✎CHAPTER 19 - SOMETHING FISHY

13 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

Paggising ko ay nasa clinic ako, wala akong ibang kasama kaya bumangon ako at hinawakan ang ulo ko dahil nahihilo pa ako ng kunti. Mukhang nawalan ako ng malay kanina. Tumayo naman ako at lumabas ng clinic, kahit sa labas ay walang ibang tao kundi ako lang talaga ang nandito. Siguro ay may klase na ngayon.

"Yeonjun, bakit bumangon ka agad?" Napalingon ako sa nurse nang magsalita siya.

"Okay na po ako. Alis na ako." Paalam ko pero pinigilan niya ako.

"Hindi pwede!" Biglang pagsigaw niya sakin kaya nagtaka naman ako. "Jusko, pinagbantaan kaya ako ng mga kaibigan mo kanina na kaya hindi pwedeng umalis!" Hihilahin na sana niya ako pabalik sa loob pero nagpumiglas ako.

"Ako na po ang bahala sa kanila, pasensya na sa inasal nila po. Maraming salamat!" Agad na akong tumakbo, alam ko sila Taehyun ang tinutukoy niya dahil sila lang ang gagawa nun, hindi ito ang unang beses na ginawa nila toh.

Buti nga hindi siya tinutukan ng baril eh HAHAHA!

Hindi ko talaga makakalimutan yung araw na nabaril ako sa balikat nun tapos yung personal doctor ko ay tinutukan nila ng baril habang ginagamot ako, kapag may mangyaring masama raw sakin ay papatayin daw siya ng brutal. Buti at nasa focus ang doctor kahit may baril na nakatutok sa kanya kaya naging okay pa rin ako.

May klase na nga kasi habang naglalakad ako papunta sa room namin ay may nagkaklase na. Napahinto ako sa paglalakad nang marealize na madadaanan ko pala ang room nila Taehyun. Napalunok naman ako, yumuko ako at binaba ang buhok ko para matakpan, napagpatuloy na ako sa paglalakad at binilisan ang paglalakad para hindi nila ako mapansin.

Nang makalagpas ako ay nakahinga ako ng maluwag. Agad na akong pumunta sa room ko. Nagtataka ako kung bakit wala sa room ang mga classmate ko. Bakit walang tao rito? Pumunta naman ako sa kabilang section para magtanong. "Nasa open field sila ngayon, nagrequest ang Dean na kayo ang mag-assist sa Junior High at Senior High na pupunta rito ngayon." Sagot nung teacher kaya tumango-tango naman ako at nagpasalamat bago umalis.

Anong ginagawa ng mga taga-ibang school dito?

Pagdating sa open field ay napanganga ako nang makita kung gaano karami ang nga studyante. Nakita ko naman sa harapan sila Soobin at..Taehyun?! So ibang students ang nasa room na yun kanina? Anak ng!

Bumuntong hininga na lang ako at naglakad na papalapit sakanila. Nakapamulsa akong naglalakad. Nang malapit na sa kanila ay mukhang napansin nila ako kaya napatingin sakin ang mga Senior High na namula agad ang mga pisnge ng mga babae. Napatingin naman kasi sila Soobin. "Yah! Bakit umalis ka na agad sa clinic?!" Asik ni Taehyun. Huminto naman ako malapit sa kanila.

"Eh sa okay na ako, hindi ako baldado." Seryosong sagot ko.

"Are you okay?" Tanong ni Soobin sakin ng malumanay.

Ngumiti naman ako at tumango. "Yes, I'm fine don't worry." Sagot ko na kinindatan pa siya.

"Kadiri ah, for you information may iba tayong mga kasama." Nakangiwing usal ni Taehyun.

"Inggitero." Inirapan ko naman siya at pumunta na sa tabi ni Soobin.

"Students, they are the Colleges Students who will guide you to this school while you stay here temporarily." Dean smiled casually at the jumps. I frowned. Dean turned to face me and motioned to come closer to him so I came closer to him. "This is Choi Yeonjun, he will be the leader of the two sections of College Students today. Choi Yeonjun, you will decide which section of Highschool they will handle." He smiled politely at me, raising my eyebrows.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now