Chapter 11

250 6 1
                                    

Kenzo’s Point of View:

“A-Alam niya na.” Nanginig ang boses ni Camilla. 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig mula kay Camilla. Tinignan ko s’ya habang umiiyak. 

“P-Paano nangyari ’yon?!” Hindi ko maiwasan na tumaas ang boses ko dahil sa gulat. 

“H-Hindi ko alam! Basta na lang niyang hawak ang mga gamit ni Ivory. Hindi ko alam paano niya nalaman! Kenzo, hindi maganda ’to. Malaking gulo ang mangyayari sa school na ’to kapag gumalaw si Ingrid,” sabi ni Camilla. 

Napapikit ako at bumuntong hininga. Nagsisimula na akong mag-isip ng mga senaryo na gagawin ni Ingrid. Nagsisimula na akong mag-isip ng kung anu-ano dahil alam ko kung gaano ka-kuryoso si Ingrid. 

“Nasaan s’ya?” tanong ko.

“Nasa dorm,” sagot ni Camilla. “Kanina pa s’ya nandoon at hindi ko alam ang ginagawa niya. Iniwan ko lang s’ya dahil gusto niyang umalis ako.”

Mabilis kong kinuha ang gamit ko at mabilis na lumabas. Nadaanan ko ang papunta sa canteen at natigilan nang makita si Ingrid na kumakain sa loob. Napa kurap ako at napatingin sa lahat ng estudyante na may kanya-kanyang ginagawa. 

“Ingrid,” tawag ko. 

Dahan-dahan nag-angat ng tingin si Ingrid. Napaatras ako sa lamig ng kanyang mga mata. “Bakit?”

“You knew,” seryosong sabi ko. 

Binitawan ni Ingrid ang kanyang pagkain at tiningnan ako. “Na patay na si Ate Ivory? Oo, alam ko na.” Tinignan niya ako ng malamig. 

Lahat ng estudyante ay napatingin kay Ingrid at gulat ang nakarehistro sa kanilang mga mata nang marinig ang sinabi ni Ingrid. Lahat ng estudyante ay nangangamba na ngayon lalo pa’t iba ang nakikita ko sa mga mata ni Ingrid. Nandoon ang galit at paghihiganti at mas lalong nakikita ko ang determinasyon sa mga mata ni Ingrid. 

“Hindi niyo na kailangan na magpanggap sa harap ko,” seryosong sambit ni Ingrid.

“Ingrid, makinig ka sa akin.” Tinignan ko s’ya na nakatitig sa akin.

Umiling si Ingrid. “Ayaw ko ng pakinggan kung ano man ang gusto mong sabihin, Kenzo. Hindi mababago ang desisyon ko na alamin kung sino o bakit namatay ang ate ko. There’s no way in hell, na maging bulag at bingi na lang ako sa lahat!”

Gusto ko s’yang pigilan. Gusto kong sabihin sa kanyang hindi madali ang lahat ng gusto niyang gawin. Ngunit anong magagawa ko? Anong magagawa ko sa taong ngayon lang nalaman na wala na pala s’yang babalikan dito? Huminga ako ng malalim at napatingin sa mga estudyante na nakatingin sa aming dalawa. 

“Kaya gusto kong sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa nito sa ate ko!” mariin na sabi ni Ingrid. “Gusto kong malaman… lahat ng nangyari, lahat ng—”

She cried. She broke down in front of me. Natigilan ako at natulala sa kanya na umiiyak sa harapan ko. Maski si Camilla ay nagulat sa biglaang pag-iyak ni Ingrid. I can feel nothing but… hurt. Nasasaktan ako na nakikita ko s’yang umiiyak. 

“I… I don’t know why I am feeling this. H-Hindi ko alam na p-patay na pala ang ate ko! Ni walang nagsabi sa akin… Kenzo. Ni walang nagkusa na magsabi sa akin. Kayong dalawa? Pinanatili niyong tikom ang bibig niyo para ano? Anong dahilan?” sunod-sunod na sabi ni Ingrid. 

“I-Ingrid,” tawag ko. 

“Pinaniwala niyo ako na makikita ko ang ate ko. Pinaniwala niyo ako na may pag-asa akong malaman ang magagandang nangyari sa ate ko dito sa paaralan na ’to. You made me believe that this school was… not a mess!” Sigaw ni Ingrid. 

Everyone is silent. Everyone is watching us like we’re in the drama. Napapikit ako at kinalma ang sarili ko. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin?

“She knew?”

Natigilan ako sa nagsalita. It was Cassy together with Manuel. Tinignan ko silang dalawa na nakatingin sa aming dalawa ni Ingrid. Pinunasan ni Ingrid ang kanyang mga luha at tinignan si Cassy.

“Alam mo ng patay ang kapatid mo? How nice!” Ngumiti si Cassy. “But… who’s the killer, Ingrid?” Tinignan ni Cassy si Ingrid at ngumisi ng nakakaloko. 

“Wala akong oras para sa mga sasabihin mo, Cassy. Leave me alone,” seryosong sabi ni Ingrid. 

“No!” Humarang si Cassy sa gitna, kung saan dadaan si Ingrid. “Now that you know that Ivory is dead, what will you do? Kill us here?”

“Yes,” simpleng sagot ni Ingrid. 

Natigilan ako at napalunok. Tinignan ko si Cassy na napawi ang ngiti at napalitan ng takot ang mga mata nito. 

“Kapag oras na nalaman ko na may kasalanan ang bawat isa sa inyo sa Ate Ivory ko? Lagot kayong lahat sa akin,” seryosong sagot ni Ingrid. “From now on… this is my revenge.”

“T-Tinatakot mo ba kami?” Natawa si Cassy ngunit kasama dito ang kaba. 

Naglakad si Ingrid at malamig na tinignan si Cassy. 

“Bakit? Takot ka ba?” sarkastikang tanong ni Ingrid. “Wala pa akong ginagawa, Cassy. Kung ayaw mong mapahiya dito… tantanan mo ako, pwede?”

Tumawa si Cassy at nagtaas ng kilay. “Ano namang alam mo, Ingrid Dela Torre?”

Ngumiti si Ingrid. “Marami at higit pa sa akala mo.”

Lumabas si Ingrid at mabilis na naglakad palayo. Napailing ako at mabilis na sinundan si Ingrid papunta sa principal’s office. Mabilis kong hinila ang braso niya at galit niya akong tinignan. Huminga ako ng malalim at tinignan s’ya sa mga mata. 

“Fine! I will help you,” sabi ko. 

“I don’t need your help, Kenzo,” sagot niya. 

“We’re investigating Ivory’s case for the past years, Ingrid. Ni isa sa mga ’yon ay wala kaming napatunayan dahil may malaking tao ang pumoprotekta sa taong pumatay kay Ivory. Pinalabas nilang suicide ang nangyari kay Ivory kaya naman mabilis na naging yelo ang kaso ni Ivory,” mabilis na paliwanag ko. 

Natigilan si Ingrid. “Suicide? Base sa nakita kong mga pictures at recording tape… hindi suicide ang nangyari. She was physically abuse, rape, victim of bullying, at alipin ng mga estudyante at teachers dito. Kaya anong suicide ang sinasabi mo?”

“Dahil ’yun ang alam namin!” Sigaw ko. “Yan ang sinabi sa amin para lang manahimik na kami! Even me? Muntik na akong mapaalis dito sa university dahil…” Napapikit ako at kinuyom ang kamao ko. 

“Dahil?” tanong ni Ingrid. “Dahil ano, Kenzo?”

“Dahil isang pangingialam ko pa ay madadamay ang pamilya ko,” seryosong sagot ko. “Lahat ng nangingialam sa kaso ni Ivory ay pinapatay nila o kaya naman binabayaran nila para hindi mag-ingay sa mga pulis o kahit sinong may mataas na posisyon sa itaas.”

Du Mort University: The Untold MysteryOn viuen les histories. Descobreix ara