✎CHAPTER 01 - CHOI

800 3 2
                                    

Title:
He is the Husband of a Mafia Boss
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Author:
Ezca_18y
━━━━━━

Publish:
June 01, 2023
━━━━━━━━

ON GOING

╔══════════════╗
YEONJUN & SOOBIN
yeonbin
╚══════════════╝
TOMORROW X TOGETHER

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆─────.•*:。✩

╔══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚══════════╝

"Kahit patayin niyo pa ako ay wala kayong malala---argh!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang barilin siya si Taehyun, napatingin tuloy kami sa kanya. Napa-ikli naman ng pasensya nito at inunahan pa ako, humph!

"Bakit mo pinatay agad, boss?" Tanong ni Asher. "Baka magsalita rin kung pahihirapan pa natin ng konti." Dagdag pa niya.

"Tss, sasayangin mo lang laway at pagod mo dyan. Kung ayaw niya edi wag tsaka siya na rin ang nagsabi na kahit patayin siya ay wala tayong malalamam, madali akong kausap." Bored niyang sagot, bumuntong hininga na lang si Asher.

"Patayin niyo na sila agad kung ayaw sumagot sa isang tanong lang." Utos ko at tumayo na para umalis.

Sumunod naman sakin si Taehyun, nakapamulsa akong naglalakad patungo sa sala, hindi pa kami nakakalapit sa sala ay narinig na namin ang sunod-sunod na putok ng baril, tch. Madali nga talagang kausap si Asher.

"Anong plano?" Tanong ni Taehyun na umupo sa sofa.

"Sabayan sila." Nakangising sagot ko. "Nasan na ang information ng pamilya nila?" Tanong ko kay Zayden.

"Ito po, boss." Binigay naman niya sakin ang isang folder na black. "Yan po ang anak nila, tatlo silang magkakapatid. Yung bunso ay College student, yung pangalawa Engineer, yung panganay Businesswoman." Pag-iinform pa niya, tumango-tango naman ako.

"Ano pangalan nila?" Tanong ni Taehyun.

"Yung pangay si Melissa Avery. Yung pangalawang lalaki si Ryker Colt. Yung bunso na lalaki rin ay si Soobin." Tumango-tango naman ako. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng interes sa bunso nila.

"Yeonjun, mukhang madaling malapitan ang bunso. Ikaw na bahala dyan." Usal ni Teahyun.

"Uhm, Choi Soobin." Usal ko. "Kailangan ko pa ng mga information tungkol sa kanya para alam ko kung ako mag-aapproach dito." Utos ko at muling binalik kay Zayden ang folder. "Asher, tara sa bar. Oras na para mangolekta. Alis muna kami, Taehyun." Paalam ko, tumango naman siya.

"Boss, pwedeng magtanong?" Tanong ni Asher nang makasakay kami sa kotse.

"Nagtata---"

"Boss, pwede o hindi lang." Agad niyang dagdag dahil alam na niyang pipilosopohin ko siya. Nag-chuckle nalang ako at tumango. "Gagamitin mo ba ang Soobin na yun?" Maingat niyang tanong. Pinaandar na niya ang kotse.

"Yes." Deretsong sagot ko.

"Pano kung mainlove ka sa kanya habang ginagawa mo ang plano mo?" Suminghal naman ako sa tanong niya.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now