59: Papel At Tinta

4 1 0
                                    




Sa apat na sulok ng aking kwarto 

Ako'y nasa aking sariling mundo 

Malayo sa ingay 

Malayo sa mapang-husgang mata ,

Aking musika'y sulat na kamay.

Likha ng malikot na kaisipan 

Mula sa nakikita , 

Naririnig , at nararanasan 

Lahat may dahilan , 

Tula ko'y pangkalahatan.

Malungkot , masaya , 

Wala lang o para sa iba 

Hangga't may hininga 

Di lang pang lipas-oras , 

Kasiyahan ko'y pagsulat.

Sa papel at tinta 

Mundo ko'y nag-iiba 

Kasama Ang diwa 

Palapit sa mga tugma , 

Tula ang aking pahinga!


~ nniiwwpoetry ~ 01/30/24

thousand words (random poetries!)Where stories live. Discover now