Prologue

921 16 1
                                    

“Ma’am Ingrid, kanina ka pa po tinatawag nila Don Cuervo at Madame Ivy.”

Bumuntong hininga ako at umirap sa kawalan. Nagsabi na ako na hindi ako sasama sa kanila ng lunch dahil bukod sa hindi ako gutom, wala rin akong gana kumain.

“Tell them that I’m full,” mahinang sabi ko habang pinaglaruan ang folding knife na binili sa akin ni Lolo Thomas.

“Pero po ma’am…”

Padabog akong tumayo at mabilis na tinignan ang maid. Napaatras s’ya at halata ang takot sa mga mata niya. I stared at her for a minute and sighed, ayaw kong matakot s’ya sa akin dahil ang maid na ’to na lang ang kinakausap ko. 

“Susunod ako. Salamat!” Ngumiti ako nang maliit at agad s’yang tumango bago umalis. 

Pinagmasdan ko ang litrato ni Ate Ivory. Nakangiti kaming lahat dito at masayang kumakain pero hindi ko na nakita si Ate Ivory pagkatapos niyang mag-aral at bago ako huminto sa pag-aaral. Lagi s’yang nasa hospital at aalis na naman papuntang school para mag-aral at pagkatapos nag-graduate ay nag-ibang bansa. Nasaan kaya s’ya at hindi pa s’ya umuuwi? Anong balita sa kanya?

“Ingrid!” Narinig ko na ang boses ni mommy sa ibaba. 

Mabilis akong lumabas ng kwarto at agad na napatingin sa ibaba. Ang dami naming pagkain sa araw-araw dahil gusto ni mommy laging puno ang mahaba naming table. Bumaba ako ng hagdan at napangiti nang makita si Lolo Thomas.

“Lolo, buti na lang bumisita ka dito,” nakangising sabi ko.  

“Gusto ko kayong makasama sa tanghalian dahil alam mo naman, nag-iisa lang ako sa bahay at ang mga pinsan mo ay umalis,” sagot niya. 

Tumango ako. “Mabuti na lang rin dahil hindi pa tayo tapos mag-training. Hindi mo pa sa akin natuturo ang mala-detective mong galawan, lolo.”

Natawa si Lolo Thomas sa akin kaya napailing ako at agad na umupo sa upuan sa tabi ni daddy. Nagsimula mag-serve ng pagkain ang mga maid. 

“Hindi ka na ba talaga mag-aaral Ingrid?” Biglang tanong ni mommy. “Ayaw mo ba talaga sa sinabi naming university? Sayang ang taon kung hindi ka mag-aaral. After all, you’re almost graduating.”

“I want to pursue what Lolo Thomas told me, mom,” mahinahon na sabi ko. 

“To be a detective?” Hindi makapaniwala na tanong ni mommy. “Hindi ba sabi ko sa ’yo? You will be a model, an architect, or an artist. Mas bagay sa ’yo ang ganyang career kaysa maging detective.”

Umiling ako at ayaw na ayaw kong dinidiktahan ang gagawin ko. Gusto ko mag-college pero mas gusto kong gawin ang mga bagay kung saan ako magaling. Sa dami kong napanood na documentaries ay gustong-gusto ko magkaroon ng sarili kong investigation.

“I don’t want to be an architect. Mas gugustuhin ko pang mag-solve ng mga kaso kaysa mag-design ng mga bahay,” nakangiwing sabi ko. 

“You will study, Ingrid. That’s my order to you, or else I will get your cards,” seryosong sabi ni mommy habang matalim ang tingin sa akin. 

“Whatever you say, mommy. At the end of the day, ako pa rin naman ang masusunod sa gusto kong gawin in the future.”  

Buong lunch ay nakinig ako sa mga plano ni mommy para sa akin.

“Ma? I was wondering how Ate Ivory in the states? Anong balita sa kanya? Is she still sick? Ilang taon na ah?” tanong ko. 

Natigilan sila sa tanong ko. Para akong nagbitiw ng isang delikadong tanong kaya lahat sila ay nakatingin sa akin. 

“Well, she’s still recovering from a mild stroke. Hindi pa pwede mag-biyahe ang ate mo at mas gusto kong nandoon s’ya para ma-alagaan ng maayos,” sabi ni mama.

“Hindi ko ba s’ya pwedeng makita? Gustong-gusto ko na kasing makita si ate,” nakangusong sabi ko. 

Tumikhim si Lolo Thomas kaya napatingin ako sa kanya. He smiled and put shrimp on my plate. 

“She’s not well, hija at kapag nakita mo s’ya gusto niya na magaling na s’ya. Ayaw niyang makita mo s’yang nahihirapan kaya sabi niya, magpapagaling muna s’ya,” sabi ni Lolo Thomas.

Tumango na lang ako at pagkatapos kong kumain ay nauna ako sa living room para manood ng mga weird documentary tungkol sa mga universities. Umupo ako sa sofa at tahimik na pinanood ang mga taong namatay sa isang university. Ang iba sa kanila ay magkakaibigan habang ang iba naman sa kanila ay konektado sa isang illegal business sa loob ng isang malaking university. 

“Madame, may naghahanap po sa inyo.” Tawag ng kasambahay na kakapasok lang ng bahay.

“Sino?” Narinig ko ang pormal na boses ni mommy. 

“Wesley raw po ang pangalan niya. Gusto niya raw po kayo makausap at si Ma'am Ingrid,” sagot ng maid. 

Napatingin ako sa maid namin at sa likod niya ay ang lalaki na nakasuot ng isang itim na jacket na hanggang tuhod ang haba, itim na pants, at sumbrero. Kumunot ang noo ko at agad na tumayo para pagmasdan ang bisita. 

“Hello, Mrs. Dela Torre.” He smiled a bit. “I’m Wesley, administrator of this university wherein you enrolled Ms. Ingrid Dela Torre for third year college.”

“Oh!” Mommy smiled. Nagtataka ko naman s’yang tinignan. “Yes, kami nga. I want to enrolled my daughter at this university because I—”

“Mom!” bulyaw ko. “Hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na ’to!” Tinignan ko s’ya na nakangiti pa rin. 

Hindi niya ako pinapansin at patuloy na nakikipag usap kay Mr. Wesley na nakangiti at paminsan-minsan ay tumatango-tango. 

“It’s an underrated university at… ang tanging makakapasok lang sa university na ’yon ay ang mga elites. Ibig sabihin, puro anak mayaman ang pumapasok sa university,” sabi ni Mr. Wesley.

“Yes, I heard na maganda ang university at… diyan nag-aral ang ate mo, Ingrid,” nakangiting sabi ni mommy. 

Natigilan ako at napatingin kila daddy na umiwas ng tingin habang si Lolo Thomas na nakangiti sa akin. Napalunok ako at tinignan si Mr. Wesley na may hawak na isang itim na envelope. 

“Good morning, Ms. Ingrid!” He smiled.

“Good morning. D-Doon po ba talaga nag-aral ang ate ko?” tanong ko. 

Tumango si Mr. Wesley. “Yes but our university wants you to be our student. Gusto ka rin namin na maging parte ng aming eskwelahan dahil nakita namin ang grades at achievements mo. You’re perfectly fit to our university so, here’s our invitation card for you.”

Nang mahawakan ko ang invitation ay nagdulot ’yon ng kakaibang pakiramdam sa akin. Pakiramdam ko ay may dapat akong malaman. Tinignan ko sila mommy at nakita kong seryoso ang mga tingin nila. Bakit? ’Yun ang hindi ko alam. Napailing ako at agad na binuksan ang invitation at bumungad sa akin ang mga salitang: 

“YOU ARE INVITED TO BE ONE OF THE STUDENTS OF DU MORT UNIVERSITY.”

Du Mort University: The Untold MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon