CHAPTER 45 - WORST DAY

12 1 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

Sa kalagitnaan nang pag-uusap namin ni Ah-ri ay sunod sunod na putok ng baril ang narinig namin. Bigla namang bumukas ang pintuan at bumungad samin ang lalaking hinihingal pa. "Madam, nandito na ang grupo niya." Sila Asher?

Napatingin ako kay Ah-ri na parang balewala lang sa kanya. "Kasalanan mo Yeonjun kung bakit sila mamamatay ngayon." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?" Kinakabahan kong tanong.

Tumayo naman siya. "Trap lang ito para sa kanila lalo na sayo, may bomba sa lugar na ito. Once na makapasok silang lahat ay sasabog na ang lugar na ito bago ka pa nila makita---"

"No! Don't do that!"

"Don't worry, makakaligtas ka.. panoorin mong mamatay ang mga kaibigan mo--"

"No! Stop doing this please.. wag mo silang idamay! Ako na lang pahirapan mo! Tatanggapin ko lahat--"

"Panoorin mo sila gaya ng nangyari sakin na pinanood ko kung pano mamatay ang boyfriend ko at wala akong nagawa kundi umiyak at sumigaw lang, gusto kong maramdaman mo yun."

"No, no, no! Please I'm begging, stop doing this.. ako na lang..." Pakiusap ko at sunod sunod nang tumulo ang luha ko. Naglakad naman siya palabas ng kwarto. "Ah-ri! Ah-ri! Ako na lang please, wag mo silang idamay! Ah-ri!" Malakas kong sigaw at nagpupumilit na pumiglas sa pagkakatali sakin.

Yung isang lalaki naman ay nilapag ang isang malaking iPad sa upuan kung saan umupo si Ah-ri at nakita ko rin ang mga taong nagkakagulo na ngayon, umalis naman yung lalaki. "No, no, Asher, umalis kayo dyan! Arghhhh!!" Panay sigaw ko at nagmamakaawa at umaasa na umalis sila sa lugar na toh.

Hindi ako makaalis dahil nakakadena ang mga paa ko at sobrang higpit nang pagkakatali sakin. "Please, umalis kayo dyan..." Umiiyak na pakiusap ko. "Ah-ri!!! Hinding hindi kita mapapatawad at paulit-ulit kitang papatayin! Dem*nyo ka! Wala kang puso!" Galit na galit kong sigaw, halos malagutan na ako ng hininga pero wala akong pakialam dun.

Natigilan ako nang makitang nabaril si Taehyun malapit sa dibdib niya. "No.. Taehyun... please.. no! Somebody help him!" Nang bumagsak si Taehyun ay dumating naman si Cyrus.

"Taehyun!" Malakas niyang sigaw at hinawakan si Taehyun. "Shian, may tama si Taehyun!" Sigaw pa niya.

"Cyrus!" Sigaw ko nang tamaan si Cyrus. "No.." Unti-unti na silang nababawasan at nasasaktan! Tama na, pakiusap lang! "Ah-ri, tama na! Tama na! Nasasaktan na ako, tama na! Nahihirapan na ako! Tumigil ka na!" Malakas kong sigaw. Pero mukhang hindi siya nakikinig sakin dahil tuloy pa rin ang gulo.

"ZAYDEN!!!!" Malakas na sigaw ni Asher at nagulat ako nang makita ang kalagayan ni Zayden, naliligo na si Zayden sa sarili niyang dugo!

Ngumiti naman si Zayden kahit nahihirapan na siya at may binigkas siya, nabasa namin yun. "I love you."

"ZAYDENNNN!!!" Sigaw ko kasabay ng sigaw ni Asher, sunod sunod na binaril si Zayden!

"Hayup kayo! Papatayin ko kayo!" Galit na galit na sigaw ni Asher. Naisigaw ko naman ang pangalan ni Asher nang siya naman ang binaril. Walang tigil ang luha ko sa pagtulo.

Durog na durog na ang puso ko, hindi ko na kayang makita ang nangyayari sa kanila.

Bumukas naman ang pintuan at mga tauhan ni Ah-ri. "Anong ginagawa niyo?" Tanong ko dahil parang kinakalas nila ang pagkakatali sakin.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now