Chapter 9

269 7 3
                                    

Kenzo’s Point of View:

“Kenzo, ano ba! Sinabi ko na ’di ba? Manahimik ka na! Pinapahamak mo lang ang sarili mo! Ingrid needs to be left behind!”

Tinignan ko ang kaibigan kong si Timothy. Nag-aalala ang mga mata niya at kitang-kita ko ang takot sa kanya. Huminga ako ng malalim. Hindi ko kayang manahimik lalo pa’t may alam ako. Lalo na’t kailangan ni Ingrid na malaman kung anong totoo. Sa dami kong nalaman sa mga oras na ’to, pakiramdam ko ay sasabog ako.

“Wala akong sinabi sa kanya. Sinabi ko lang na delikado dito at sinabi ko lang na kailangan niyang mag-ingat. ’Yan lang ang sinabi ko!” depensa ko. 

Napailing si Timothy. “Iniingatan ka rin namin dahil sa ating tatlo, ikaw ang nakakaalam ng lahat dito. Simula first year college tayo hanggang third year, nandito na tayo at ikaw? Ikaw lang ang inaalala ko!”

“Ingrid is innocent. Ni hindi niya alam ang ginagawa niya at mas lalo s’yang nagiging kuryoso sa mga nagdaang araw. I need to protect her as long as I can kaya hindi mo kailangang mag-alala, okay?” mahinahong sagot ko. 

Huminga ng malalim si Timothy at napailing na lang. Nasa dorm kami dahil wala namang gagawin at wala rin ang mga teacher. Sobrang dami kong nalalaman pero dahil mas pinili ko maging tahimik, para akong hindi mapakali. 

“Huli na ’yang mga sinabi mo kay Ingrid, Kenzo. Pagdating ng panahon—”

“Ingrid came here to investigate.” Nag-angat ako ng tingin at nakitang natigilan silang dalawa. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy. “Pinadala s’ya dito ng mga Dela Torre para mag-imbestiga. Ngayon, kinatatakutan si Ingrid ng lahat dahil kung gaano ka-bait si Ivory noon, kabaliktaran ng ugali ni Ingrid ngayon. Kaya naman nagsabi ako sa kanya ng mga nalalaman ko para kahit paano mabawasan ang guilt na nararamdaman ko.”

“W-What?” Tila nabingi si Timothy at Lance. 

Napailing ako at tumayo para lumabas. Kaagad kaming pumunta sa ibaba at naabutan ko si Ingrid na naglalakad habang suot ang malaki niyang headphones. Sa isip ko, paano nagawa ng mga Dela Torre na gawing parang laruan ang kambal? Anong motibo nila? 

“Ingrid!” Sigaw ni Camilla. 

Tinanggal ni Ingrid ang headphones niya at tinignan si Camilla. “Bakit? Anong sabi ng principal?”

“Katulad ng sinabi niya, ’wag ka na raw mag-aalala dahil sin-suspend niya ang estudyante na nakita mo kagabi lang,” sabi ni Camilla. 

Natigilan ako. Tinuloy niya? Napapikit ako at napa buntong hininga. Naglakad ako papunta sa kanila at napatingin sa akin si Ingrid. 

“Tinuloy mo ang balak mo?” tanong ko. 

“Oo, bakit?” Tinignan ako ni Ingrid. “Sinabi ko na sa inyo na hindi ko kayang manahimik na lang. Nasa pulis na ngayon ang lalaking estudyante na ’yon. Witness ako.”

“For fuck sake!” Inis na sabi ko. “Hindi mo kailangan mangialam sa kung anong—”

“Hindi ko rin kailangan ng opinyon mo! Nandito ako para alamin kung ano at sino ang naging kaibigan ng ate ko! Nandito ako para malaman kung ano ang tinatago ng Du Mort University sa lahat ng estudyante! Kung sinasabi mong tumigil ako…” Umiling si Ingrid at ngumisi. “Hindi ko gagawin ’yon lalo pa’t naumpisahan ko na.” 

Akmang magsasalita ako ng dumating si Cassy, kasama ang kaibigan niya at si Manuel. Umayos ako ng tayo ng makita ang inosenteng si Manuel na nakangisi at nakatingin kay Ingrid. 

“Well… nandito pala ang pakialamera ng taon!” Sabi ni Cassy at nagtaas ng kilay. “Hindi ko akalain, Ingrid na katulad ka rin pala ng kakilala namin…”

“Malaki ang pinagkaiba natin, Cassy…” Ngumiti si Ingrid. “Estudyante ako at ikaw?” Lumapit si Ingrid. “Kriminal.”  

Tumawa si Cassy pero ramdam ko ang galit niya. “You know what’s funny here? Nagmumukha kang tanga sa kakahanap ng mga kaibigan ni Ivory pero ang totoo? Wala s'yang kaibigan. She's desperate to gain everyone's attention. She's desperate to date every elite man here at ang mas nakakatawa? Everyone is blaming us for her death where in fact… s'ya mismo ang naglagay ng sarili niya sa panganib.”

“Dahil baka may kinalaman ka din sa pagkamatay ng ate ko kaya sinisisi nila kayo, Cassy.” Nanliit ang mga mata ni Ingrid. “Marami ba talaga akong dapat malaman sa school na ’to?”

“Marami,” sagot ni Cassy at ngumiti ng matamis. “Marami ka pang dapat na malaman sa school na ’to, Ingrid. Sobrang dami… mo pang aabangan.” Tinignan ako ni Cassy kaya nagtagis ang panga ko. “Ingat ka dahil baka nasa paligid mo lang ang traydor… nagmamasid at hinihintay kang kumilos.”

Natawa si Ingrid. “Sa tingin mo masisindak mo ako sa mga ganyan mo?” Maangas na lumapit si Ingrid kay Cassy na napawi ang ngiti. “Sa ating dalawa, ikaw ang mas mag-ingat. Bakit? Dahil sa oras na malaman ko ang totoong ginawa mo sa ate ko, hindi lang kutsilyo na hawak ko ngayon ang tatarak sa ’yo.”

“A-Ano—” Bakas ang kaba at takot sa mga mata ni Cassy. Naapatras s’ya. 

Naglakas si Ingrid at iniwan kaming nakatingin sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko. Hindi talaga s’ya natatakot. Wala talaga s’yang kinatatakutan. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matawa.

“Kenzo, pasalamat ka at mabuti kami sa ’yo dahil kay boss,” bulong ni Manuel. 

“Hindi ko kilala ang boss na sinasabi mo, Manuel,” sabi ko. “At wala akong balak alamin kung sino s’ya kaya tigilan niyo na ako.”

Naglakad ako palayo at huminga ng malalim. Dalawa ang problema ko. Una, si Ingrid at pangalawa, ang nangyari kay Ivory. Napapikit ako at bumuntong hininga.

“Ivory…” Bulong ko. “Help me.”

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nagulat ako nang makita ang pusa ni Ivory at si Ingrid na nakatingin sa akin. Napakurap ako at napalunok. 

“Kilala mo ang ate ko,” kalmadong sabi niya. “Kung kilala mo ang ate ko, malamang alam mo rin ang nangyari sa kanya dito.”

“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” sagot ko. Umiwas ako ng tingin ngunit ang pusa ni Ivory ay sinundan ang pag-ikot ng ulo ko. Ngayon, tinititigan niya ako.  

“Hindi ako bobo at mas lalong hindi ako bulag at bingi sa mga nakikita at naririnig ko. Ramdam ko na kilalang-kilala mo ang ate ko at ramdam ko na lahat ng estudyante dito ay kilala si Ate Ivory,” sabi ni Ingrid. 

“Ingrid, stop,” sabi ko at bumuntong hininga. 

Umiling si Ingrid. “Alam kong may malalim na dahilan bakit ako pinadala dito at bakit sa buong buhay ko hindi ko nakita ang Ate Ivory ko.” Bumuntong hininga si Ingrid at napatingin sa pusa. 

Hindi ako nagsasalita. Nilalabanan ko ang sarili ko para magsabi ng totoo. Hindi pwede. Napagkasunduan namin ng principal na hindi ako magsasabi ng totoo. 

“Pero tinatanong ko pa rin kung bakit ingat kayo pagdating sa impormasyon ng Ate Ivory ko?” Alam kong iniintriga lang ako ni Ingrid. Alam kong pinapaikot niya ako sa mga tanong niya. “Masyado kayong mailap pagdating sa ate ko. May tinatago ka ba sa akin, Kenzo?”

Tuluyan na akong napatingin kay Ingrid at napasinghap nang makitang malamig na malamig ang mga mata niya. Diretso ang tingin niya sa akin.

“O baka… isa ka rin sa nang-bully sa ate ko noon?” Ngumiti si Ingrid. Natigilan ako sa tanong niya. “Mukhang hindi ko na kailangan sagutin ang sarili kong tanong dahil binigay mo na.” Tinignan niya ang mga mata ko. “Good luck.”

Du Mort University: The Untold MysteryWhere stories live. Discover now