Chapter 14

256 6 0
                                    

Ingrid’s Point of View:

Tulala pa rin ako habang nakatingin sa litrato ni Ate Ivory. Nagsisimula na ako maghiganti para sa ate ko. Nagsisimula na rin akong hanapin kung sino ba ang pumatay sa Ate Ivory ko. Huminga ako ng malalim at napatingin sa litrato ng itinuturing kong pamilya.

“Ingrid? Hindi ba masyadong delikado ang paghihiganti mong ’to?” Tanong ni Camilla. 

“Camilla, ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na nagsisimula pa lang ako?” mariin kong tanong. “Hindi ako pwedeng manahimik na lang! Unti-unti ko ng nalalaman ang lahat, Camilla. Unti-unti ko ng nakukuha ang mga gusto kong impormasyon.”

“I understand you, Ingrid, I do. Nag-aalala lang naman ako sa ’yo. Nag-aalala lang ako dahil hindi mo kilala ang mga tao dito. You even skipped class dahil diyan. Nag-aalala lang naman ako sa pag-aaral mo. You’re almost graduating,” sabi ni Camilla. 

Fourth year na kaming dalawa ni Camilla. Lahat ng nangyari sa pag-aaral ko ay naging mabilis lang. Parang isang ihip lang ng hangin at fourth year na kaagad ako. Napailing ako, ni hindi ako pumapasok sa klase para lang hanapin kung sino ang pumatay kay Ivory at ano ang dahilan?

“Ian…” biglang sabi ko. “Naalala mo ba ’yung lalaki na nakasalubong natin sa Luna Center? ’Yung lalaking naninigarilyo?”

“O-Oo… bakit?” tanong ni Camilla. 

“Wala lang. Ka-boses niya kasi ’yung lalaking narinig ko sa basement…” sabi ko. “Hindi ako sigurado pero ka-boses niya ang lalaking ’yon o baka hindi ’yon.”

Napailing ako at agad na tumayo para pumunta sa susunod na klase. Natigilan ako nang makita ang lalaking nakita ko sa basement. Nakangisi s’ya at pinaglalaruan ang sigarilyo at umupo sa unahan kung saan nandoon ang upuan ko. Huminga ako ng malalim at naglakad papasok ng hindi tinitignan ang lalaki. Iba ba s’ya sa Ian? O magkaiba talaga silang dalawa?

“Business organization law refers to the numerous ways a business may be legally formed under state laws,” sabi ng prof na nasa unahan. “In addition to incorporating as a corporation, businesses may also be formed as partnerships, limited liability companies, and other business forms.”

Wala doon ang atensyon ko kundi sa lalaking nasa unahan ng upuan ko. Hindi ko alam kung s’ya ba ang lalaking nakita ko sa basement noong nakaraan o hindi. Tinignan ko ang hawak niyang sigarilyo na pinaglalaruan niya sa kamay. Napailing ako. Hindi s’ya ’yung lalaking nakita ko. Walang tattoo sa kamay ang isang ’to.

“There are several types of business entities, including sole proprietorships, partnerships, and corporations. Each type has its own advantages and disadvantages in terms of liability, taxation, and management structure,” pagpapatuloy ng prof. “Mr. Ian? Hindi pwede ang sigarilyo sa klase ko.”

“Ma’am, hawak ko lang ang sigarilyo,” natatawang sabi ni Ian. 

“Kahit na. Kung gusto mong manigarilyo, lumabas ka. Hindi pwede—”

Napatalon ako sa gulat nang padabog s’yang tumayo. Napalunok ako at napatingin sa kanya na galit na galit na nakatingin sa prof na nagulat. 

“Lalabas ako! Ang ingay-ingay mo!” sigaw ni Ian. “Bwisit na buhay ’to!”

Napa kurap ako at tinignan ang lahat ng estudyante. Tinignan ko si Ian na lumabas at nagmamadaling bumaba. Huminga ako ng malalim. Tama ba ang gagawin ko? Hahayaan ko ang sarili kong makalapit sa delikadong taong ’yon? Paano kung hindi pala s’ya? Paano kung… wala dito ang pumatay sa ate ko?

“Let’s continue our discussion,” sabi ng prof. 

Nagpatuloy kami sa pag-l-lesson at nakinig ako sa prof. Pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa dorm ko. Nilagay ko ang picture ni Ian sa ginawa kong drawing sa whiteboard. Tinignan ko isa-isa ang mga pictures nilang dalawa. Sa itaas ay si Ate Ivory at sa ibaba niya, ang mga nakasalamuha niya at mga naging kaibigan niya. 

Du Mort University: The Untold MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon