✎CHAPTER 16 - UNKNOWN.

17 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

Matapos ang ilang araw ay walang nagbago, naging tahimik ulit kaya naisipan na naming pumunta sa SoKor lahat, kapag sama-sama ay mas madaling maprotektahan ang isa't isa. Si Zyler, Shian at Brixter ay magiging teacher sa school namin pansamantala lang. Tapos sila Lex, Nico at Mark ay magmomonitor sa school. Si Kendrick ay magiging classmate namin ni Soobin at Asher. Si Cyrus classmate sila Taehyun, Beomgyu, Kai at Zayden.

Dahil sa problema eh lahat kami nastuck sa school! Anak ng..

Kahit tahimik ang paligid namin ay nakakatanggap ako ng warning o death threats. Hindi na namin sinabi kanila Minjae ang nangyari basta nagkaroon ng emergency na malala na pwedeng maglead sa aksidente, buti na lang ay hindi na sila nagtanong pa ng nagtanong kaya nalusutan namin.

Tungkol kay Sir Hyuk ay sinadya yung pagkamatay niya, kabilang sa suicide group yung driver, sinubukang patayin si Sir Hyuk pero nanlaban kaya naging ganun ang pangyayari, yung driver ay hawak pa namin yun, may kailangan pa kami ron kaya ayun 'missing person' siya.

Napataas ang kilay ko nang si Shian ang pumasok sa room namin. Nagkatinginan naman kami nila Kendrick at Asher, si Asher at Kendrick ay agad na pinigilan ang sarili na wag tumawa. Si Soobin naman ay ang alam lang niya kay Shian ay bagong teacher namin kaya normal lang ang reaksyon niya.

Maayos ang pagtuturo samin ni Shian at nakikinig pa nga ang lahat lalo na ang mga babae. Kilig na kilig sila kay Shian, what the hell...

"HAHAHAHA Teacher Shian!" Mapang-asar na usal ni Cyrus sa kanya..

"Shut the fvck up, Cyrus." Madiin niyang usal.

"Ahmm.. bakit kasabay natin silang kumain?" Tanong ni Soobin. "Nasan kasama natin ang tatlong teacher dito sa office? Bakit nandito pati yung tatlo hindi naman nag-aaral pero bakit nandito?" Ang dami naman niyang tanong. Pero normal lang naman yan.

"Ahh pansamantala lang naman tsaka kaibigan namin sila. Itong tatlo naman ay parang bodyguard kasi nga di ba nagkaroon ng emergency." Simpleng paliwanag ni Taehyun, tumango-tango naman sila. Ay naku!

"Nice ring." Nakangising usal ni Brixter habang nakatingin sa kamay ni Soobin.

"Ahh thank you." Nakangiting sagot ni Soobin, tinaliman ko ng tingin si Brixter.

"Yah Soobin, anong pinakain mo kay Yeonjun at naging asawa mo yan nang hindi ko alam?" Naniningkit na matang tanong ni Beomgyu.

"Hoy wala kaya!" Pagtanggol naman ni Soobin sa sarili niya.

"Yeonjun, ang tahimik mo." Biglang baling niya sakin. "Aray ko! Bakit mo ako sinipa?" Inis niyang tanong kay Soobin.

"Hayaan mo na siya Beomgyu, may sariling mundo yan kapag kumakain." Sinamaan ko ng tingin si Taehyun.

"Ahh okay okay." Sagot na lang ni Beomgyu. Kumain na lang kami ulit, akala namin matatapos kami ng tahimik pero biglang nagsalita na naman si Beomgyu. "Kelan kaya ako magkakaroon ng asawa na Mafia." Pare-pareho kaming natigilan sa sinabi ni Beomgyu.

What the... "W-What are you talking about?" Tanong ko kay Beomgyu.

"Ahh Choi Yeonjun, hindi naman literal na Mafia ang tinutukoy niya." Sabat ni Soobin. "Kavibes mo raw kasi yung mga mafia na nababasa niya sa libro eh." Dagdag pa niya.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now