Chapter 10

283 10 7
                                    

Ingrid’s Point of View:

“Parang buong class record e, inisa-isa mo ah?” Natawa si Camilla. 

Ngumisi ako at binasa ang student profile ng bawat isa. Wala naman akong masyadong mahanap pero kuryoso ako sa pangalang Manuel at Ian.

“Sino si Ian?” tanong ko.

“Si Ian? Anak ’yon ng doctor dito sa Du Mort University. Weird ang lalaking ’yon at lagi niyang kasama sila Cassy,” sabi ni Camilla. “Pero mag-ingat ka diyan dahil may sapak sa ulo ang isang ’yan.”

Tumango ako at binasa pa ang ilan sa mga student profile na nakuha ko. Hindi naman ako interesado sa mga ganito pero dahil dala ng kuryosidad, gusto ko rin na malaman kung sino sila. Huminga ako ng malalim at ininom ang juice na nasa harapan ko. Iniisip ko bakit masyado silang mailap sa impormasyon tungkol sa ate ko. Ni record ng ate ko ay wala sa kanila at nasa ibang bansa na raw. Tinignan ko muli ang pangalan na Ian at naalala ang lalaking nakita ko sa basement kasama sila Cassy at Manuel. 

“Sa tingin mo, Camilla? Naging maayos kaya ang buhay ni ate dito?” Hindi ko maiwasan na itanong. 

“Bakit mo naman na tanong?” tanong ni Camilla. 

“Wala lang. Naisip ko lang na baka hindi talaga totoo na nasa ibang bansa si ate at nagpapagaling? Na baka may purpose talaga kung bakit ako nandito? Hindi ko lang ma-explain. I feel like I need to solve the mystery?” Natawa ako.

Ngumiti si Camilla. “Kung ano man ng nararamdaman mo e, valid. Sa tingin ko, masyado ka ng stress kaya tara na at mag pahinga ka na.” 

Natawa si Ingrid. “Mauna ka na, Camilla. May tatapusin lang ako sa library.”

“Sure ka?” tanong niya. 

Tumango ako at agad naman s’yang nag paalam. Pag tingin ko sa gilid ko ay wala na naman si Luna. Iniwan pa niya ang pagkain sa gilid ng upuan. Napailing na lang ako at mabilis na tumayo para pumunta sa library ngunit sa paglalakad ko ay nakita ko si Luna sa garden.

“Luna?” tawag ko. 

Napatingin ako sa gilid ko at wala ng tao. Naglalakad-lakad ako para hanapin si Luna na ngayon ay hindi ko na mahanap. Kumunot ang noo ko at napatingala, nasa likod na ako ng school. Tinignan ko ang bawat paligid at lumakas ang ihip ng hangin na nagdala sa akin ng nakakakilabot na pakiramdam.

“Luna?” tawag ko. “Nasaan ka?”

Naglakad-lakad ako hanggang sa makita ko ang pusa na nasa isang pinto. Kumunot ang noo ko at tahimik na naglakad papunta doon para alamin kung bakit naka-angat ng tingin si Luna. Tiningnan ko ang bawat paligid at tanging ako at si Luna lang ang nandito kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Tahimik at madilim sa loob, walang tao at tanging dilim lang ang nakikita ko.

“Meow…” Si Luna sa mahinang boses at dire-diretso sa pagpasok na animo’y may binati muna bago pumasok.

Binuksan ko ang cellphone ko at hinanap ang switch ng ilaw at nang mahanap ko ay binuksan ko 'yon. Bumungad sa akin ang mga pictures sa dingding. Napaawang ang labi ko nang makita ang isang glass frame. Sa loob nito ay isang uniform, sapatos, palda, at vest ngunit mas napansin ko ang name plate. 

“Ivory…” bulong ko. 

Tinignan ko ang bawat paligid at nakitang may iba’t ibang vandalism ang nasa pader. May mga pictures pa ni Ivory na nagkalat sa sahig at pader. Inisa-isa ko ang pictures at napaawang ang labi ko nang makita kung paano i-bully ng mga estudyante si Ivory na nakayuko. Napahawak ako sa bibig ko nang makita ang litrato ni Ivory na pinagtutulungan ng mga estudyante.

Du Mort University: The Untold MysteryWhere stories live. Discover now