✎CHAPTER 15 - LEADERS

18 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

Pagkarating na pagkarating sa California ay sabay sabay na kaming pumunta sa pinaka main building ng organization dito sa California. Pagkarating namin ay may ilan pang nagbabarilan pero ang iba ay nagliligpit na ng mga kalat. Pumasok naman kami sa loob, sira-sira lahat ng gamit, ang gulo-gulo. Ang daming nakahandusay sa sahig at sa kung saan saan.

"Boss!" Agad na lumapit si Myles.

"Anong report?!" Agad kong tanong.

"Totally 287 people died among our people, in the whole hide out here." Napapikit naman ako ng mariin. "This is where the most people died because there were so many of them, they really prepared to start here." Dagdag pa niya.

"Was there any warning seen here? Or was something left behind?" Zyler asked with raised eyebrows.

"This is it, boss." Inabot naman niya kay Zyler ang isang kapirasong papel. Nag-iba ang expression ni Zyler nang mabasa yun kaya agad kong kinuha ang papel sa kanya at binasa yun

YeonjunZyler, 你们喜欢我的这种消遣吗?哈哈哈哈哈哈

translate: Yeonjun at Mr. Zyler, nagustuhan niyo ba ang distraction kong ito? HAHAHAHAHA

Parehas kaming nagkatinginan ni Zyler. Parehas na nanlaki ang mga mata ko nang narealize. "P*tang!n*, naisahan na naman ba tayo?!" Galit na galit kong tanong. Agad kong tinawagan si Soobin.

Please answer my call!

"Asher, kontakin ang mga tauhan sa Hanalei at pabalikin na sila sa South Korea, ngayon na!" Mabilis kong utos at may tinawagan na. "Zayden, tawagin mo na ang piloto, iisang eroplano na ang gamitin." Tumango naman siya at kumilos na. "Taehyun, Lex, try niyong itrack sila sa mga CCTV." Utos ko at tumango naman sila. Si Zyler ay may tinatawagan na.

☎︎"Hello..?" Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin ni Soobin..

☏"Gisingin mo na ang lahat Soobin at umalis na kayo dyan, pumunta na kayo sa airport ngayon na. Delikado kayo ngayon, please.."

☎︎"Huh? A-Ano bang----"

☏"Wag na maraming tanong, please! Umalis na kayo dyan as soon as possible!" Biglang pagtaas ko ng boses ko. "Sige na makinig ka nalang, umalis na kayong lahat dyan."

☎︎"Okay."

☏"Emergency toh Soobin, dalhin niyo na lang kung pinakamahalaga niyong gamit. Please, Soobin."

☎︎"Okay okay, mag-ingat ka ha! Kita tayo sa SoKor ha!"

☏"Oo, Oo! Mag-ingat kayo.."

☎︎"Soobin, what's going on??" Boses ni Beomgyu yun. "Bangon na! Bilis!" Sigaw ni Soobin, binaba ko na ang tawag. Bumaling naman ako kay Zyler.

"Zyler, kailangan ng mangialam ng three leaders." Seryosong usal ko.

"Pero may rules tayo."

"Uunahin mo pa ba yang rules kung ilang buhay ang nakataya ngayon?!" Galit na galit kong tanong. "Wala tayong ka-clue-clue kung sino ang mastermind! Hindi natin alam kung pano magsisimula! Hindi pwedeng gamiting pain si Soobin, masyadong delikado na toh." Seryoso kong usal.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now