Chapter 3

322 6 1
                                    

Ingrid’s Point of View:

Iritado ako pagpasok ko ng dorm. Kumunot ang noo ko nang maalala ang sinabi ng babae kanina. Anong mayroon sa ate ko at gusto niyang gawin ang ginawa niya sa ate ko sa ’kin? May hindi ba ako alam?

“Ingrid!” Sigaw ni Camilla. 

Napatingin ako sa pinto at nakita si Camila na hinihingal na nakasandal sa pinto. Kumunot ang noo ko. 

“Bakit?” Tanong ko. 

“Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasagutan o ano?” Nag-aalala niyang tanong. 

Umiling ako dahil wala namang ginawa sa akin ang mga babae na ’yon. Hindi ko nga sila kilala ngunit nakuha ng atensyon ko ang sinabi nung isang babae. Tinignan ko si Camilla na nasa sofa na. 

“Ano 'yung sinasabi ng babae? Anong gagawin niya sa akin na ginawa niya sa kapatid ko?” Sunod-sunod kong tanong. 

“Uh…” Hindi mapakali si Camilla. “Wag mo na lang intindihin ang mga sinasabi nila. They're just joking.”

"Hindi joke ’yon, Camilla. Hindi nila sa akin sasabihin ’yon kung nagbibiro lang s’ya. It has a meaning!” sabi ko. 

“They’re the mean girls here. Lahat ng gusto nilang gawin ay nagagawa nila dahil stockholders ang pamilya nila sa school na ’to. Anak ng Mayor si Cassy at spoiled rin sa school na ’to,” sabi ni Camilla. 

Tinignan ko lang si Camilla. Marami akong gustong malaman. Gusto kong mag-aral nang maayos pero dahil sa statement na ’yon, naging kuryoso ako. Sino ang taong kakausapin ko? Huminga ako ng malalim. Dapat ko nga atang kausapin ang principal ng school na ’to. May iba talaga akong nararamdaman na hindi ko alam kung paano sasabihin. 

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Camilla. 

“Sa principal’s office. Hindi mo naman kayang sagutin ang mga tanong ko kaya sa principal na lang ako lalapit,” mahinahon na sabi ko.

Mabilis akong naglakad papunta sa principal’s office. Marami akong nadatnan na mga estudyante na naglalakad at nag-uusap sa gitna. Pumasok agad ako sa principal’s office at nadatnan si Mr. Lucian na may pinipirmahang papel. 

“Good afternoon,” bati ko. 

“Oh, Ingrid? Why are you here?” tanong niya. 

“Gusto ko sana malaman ang tungkol sa Ate Ivory ko,” diretsong sabi ko. Nakita kong natigilan s’ya ng kaunti ngunit agad rin namang nakabawi. “Gusto kong malaman ang lahat ng ginawa niya dito sa Du Mort University bago s’ya umalis ng bansa.”

Inayos niya ang kanyang salamin bago ako tinignan ng diretso. 

“Ivory was a good student here. Laging nasa dean’s list at higit sa lahat, friendly sa ibang tao. I heard she’s recovering in the States kaya hindi mo pa nakikita. Why are you curious?” Tanong niya. 

“Wala lang,” sabi ko. “Gusto ko lang na malaman kung sino ba ang mga naging kaibigan ng ate ko. Naguguluhan kasi ako sa kanila dahil sa tuwing naglalakad ako... pakiramdam ko kakaiba ako sa kanila. Para akong may sakit na nilalayuan at para akong ibang tao sa kanila.” 

“Maybe because they see a new face?” Nakangiting sabi niya. “Baka hindi lang sila nasanay na may isa pa palang Dela Torre?”

Natigilan naman ako at napaisip. 

“Who’s Kenzo? Boyfriend ba s’ya ng ate ko?” Bigla kong tanong. 

“No,” simpleng sagot niya. “Masyado kang kuryoso sa mga bagay, Ingrid. Bakit hindi ka mag-enjoy sa college life mo? Being a college student, you must enjoy your company with your friends… classmates, or even sa mga teacher. What do you think? Masyado kang nag-o-overthink sa mga bagay-bagay. Ivory is in the States, recovering. While you, you need to finish your studies.”

“Fine…” Sabi ko. “Thanks, Mr. Du Mort.”

Ngumiti lang s’ya at binaba na ulit ang tingin sa mga papel. Tumayo ako at agad na lumabas ng office. Naglakad-lakad ako sa hallway para tingnan ang mga teachers at iba pang mga estudyante. I want to know everything in this school. Simula nung naging estudyante ang ate ko hanggang sa kung paano umalis si ate papuntang ibang bansa. 

“Aw!” Napangiwi ako nang bumagsak ako sa sahig dahil may nabangga ako. 

“Meow…” The cat purred. 

Napa kurap ako at napatingin sa pusang itim na nasa gitna. Maayos ang pagkakaupo at bored na nakatingin sa akin. Inayos ko ang palda ko at masamang tinignan ang pusa na nasa harap ko. 

“Bakit ka ba kasi nandyan? Nabangga tuloy kita,” mahinahon na sabi ko.

Nag-meow lang ang pusa at nanatiling nakatitig sa akin. Ngunit napansin ko ang kwintas nito na may buwan. Saktong-sakto sa laki at maganda ang kulay. Naalala ko tuloy ang pusa na nabangga ko noon sa coffee shop. S’ya kaya ’yon? Napangiti ako nang lumapit ang pusa sa akin at umupo sa sapatos ko. 

“Sino ba ang amo mo at bakit hinahayaan ka lang dito?” Pagkausap ko sa pusa. “Ang ganda-ganda mo pa naman.”

Napangiti ako nang mas dumikit pa sa akin ang pusa. Natawa ako at agad na kinuha ang pusa at nilagay sa bisig ko. Natatawa ako dahil sobrang komportable niya sa mga bisig ko.

“Sa akin ka na lang kaya?” tanong ko. Nagulat ako nang bigla s’yang mag-meow at dumikit sa dibdib ko. 

Ngunit mas napansin ko ang matalas na mga mata ng pusa. Ang kakaibang aura sa pusa ay nagdadala ng kilabot sa sistema ko. Pakiramdam ko, sobrang halaga ng pusa na ’to sa Du Mort University. Mabilis kong hinaplos ang balahibo nito at agad akong naglakad malapit sa dorm.

“Uy, Ingrid!” Sigaw ni Camila sa malayo. 

Napangiti ako at dahan-dahan na humarap sa kanya. Ngunit sa pag harap ko ay nakita kong natigilan s’ya. 

“Bakit?” Nakangiting sabi ko. 

Nawala lang ang ngiti ko nang makitang parang lahat sila ay natulala sa akin. Ang iba pa ay nabitawan ang kutsara at ang iba naman sa kanila ay nakaawang ang labi na parang may nakitang multo. Tiningnan ko ang pusa na nasa bisig ko at ngumiti sa kanilang lahat, hindi pinapansin ang kakaiba at weird nilang tingin. 

“Kanino ’to?” Tanong ko. 

“I-Ingrid…” Lumapit si Camila at bakas ang pangingilid ang kanyang luha. 

“Huh? Bakit? Ano bang meron? Parang ngayon lang kayo nakakita ng pusa?” Nakakunot noo na sabi ko. 

Umiling si Camila at ngumiti. Tiningnan ko ang mga estudyante na kanya-kanyang umaalis sa lamesa maliban na lang kay Kenzo at sa mga kaibigan niya. 

“Anong meron, Camilla?” Nakangiting tanong ko. Hinahaplos ko ang ulo ng pusa na tahimik sa bisig ko. 

Napalunok si Camilla at tinignan ang lamesa nila Kenzo bago s’ya dahan-dahan na tumingin sa akin. 

“That cat is… very important.” Ngumiti si Camilla. “She’s… Ivory’s cat.”

Du Mort University: The Untold MysteryWhere stories live. Discover now