✎CHAPTER 03 - YONSEI UNIVERSITY

31 3 0
                                    


✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚══════════╝

Nagising ako nang sobrang aga dahil sa ingay. Pumunta naman ako sa terrace ko para malaman kung anong ginagawa nila. Nagti-traning pala sila, ang ingay ng mga baril nila, may ingay pa sa mga naglalaban ng physical. Mabigat naman akong bumuntong hininga. "Nakalimutan niyo atang kulang ako sa tulog at wala pa akong pahinga." Sarkatiskong usal ko kaya lahat sila tumigil at nagbigay galang sakin.

"Sorry, boss. Nakalimutan ko palang nandito ka rin." Napakamot naman sa batok si Asher.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Asher nitong mga nakaraan eh because he's getting on my nerves!

Napapikit na lang ako ng husto at huminga ng malalim, pilit naman ang ngumiti sa kanya at siya naman ay matamis na ngumiti sakin, kung pwede lang ay papatayin na kita Asher.. hmmm.

Sumeryoso na lang ako bigla. "Bwiset." Umalis na ako sa terrace at pumasok ulit sa kwarto

"Boss, nasa office mo na yung mga report!" Pahabol pa niya. Inis kong sinara ang sliding door ng terrace ko at kurtina.

✩*⢄⢁✧ --------- ✧⡈⡠*✩

Sa buong maghapon ay hindi ako lumabas ng office ko, ginawa ko lahat ng trabaho ko para sa mga business ko. Kaya dinadalhan na lang nila ako ng pagkain, pagkatapos ko rito ay pupunta pa ako sa underground mamaya para sa meeting namin tungkol sa plano.

Nakakapagod pero worth it naman. Pagkatapos ko sa mga report at kailangan ng business ko ay pumunta na akong underground. Nandun na silang lahat, nakaready na rin, ako na lang pala ang inaantay nila. Inabot sakin ni Asher ang folder na black na naglalaman ng mga details nang makaupo ako. Naglapag na rin sila ng wine sa mesa ko.

Tiningnan ko ang laman ng folder at binasa. "Sa magkakapatid tayo." Usal ni Taehyun. "Yan ang panganay nilang babae, Melissa Avery Kim, may asawa na siya kaya Kim na ang surname niya. 36 years old na siya ngayon, may isang anak na lalaki. Siya ang may ari ng isang malaking stadium sa Canada, ang BC Place, may ari rin ng CK Company, mga nagpapatayo ng bahay, sa kanya nagtatrabaho ang pangalawa nilang kapatid, si Choi Ryker Colt, 32 years old, may asawa pero wala pang anak. Siya ang Head Engineer ng CK Company, silang dalawa na panganay ang pag-aaral sa bunso nilang kapatid na si Choi Soobin, 26 years old, single pa. Ang pamilya nila ang may ari ng mga Beauty Products." Mahabang usal niya, uminom na siya ng wine.

"Beauty Products? Tapos ang mga anak nila Engineer?" Sarkatiskong tanong ko.

"Yeah, ayaw nila sa business ng parents nila lalo na yung dalawang panganay kaya may hindi magandang connection sa pagitan nila. Yung bunso na lang ang inaasahan ng pamilya nila na magpapatuloy sa business nila kaya nga Business Management ang course nung bunso kahit ayaw din, gusto niyang maging Singer, yun ang alam ko." Kibit balikat niyang sagot.

"Tch, singer.. magagamit pala natin ang dalawang panganay hindi lang ang bunso." Nakangising usal ko.

"Oo pero wag na dahil wala tayong mapapala sa dalawang yun, mga selfish ang mga yun at mahirap pakisamahan. Focus na lang tayo sa bunso, kung may makita tayong chance para makalapit sa dalawang panganay ay i-grab na natin ang chance na yun." Tumango-tango naman ako. "Ito naman ang magiging fake background profile mo." Inabot niya sakin ang dark blue folder.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now