CHAPTER 34 - THEIR PAST

15 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

Hindi kami nakapag-usap ng matagal dahil may lintik na naghagis ng bomba sa gitna naming lahat. Mabuti nalang ay agad na nakita ni Shian kaya nahatak niya ako ng mabilis at cinover up ako para protektahan. Uubo-ubo tuloy kaming dalawa, mabuti at mahinang bomba lang ang nahagis samin pero delikado pa rin.

"Are you okay?" Tanong ko agad kay Shian, tinulungan ko naman siyang tumayo.

"Yes, you? Are you okay?" Tumango naman ako. Hinanap ko naman yung tatlo kanina.

"Nasan na sila?"

"Umalis na tayo." Usal ni Shian, tumango naman ako. Tumakbo papunta sa hagdan. Sa 3rd floor na kami. Hindi ko alam kung bakit para hindi ako mapakali, gusto kong malaman kung buhay pa rin ba yung tatlo kanina.

Binalewala ko na lang yun dahil mas mahalaga yung nangyayari ngayon. Ito ang dapat kong unahin, kailangan kong makita si Jin Bu Yeon!

Pagkarating namin ni Shian sa 3rd floor ay pareho kaming natigilan. Kumunot naman ang noo ko at tiningnan lahat ng paligid namin. "What the hell?" Mahinang tanong ni Shian. Sabay kaming tumingin sa right side namin nang may marinig na mga yapak. Naging alerto kami ni Shian, nakataas na ang baril naming dalawa.

Bahagya kaming nagulat ni Shian nang sila Asher at Zayden yun. Binaba namin agad ni Shian ang baril namin. "Anong nangyayari? Bakit walang mga tao rito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Boss, hindi maganda. Wala talagang tao dito. Satingin ko inaabangan nila tayo sa 4th floor." Seryosong sagot ni Asher.

Mabigat naman akong bumuntong hininga. Tumingin naman ako sa hagdan ng papuntang 4th floor. "Shian, hawak na ba ni Mark at Nico ang mga cameras dito?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Nagkibit-balikat naman siya. "Mark, are you listening?" Tanong niya sa earpiece niyang suot.

["Yes, boss."] Rinig naming sagot ni Mark.

"Kontrolado niyo na ba?" Tanong niya.

["Yes..."] Mahina ba boses niya o mahina ang earpiece ko?

"Okay good, nasan silang lahat?" Tanong ko.

Matagal pa bago makasagot si Mark. ["Boss, nasa 6th floor, 8th floor, at 10th floor sila."] Kumunot ang mga noo namin sa sinabi niya.

"What the fvck? Anong gusto niyang mangyari?" Tanong ni Zayden.

["Guys, magready kayo pagdating sa 6th floor."] Usal ni Cyrus.

"Anong meron?"

["Boss Yeonjun, pwedeng ma-trigger ang trauma mo..."] Pahina ng pahina ang boses niya. Niyukom ko ang mga kamao ko.

Mabigat naman akong bumuntong hininga. So siya ang master mind sa lahat lahat simula sapol! "Yeonjun, handa ka na bang harapin ang nakaraan mo ulit?" Maingat na tanong ni Shian sakin, bumuntong hininga naman ako.

"Hindi ko alam.. hindi ko alam kung kakayanin ko." Sagot ko.

"Kung hindi mo kaya ay manatili ka muna sa 5th floor kasama si Asher at Zayden." Utos niya. "Cyrus, magkita tayo sa 5th floor." Utos niya pa. "Lilinisin muna namin ang 6th floor para makapunta na tayong lahat sa 7th---" hindi natapos ni Shian ang sasabihin niya dahil may mga yapak kaming narinig sa hagdan. Lahat kami ay nagtago at inaabangan kung sino yun.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now