Chapter 5

299 8 6
                                    

Third Person’s POV:

“Isa pang Dela Torre.”

Pinaglalaruan ng isang lalaki ang kanyang itim na lighter habang pinagmamasdan si Ingrid na nakikipag tawanan kasama ang kanyang mga kaibigan. Ngumisi ang lalaki habang pinagmamasdan ang mukha ni Ingrid. Palabas-labas pa ang dila nito at natatawa na naman. 

“Nakita ko na ’yan, kahapon pa. Kung ikukumpara ko si Ivory at ’yang si Ingrid, mas maganda ’tong isa. Mahinhin si Ivory at pala-kaibigan… pero itong isa, mukhang mahihirapan tayo.” Sabi ng lalaki at nilabas ang itim na sigarilyo. 

“Hindi pa ba nila alam na ikaw… ang huling kasama ni Ivory?” Tanong ng isang lalaki. 

Ngumisi ang lalaki at naalala ang gabing ’yon. Nagtalo sila ni Ivory dahil sa isang article na lumabas tungkol sa article na tungkol sa iba’t ibang illegal na negosyo nila. Tinago nila ang pagkamatay ni Ivory sa lahat ng estudyante at sinabing suicide lang para pagtakpan ang tunay niyang ginawa. Pero doon sila nagkamali, ilang suspect na ang pinagbintangan ng mga teacher ngunit isa sa mga ’yon, wala silang napatunayan. 

Ibig sabihin… meron pa. 

“Wala naman na tayong magagawa pa kung malalaman ni Ingrid ang pagkamatay ng ate niya. Anong pakialam natin?” Tumawa ang lalaki. “Napaalis ba tayo dito? Hindi naman! Wala silang ebidensya na tayo nga ang pumatay kay Ivory. Tigas ng ulo ng babaeng ’yon! Sinabi ng ’wag s’yang magsusumbong at sundin na lang ang utos ko, hindi pa nagawa! Bobo!” 

“Paano kung pinadala ang kapatid niya para mag-imbestiga?” Nag-alala na tanong ng kanyang kasama. 

Ngumisi ang lalaki at masamang tinignan ang nagtanong. Tumayo s’ya at mabilis na sinabunutan ang buhok ng lalaki habang nagtatagis ang kanyang panga.  

“Kung mangyayari ’yon… sisiguraduhin kong hindi sila makakatakas sa lugar na ’to! Baka nakakalimutan mo? Kasama ka sa paglibing kay Ivory sa sikretong kwarto dito sa Du Mort University!” Humalakhak ang lalaki. “Kasama ka rin sa pag-lason sa kanya!” Tumawa naman s’ya. 

“K-Kasama nga ako!” Padabog niyang binitawan ang buhok nito. “Pero hindi natin maiiwasan na magkaroon ng aberya! Lahat tayo dito ay may atraso kay Ivory at ’yang kambal niya ang tatapos ng kaso!”

“Kaya nga hindi tayo magpapahuli!” Sigaw niya. “Susundin lang natin ang utos ng superiorum nang sa ganun hindi tayo malintikan ng mga pulis!”

Ang Du Mort University ang pinaka nakakatakot na unibersidad na itinayo ng principal. Maayos at maganda ang pamamalakad ng principal sa nasabing unibersidad ngunit ng makapasok ang isang Dela Torre, nagbago lahat ng ’yon at napalitan ng isang krimen na hindi kailanman kayang i-resolba ng mga pulis. 

“Kakausapin ko si superiorum.” Paalam niya at dinala ang kanyang lighter. 

Naglakad s’ya habang pinagmamasdan si Ingrid na nakikipag usap habang pinaglalaruan ang kanyang lighter. Nagkasalubong silang dalawa at ngumiti s’ya kay Ingrid na nakakunot ang noo at nakatitig sa kanya. Sumipol s’ya at ngumisi habang naglalakad papunta sa sikretong basement, kung nasaan si superiorum.

“Boss.” Tawag niya. Pumasok s’ya sa loob at nakita ang kanyang boss na nakatayo at mag-isang nasa kwarto.

“Masyadong kuryoso si Ingrid sa tunay na nangyari sa ate niya. Maski ang mga magulang niya… tinatago sa kanya ang lahat, bakit? Natatakot sila kay Ingrid at natatakot silang malaman na pinabayaan lang nila si Ivory.” Pinaglandas nito ang daliri sa picture ni Ingrid. Iba’t ibang stolen shots ang nakuha nito sa isang source. “Pero hindi natin maalis na makapangyarihan ang pamilyang binangga natin. Anumang oras ay kaya nila tayong pabagsakin pero nagtitiwala ako kay papa. Nagtitiwala akong matatakpan niya tayo sa kahit anong gawin ng mga Dela Torre.” 

Du Mort University: The Untold MysteryWhere stories live. Discover now