CHAPTER 46 - MISSING

15 0 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Xyler's Pov☽
╚═══════════╝

"Nandito na sila." Usal ko habang hawak hawak si Yeonjun na walang malay.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong agad ni Soobin sakin at lumapit kay Yeonjun.

"Ayos lang siya. Tapusin na natin toh, nandito na sila." Seryoso kong usal, tumango naman siya. Binuhat ko naman si Yeonjun, hindi namin inaasahan na babalik si Ah-ri dahilan para makita niyang buhay ang mga kaibigan ni Yeonjun.

"B-Bakit? B-Bakit buhay.. k-kayo?" Nauutal niyang tanong, para siyang nakakita ng multo.

"Hindi naman ikaw ang kalaban namin, kalaban ka lang ni Yeonjun, pain ka lang namin sa totoong kalaban." Madiin kong sagot. "Patayin niyo silang lahat, walang aalis sa kanila rito nang buhay." Malamig kong utos habang nakatingin kay Ah-ri.

"No! Maayos at malinis ang pagkakaplano ko! Imposible ito!" Malakas niyang sigaw.

Sasagot na sana ako pero sunod-sunod na putok ng baril ang nagpaulan sa gawi namin kaya kanya kanya kaming tago lahat at iwas. "Aalis na ako dito, ako na ang bahala kay Yeonjun. Kayong lahat, kailangan niyong bumalik sa teritoryo ko na buhay kayo!" Malakas kong utos sa kanila.

"Yes, boss!" Sagot naman nila.

Yeonjun, pasensya ka na.. kailangan mo talagang maghirap. Sisihin mo ang Mommy mo na hindi namin alam kung nasa tamang pag-iisip ba.

Anong klaseng ina siya? Bakit gusto niyang maranasan ng anak niya ang mga bagay na ito?

Inutusan niya ang buong Mafia Organization na walang tutulong sa anak niya kapag nagkaproblema ito tungkol sa kambal niya, pero marami pa ring tumulong sa kanya kaya malamang ay may mga punishment kaming matatanggap. Alam ng mommy niya na mangyayari sa kanya ang lahat ng ito, bakit gusto niyang pahirapan ang anak niya?

Ang Mommy ni Yeonjun ang pinaka-boss sa buong Mafia Organization sa mundo at si Yeonjun ang magmamana ng posisyon na yun, kung makakaligtas siya sa lahat ng paghihirap na binilin ng Mommy niya.

Hindi ako makapaniwala na kinaya ni Yeonjun ang lahat ng yun simula pagkabata niya. Napakarami niyang pinagdaanan, masyadong masakit at traumatizing. Hindi na ako magtataka kung bakit ilang beses na niyang sinubukang patayin ang sarili niya dahil kung ako man ang nasa situation niya ay ganun din ang gagawin ko.

Nang maisakay ko si Yeonjun sa kotse ay may dumating naman na isa pang kotse na mukhang nagmamadali at sa hindi inaasahan. "Enzo?" Mahina kong sambit. "Enzo!" Pagtawag ko sa kanya dahilan para lingunin niya ako.

"Boss Xyler, nasan si Yeonjun hyung?" Tanong niya agad at lumapit sakin.

"Ayan, okay lang siya." Sagot ko.

"Mabuti naman, nasa loob pa rin ba ang iba?" Tumango naman ako.

"Bakit nandito ka? Kelan ka pa gumising?" Tanong ko sa kanya, sinara naman niya ang pintuan ng kotse ko.

"May kailangan akong tapusin dito, ako dapat ang tumapos nun." Seryoso niyang sagot, kumunot naman ang noo ko. "Sige na boss, alis na kayo." Usal niya at mabilis na umalis, tinawag ko pa siya pero hindi na siya lumingon pa.

Ang batang yun. Pareho lang talaga kayo ni Yeonjun na matigas ang bungo, tch.

•••

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now