CHAPTER 33 - HYUNG?

15 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═════════╝

Sa loob ng dalawang araw ay naging busy kami sa paghahanda, bukas na ang magiging laban. Nandito ako ngayon sa swimming pool area, nakahiga sa lounge chair. Nakatingin ako sa langit na napakaganda dahil ang daming star at ang liwanag ng buwan, ngumiti naman ako.

"Dad, magkasama na kayo ni Mommy?" Nakangiti kong tanong. "Sana masaya na kayo dyan, balang araw magiging kompleto din tayo." Usal ko.

Hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong tanggapin ang katotohanan na wala na sila sakin. Nangako sila sakin noon na a-attend sila sa kasal ko, sila ang mag-aayos ng lahat pero hindi pa kami naikakasal ng taong mahal ko ay wala na sila.

Ang daming pangako na hindi na magagawa pa na kompleto kami.

Mag-isa na lang ako.

Mom, Dad, I love you so much!

Napatingin naman ako sa kaliwa ko nang makita ko si Min Jun na naglalakad papalapit sa gawi ko, hindi ko na siya tiningnan pa; tumingin na ako sa langit ulit. Umupo naman siya sa lounge chair na katabi ko lang. Ano naman kaya ang kailangan niya?

Sa loob ng dalawang araw ay napansin kong tahimik siya, si Soobin lang ang kumakausap sa kanya dahil si Soobin lang naman ang kinakausap niya. Hindi ko rin naman siya kinakausap.

Naisip ko nga na baka masaya siya dahil wala na yung taong iniisip niya na pumatay sa asawa niya eh. Pare-pareho lang sila.

-Silence-

-Awkward-

-Silence-

Naiirita na ako! Hindi ko na tuloy magawang magrelax dahil hindi ako mapakali sa presensya niya. "May sasabihin ka ba o wala? Trip mo lang bang umupo rin dyan?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Ahh m-meron sana.." Nauutal niyang sagot.

"Sabihin mo na." Usal ko.

Bumuntong hininga naman siya at parang humuhugot pa ng lakas ng loob para magsalita. "I.. I.. I-I'm.." (-_-) "I.."

"Lintik! Anong "I" ang pinagsasabi mo?" Nauubos na pasensya ko. "Kung wala kang matinong sasabihin ay pakiusap lang, umalis ka sa harapan ko. Gusto kong mag-relax." Gitil na gitil na usal ko.

"I'm sorry." Mabilis niyang usal, hindi naman ako nagsalita. Tch! "I'm sorry sa lahat-lahat, ngayon ko lang narealize na mali ako. Walang kasalanan ang kapatid ko sa pagkamatay ng asawa ko." Nagsalubong naman ang dalawa kong kilay at tiningnan siya. "Don't worry ampon lang ako, hindi talaga kami magkadugo." Agad niyang paglilinaw, lintik.

"Malinaw na sakin ang lahat ngayon kaya talagang nagsisisi ako, hindi ko na alam kung pano ako babawi lalo na sa kapatid ko." Napatungo naman siya, hindi naman ako nagsalita. "K-Kung mahal mo pa rin ang anak ko at k-kung gusto mo siyang makasama ay hindi ko papakialaman na yun."

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit at sakit. Gustong-gusto kong pumatay ng mga tao, lalo na ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay ng Daddy ko. Hu-hunting-in ko silang lahat, hindi ko sila bibigyan ng mabilisang pagkamatay!

Bumuntong hininga naman ako. "Hindi ko alam kung pano ka tatanggapin dahil ang nasa memories ko ay ikaw ang pumatay sa Mommy ko." Nilingon naman niya ako.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now