Torre? Na ginamit niya lang kayo para gawing tulay para sa pangarap niya!” sigaw ko.

“Tumigil ka na!” sigaw ni Ian at nahawakan ang buhok ko. “Tumigil ka na sa kakasabi ng walang kwenta dahil hindi ’yan totoo!”

Tumawa ako at hinawakan ang kamay niya na nasa buhok ko at malakas na siniko ang tiyan ni Ian. Mabilis kong sinipa ang mga hita niya at nahawakan ang braso niya para paikutin papunta sa likod. Rinig na rinig ko ang pag tunog ng mga buto niya kaya mas lalo kong binanat ang braso niya sa likod. Ngumisi ako at mabilis na kinuha ang handcuff na nasa bulsa ko. 

“Totoo ang mga sinasabi ko, Ian ginagamit niya lang kayo para sa pangarap niya…” hinihingal na bulong ko. 

Du Mort University: The Untold MysteryWhere stories live. Discover now