Chapter 16

231 6 1
                                    

Ingrid’s Point of View:

“I will let you do the things about the investigation, Ingrid. Hahayaan na kita gawin lahat ng gusto mo.”

Natigilan ako nang marinig ang sinabi ng principal. Tinignan ko s’ya na kalmadong nakatingin sa akin. Napa kurap pa ako at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya at sa mga sinasabi niya. 

“P-Po?” tanong ko. 

Huminga s’ya ng malalim at pinagmasdan ako na hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. 

“Papayagan na kitang gawin lahat ng gusto mo sa mga estudyante dito. Hahayaan na kitang mag-imbestiga at asahan mong nandito ako,” nakangiting sabi ni Mr. Lucian at tumango. 

“Paano ang… pangalan mo? Ang school na ’to? Sinabi mo na may pumoprotekta na malaking tao sa killer ng ate ko. Paano kung magkaroon ng gulo?” tanong ko. 

“Hindi ko hiniling na magtiwala ka sa akin pero ngayon? Kailangan mong magtiwala sa akin. Kailangan mong makinig sa akin.” Tumango ako. “Sa likod ng school na ’to ay mayroong basement at doon nakalagay ang mga baril at kutsilyo. Nilagay ko ’yon doon dahil may mga estudyante na gusto magkaroon ng kaalaman sa baril. Once na may nangyaring masama, kailangan mong pumunta doon. Kunin mo ang mga kailangan mo at alam kong magaling ka sa pana at palaso, gamitin mo.”

“S-Sir Lucian…” Napalunok ako. 

“Yan ang utos ko, Ingrid. ’Yan ang tanging magagawa ko para sa ate mo at sa mga Dela Torre,” nakangiting sabi niya. “Sige na, I will attend meetings today. Mag-ingat ka.”

Pagkatapos ko sa klase ay mabilis akong lumabas para tingnan kung ano ang ginagawa nila Ian. Wala si Kenzo at sinabi nito na may pupuntahan s’ya. Palubog na ang araw kaya napatingala ako at hindi ko maiwasan na mapangiti. Malapit ko ng makuha ang hustisya para kay ate pero hindi ko pa nakakausap ang mga magulang ko. Ang mga sinabi sa akin ni Kenzo na pinadala ako ng mga Dela Torre para gawing spy.

“Sa labas.”

Napatingin ako sa hindi kalayuan nang makita si Cassy, kasama sila Manuel. Palabas sila ng school at nanliit ang mga mata ko dahil masama ang kutob ko. Mabilis akong naglakad dala ang bag ko at nagmamadali na sumunod sa kanila. Pag labas ng school ay puro puno at maliit na bundok. Naglakad-lakad ako para sundan silang lima na naglalakad. 

“Ang babaeng ’yon!” Galit na sabi ni Ian. “Hindi talaga titigil ang babaeng ’yon hangga’t hindi niya nakikita ang killer ng ate niya. Maging ang principal ay kakampi na niya!”

“Kaya nga kailangan nating mag-ingat sa babaeng ’yon! Kahit pa sabihin natin na Dela Torre lang ’yon… malaking pamilya mayroon ang babaeng ’yon!” Galit na sabi ni Manuel.

Huminto ako ng huminto sila. Napalunok ako nang makita ang isang daan pababa kung saan sila naglakad. Dahan-dahan akong naglakad pababa sa kung saan man sila pumasok. Napatingala ako, malalim na ang gabi at mga ibon na lang ang naririnig ko mula sa mga mataas na puno. Napatingin ako sa paligid nang makitang wala na sila at nandoon sila sa kabilang silid. 

“Anong balita?” 

“Wala! Punyeta talaga ’yang babaeng ’yan. Hindi na mapakali ang kamay kong patayin ’yan!” Galit na galit na sigaw ni Ian. 

“Anong balak superiorum? Alam niya na ba ang pangalan mo?” 

Umiling ang lalaki. Mabilis akong pumasok sa kabilang kwarto at napasinghap nang makitang madilim. Gumamit ako ng flashlight at napaawang ang labi ko nang makita ang kabuuan ng bahay. Ang gulo, maraming damit, at nakita ko doon ang mga litrato ko kaya kumunot ang noo ko.

Du Mort University: The Untold MysteryWhere stories live. Discover now