Chapter 7

287 11 7
                                    

Kenzo’s Point of View:

Ilang linggo na ang nakalipas ngunit lagi pa rin akong nakabantay kay Ingrid. Ayaw kong gawin niya ang binabalak niya dahil delikado at kung hindi man delikado, mapapahamak naman s’ya. Tiningnan ko si Ingrid na eksperto na hawak ang palaso at pana sa kanyang kamay. 

“Nice shot, Dela Torre,” sabi ng aming P.E at defense teacher. “Matagal ka na bang nasa archery class?”

“Opo, matagal na. Nakapag-compete na rin ako sa iba’t ibang bansa,” sabi ni Ingrid. 

Tumango ang teacher namin at maya maya lang ay tinuro na nito ang defense. Hawak namin ang kutsilyo habang pinapakinggan ang aming teacher. Sa school na ’to, kailangan mong iligtas ang sarili mo. Kailangan mong maging alerto dahil kapag tumalikod ka, asahan mong may sasasaksak sa ’yo ng hindi mo alam. 

“Bakit kailangan natin ’to?” Tanong ni Ingrid. 

“Sinabi ko na sa ’yo… delikado,” sagot ko. 

Nagtaas ng kilay si Ingrid at pinaikot sa kamay niya ang kutsilyo. Natigilan ako at namangha sa nakita. Kung sa bagay, hindi naman um-a-attend ng defense class si Ivory noon dahil volleyball ang hilig ni Ivory.

“Nagsumbong ka ba sa principal?” Tanong ko. 

“Malapit na” Tinignan ako ni Ingrid. “Hindi ko palalampasin ang nakita ko.”

“Ingrid, hindi ka ba nakikinig?” bulyaw ko. “Ayaw kitang mapahamak, okay? Mas mabuti pang tumahimik ka na lang at maging bulag sa mga nakikita mo.” Kunot ang noo ko sa kanya.

“Bakit ako magiging bulag? She was raped and I need to do something! Don’t be so bossy here, hindi naman kita kailangan sundin. Hindi—”

“Dahil nang magsalita ang ate mo napahamak rin s’ya!” Sigaw ko. Natigilan s’ya at napatitig sa akin. Hindi ko na napigilan ang galit na nararamdaman ko dahil kaunti lang ang pasensya ko. 

“A-Ano? Anong kinalaman ng ate ko?” Tanong ni Ingrid. “Kenzo, anong ginawa ng ate ko?” Hinawakan niya ako sa braso.

“She was beaten up when she said what she saw, that's why I told you to shut your mouth! Be blind!” iritadong singhal ko. 

Napa kurap si Ingrid at napatingin sa akin. Bahagyang nakaawang ang pink niyang labi at nakatitig sa akin ang kuryoso niyang mga mata. Napailing ako at mabilis na umalis at binitawan ang kutsilyo. Mabilis akong pumunta sa labas para suminghap ng hangin.  

“Sinabi kong ’wag mong ipapahamak ang sarili mo.”

“Mr. Du Mort!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko s’ya. “Bakit po kayo nandito?”

“Tinitignan ko ang nakita ni Ingrid kagabi. Gusto ko lang sabihin rin sa ’yo na kasama tayo sa imbestigasyon ng mga Dela Torre. Everyone here is related to Ivory at nabuksan na ni Ingrid ang kaso kaya lahat tayo dito apektado,” sabi ni Mr. Du Mort. 

“Sinusubukan ko naman po. Sinasabi ko sa kanya ang hindi dapat gawin at dapat iwasan pero matigas ang ulo niya! Bakit ba kasi hindi na lang natin sabihin sa kanya ang totoo?” tanong ko. “Kailangan niya ring malaman dahil kapatid niya ’yon.” Nag-angat ako ng tingin.

Napailing si Mr. Du Mort at huminga ng malalim. “Hindi pwede dahil hindi natin alam kung anong magiging epekto non kay Ingrid. Her mom wants her to graduate that’s why, I’m keeping everything in the right time.”

“Pero bakit?” tanong ko. “Anak nila si Ivory ganun rin si Ingrid. Kambal silang dalawa. Bakit ipinadala nila dito si Ingrid kung alam nilang delikado?”

Du Mort University: The Untold MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon