✎CHAPTER 18 - DREAM

13 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

"Success!" Nakangisi kong usal nang makarating sa bahay. Nagtataka naman sila Taehyun sakin.

"Success saan?" Tanong ni Taehyun habang naglalaro sa cellphone niya.

Tumalon naman ako muli sa likuran ng upuan at napaupo sa tabi niya. "Official boyfriend ko na siya." Nakangising sagot ko, napatigil siya sa paglalaro at gulat na tumingin sakin. Si Asher naman at Zayden ay sabay na tumingin sakin at lumapit samin.

"Ano? Seryoso ka dyan?" Tanong ni Taehyun na hindi talaga makapaniwala.

"Yes! Aigo..." Nakakaloko akong ngumisi.

"You're so fvcking bad person." Iiling iling niyang usal. "Pinaasa mo na naman yung tao." Dagdag pa niya.

"Yah, Taehyun.. nagsisimula na ang totoong plano!" Nakakalokong usal ko. Inirapan naman niya ako. "Asher, bigyan mo ako ng alak." Utos ko.

"Boss, nagdate kayo kanina?" Tanong ni Zayden habang nakatingin sa cellphone niya. Mukhang nakita na niya ang post ni Soobin.

"Yeah." Pinatong ko ang dalawang paa ko sa maliit na mesa at pinag-cross. Kinuha ko naman ang alak na binigay sakin ni Asher at uminom.

Tiningnan din ni Asher yung post. Parang concern silang dalawa para kay Soobin at nagtitinginan pa silang dalawa kaya napairap ako. Tch, noon ay okay na okay sila sa planong makuha ko ang loob ni Soobin tapos ngayong nakuha ko na gaganyan-ganyan sila.

"Hindi ako makapaniwala na nagagawa natin toh." Usal naman ni Taehyun. "Go lang, Yeonjun. Ituloy mo hanggang sa makuha mo na ang gusto mo." Tumayo naman siya at tiningnan ako ng seryoso. "Kapag nakuha mo na ang gusto mo ay layuan mo na si Soobin, wag na wag ka ng magpapakita sa kanya." Matapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

"Tch, nagkakaganyan lang naman siya dahil may gusto na siya kay Beomgyu." Sarkatiskong usal ko.

"Boss, ganun ka rin naman." Mahinang usal ni Asher.

"What?" Mataray kong tanong.

"Kitang kita kaya dito sa picture niyo ang totoo niyang expression, ang saya-saya mo nga. Yan ba ang paraan ng pag-alis ng feelings?" Usal niya habang tumitingin sa kung saan-saan.

Natawa naman ako ng sobra-sobra. "Wow, dapat siguro akong makatanggap ng 'best actor' award." Natatawang usal ko.

"Hala," gulat na usal ni Zayden. Suminghal naman si Asher.

"Oo nga boss eh, sa sobrang galing mo pati sarili mo naloloko mo na." Sarkatiskong usal niya. "Tara na nga." Hinila na naman niya si Zayden paalis. Bumuntong hininga naman ako.

Tumingala naman ako sa chandelier. Sobrang sama ko ba? Ginawa ko lang naman ang plano eh. Bakit parang trinaydor nila ako? Bakit parang iniwan nila ako bigla? Tumulo naman ang luha ko.

Mom, gusto ko lang mabigay sainyo ang hustisya, gusto ko lang bigyan ng katarungan ang pamilya natin. Bakit pakiramdam ko ay ako ang Villian ngayon?! BAKIT?!

Ngayon ay wala akong dapat pagkitawalaan kundi ang SARILI KO. Lahat sila ay traydor! Kung alam ko na ganito ang mangyayari sa plano namin ay sana hindi ko na tinuloy, edi sana may kakampi pa ako ngayon.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now