34

150 8 0
                                    

Chapter 34

Gabe is back in participating in class. Sa free time niya, madalas siyang tambay ng library para do'n mag-aral. He's back on the track.

"Si Gabe?" I asked Tan and Mark.

"Nasa lib, Nav. Subsob ng libro sa pag-aaral." Tan replied to me.

"Nag-lunch na kayo?" Binigyan ko sila ng ngising animo'y mayroong kailangan.

"Oo na, Bossing" Sagot ni Tan at natawa naman ako ng bahagya dahil alam na alam na niya kung bakit ko hinahanap sa kanila ang lalaki.

"Sige na Tan, please." Pagkukulit ko sa kaniya.

"Mag-usap na nga kayong dalawa!" Reklamo ni Tan, "Mokong!" Sagot sa kaniya ni Mark.

"Kami na ang bahala, Bossing." Sumaludo pa sa akin si Mark.

"Salamat sa inyo, babawi ako." I said to them,

"Coke at yosi kapalit nito, Nav." Tan said at binatukan naman siya ni Mark. "Humihingi ka pa ng kapalit, eh kaibigan natin si Gabe. Dapat lang mag-alala tayo sa kaniya kapag hindi siya kumakain sa tamang oras." Mark said.

Malakas ang naging tawa ko dahil sa sinagot ni Mark kay Tan. Nag-paalam na muna ako sa dalawa para mag-lunch.

Noong mga unang araw kasi ng cool off namin ay napansin kong dukdok ng mga libro ang mukha ng lalaki at hindi na kumakain ng lunch kaya sumunod no'n ay pinilit ko na sina Mark at Tan na yayain ito kumain kapag lunch break.

Mula kasi noong naging kaming dalawa ni Gabe ay hindi na siya sumasabay sa dalawa kumain ng lunch kaya hindi na ito inaaya nina Mark at Tan magmula no'n.

Ayokong pabayaan niya ang sarili niya. Kaya ko nga ginawa ito para sa sarili niya tapos papabayaan niya lang ang sarili niya.

Mabilis akong lumabas ng silid at tumakbo patungo sa library para kumuha ng libro na tatalakayin sa amin mamaya para sa philosophy subject namin.

A familiar voice was calling me upstairs, "Navin!" He quickly ran to me at hinawakan ako sa balikat para pigilan.

"Hi, Navin!" Bati ni Marcus at nilingon ko ang lalaki, "Oh, hello.." Bati ko pabalik.

"Nalilito kasi ako sa activity natin sa UCSP eh, p'wede bang paturo mamaya?" Marcus asked.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot sa lalaki nang nakuha ng atensyon ko ang isang pamilyar na lalaki na naglalakad palapit sa amin, sa hagdan. Diretso lamang ang tingin niya, hindi siya nakatingin sa amin pero maitim at matalim ang mga tingin niya. Sa ekspresyon ng mukha ay halatang naiirita.

Bigla akong nakaramdam ng kaba rito at hindi ko alam kung bakit.

"Excuse me." He said at dumaan sa gitna naming dalawa ni Marcus.

I know he will ignore me but I never knew he would do the same with Marcus.

"Uy, si Gabe." Untal ni Marcus. "Pareng gabe." Bati niya sa lalaki ngunit hindi siya pinansin nito.

"Snober na." Bulong ni Marcus.

"Hayaan mo na siya." Sagot ko sa kaniya.

"Whoa! LQ?" He raised his eyebrows to me at inirapan ko lang siya.

"Sige, mamaya." Untal ko sa kaniya, "'Yon, sa'n tayo?" He asked me.

"Lib na lang." I replied to him and he just nodded his head.

"Salamat, Nav." Binigyan ako ng ngiti ng lalaki at gano'n din ako.

At sa mga sumunod na araw ay paulit-ulit lang naman ang mga nangyayari. Ngunit masaya akong nakiki bahagi na ulit si Gabe sa klase. Ito naman ang gusto ko eh, maki bahagi siya dahil ito ang talagang siya.

AsulWhere stories live. Discover now