Chapter 19

233 6 0
                                    

Ingrid’s Point of View:

Nagising ako sa masamang panaginip. Bumangon ako at napatingin sa kisame, napagtanto na nasa dorm na ako. Napapikit ako nang maalala ang nangyari kagabi lang at kitang-kita ko si Manuel at Israel na nakahandusay sa sahig. Huminga ako ng malalim at napatingin sa katabing kama ng wala si Camilla. 

“Gising ka na pala,” sabi ni Camilla. 

“Sino nagdala sa akin dito?” tanong ko at uminom ng tubig na dala niya. 

“Si Sir Lucian… kasama ang isang babae na Clara ang pangalan,” sagot niya. “Kumusta ang pakiramdam mo?”

Imbes na sagutin si Camilla ay napatingin ako sa bintana. Tahimik at normal na araw lang para sa mga estudyante. Tinignan ko si Camilla na nakatingin sa akin. 

“Kayo-kayo lang ang nakakaalam sa nangyari kagabi. Sinabi ni Sir Lucian sa mga estudyante na hindi kailangan pag-usapan ang pagkamatay nila Manuel at Israel. Nakakatawa na mas natutuwa pa ang mga estudyante na malaman na wala na ang dalawang bullies,” sabi ni Camilla. 

Natigilan ako at naalala ang sinabi ni Clara sa akin. Ang war sa pagitan ng Dela Torre at ng school. Ngayong alam na ng mga Dela Torre ang nangyari sa kapatid ko, sigurado akong pupunta sila dito. Mabilis akong bumangon at agad na nagbihis dahil kailangan kong puntahan ang principal. 

“Ingrid!” sigaw ni Camilla. 

Mabilis ang lakad ko kahit pa masakit ang mga paa ko. Nakarating ako sa principal’s office at agad na binuksan ang pinto upang makita ang mga magulang ko. Napasinghap ako at natigilan nang makita si mommy na napatingin sa akin. 

“M-Mommy…” tawag ko. 

“Ingrid,” mahinahon na tawag niya at mabilis na tumayo para yakapin ako. “I’m so sorry that you experienced this inside this school.” Binitawan niya ako at tinignan ang mga sugat sa pisngi at leeg ko tsaka s’ya umiyak at niyakap ako. “I’m so sorry, Ingrid.”

Tinignan ko si daddy na tumayo at hinaplos ang buhok ko. Mabilis akong umupo at napatingin kay Lolo Thomas na seryosong nakatingin sa principal. 

“Bigla na lang nawala si Dr. Isaac at ang dalawa niyang anak ay wala na rin kaming balita. Balita ko ay nagtatago sila pero malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama bukas o sa araw na ’to. Gusto ko lang na maging handa kami sa lahat, Mr. Dela Torre,” sabi ni Sir Lucian. “Ayaw kong madamay ang mga inosenteng estudyante na gusto lang mag-aral sa school na ’to.”

“Wag kang mag-alala dahil handa kami kung sakali man na bumalik si Isaac.” Tinignan ako ni Lolo Thomas. “Are you okay?”

“Yes, lolo…” mahinahon na sabi ko. “Ano pong pinag-uusapan niyo?”

“Nakatanggap ng death threat ang Du Mort University galing kay Isaac,” sabi ni lolo. Natigilan ako at napatingin sa principal. “Anuman sa mga oras na ’to ay kailangan nating mag handa. Tumawag na kami ng mga NBI para tulungan tayong mahanap ang tatlong ’yon. After Ingrid’s investigation here in school, kailangan ng magbayad ng may kasalanan sa pagkamatay ni Ivory. Nang matahimik na ang bata sa kakahingi ng tulong sa amin sa panaginip.”

Du Mort University: The Untold MysteryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora