✎CHAPTER 25 - MEET THE ENEMY

13 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

5 days later..

Sa loob ng limang araw ay nanatili ako sa Daegu, wala akong update sakanila, naka-off ang cellphone ko kaya wala silang kontak sakin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila ngayon pero sarili ko muna ang uunahin ko dahil nawala ako sa sarili ko.

Wala akong ginawa kundi ang magbaril dito kasama ang kaibigan ko, uminom, matulog, kumain, paulit-ulit hanggang sa makalimutan ko yung nangyari pero hindi lahat. Sinusubukan ko ring maalala yung nakaraan ko pero wala talaga, sumasakit lang ang ulo ko kapag pinipilit ko ang sarili ko..

"Boss Yeonjun, may naghahanap sainyo sa labas. Kilala niyo raw siya po, Choi Min Jun ang pangalan niya po." Usal ni Keno, tauhan ng kaibigan ko. Kumunot naman ang noo ko.

"Min Jun...?" Mahinang usal ko.. "Anong ginagawa niya rito at pano niya nalamang nandito ako?" Tanong ko sa sarili ko at naglakad na papunta sa labas.

Paglabas ko ay nakita ko naman siya na hindi mapakali. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sakin. "Yeonjun!" Sigaw niya sa pangalan ko.

"Anong ginagawa niyo rito? Pano niyo nalaman..?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hindi yan ang importante, ang importante ngayon ay kailangan mong bumalik sa Seoul! Kailangan ka namin!" Bigla namang tumulo ang mga luha niya.

"Ano? Kailangan niyo.. ako? Kailangan mo.. ako?" Mas lalo naman akong naguluhan, sa kanya ba nagmana si Soobin na may pagkasaltik?

"Yeonjun, anong ginagawa mo at wala kang alam sa mga nangyari ha?!" Hinawakan naman niya ako sa kwelyo ko, oh galit naman siya ngayon! Amazing.

"Pwede bang sabihin niyo sakin ang nangyayari ng maayos para maintindihan ko!" Asik ko at inis na inalis ang kamay niya sa kwelyo ko.

"Pinasabog ang bahay mo sa Seoul para magpakita ka ulit o makita ka ulit ng kalaban mo pero wala kang paramdam. Nagkaroon ng gulo sa Yonsei University, ilan sa building ng school pinasabog din, nagkaroon ng sunog tapos nung sumunod na araw ay nawala na sila Soobin, lahat sila nawala! Pati yung Daddy mo nawala rin! Tapos may nag-utos sakin na hanapin ka, sa loob ng tatlong araw ay kapag hindi pa kita mahanap ay papatayin niya sila Soobin! Sa dami na nangyari ay wala kang alam?!" Mahaba niyang usal at natigilan naman ako.

"What...?" Gulat na usal ko na halos pabulong na lang. "What the hell..." Bulong ko na.

"Bumalik ka na sa Seoul! Kailangan natin silang iligtas!" Sigaw pa niya sakin.

"No.. No way.." Hindi makapaniwalang usal ko.

"Anong no way?! Hahayaan mo silang mamatay?! Baka nakakalimutan mong hawak niya ang Daddy mo!" Galit niyang sigaw sakin.

Napailing-iling naman ako. "Yung bahay ko pinasabog?!" Inis kong tanong at natigilan naman siya. "Seryoso? Yung bahay ko?"

Hindi naman siya makapaniwalang tumingin sakin. "Nagkakaganyan ka dahil sa bahay mo?! Sa dami ng sinabi ko at sa kung sino ang mga hawak niya ay ang bahay mo ang pinoproblema mo?! Nangg@g@go ka ba?!" Galit na galit niyang tanong sakin.

"Ilang taon kong pinaghirapan yun! Ilang taon kong pinag-ipunan yun! Ilang taon kong pinangarap yun! Tapos pinasabog lang ng ganun ganun?!" Galit na galit na sagot ko, hindi siya makapaniwala.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now