05

331 21 19
                                    

Chapter 5

Parang pumikit lang ako ay lunes na naman. Ang bilis talaga ng takbo ng bawat oras. Kaya kahit tamad na tamad ay bumangon na ako para makapag handa sa pagpasok sa school.

Noong weekends ay nilaan ko ang oras ko sa pagsusulat ng chapters sa romance book na sinusulat ko.

I love to read and write stories.

It's my escape.

Pakiramdam ko ay nakakalayo ako sa realidad ng mundo kapag nagbabasa ako at nagsusulat. Since junior high pa ako nag-start mag-sulat ng stories and it became a hobby.

Nakakagaan ng loob ang pagsusulat. Nalalabas ko ang lahat ng thoughts na hindi ko mailabas.

I grew up in a non affectionate family, so, growing up I didn't have anyone by my side to share my thoughts and express my feelings. So, I learned to keep all of my thoughts and deal with it with just myself and that's the main reason why I find it hard to express my feelings and my thoughts to others. Kaya malaking bagay sa akin ang pagsusulat because it helps me to deal with my unshared thoughts.

Kaya ang pagsusulat ang parang naging kaibigan ko. Tila ay nakahanap ako ng isang kaibigan sa pagsusulat.

"Kuya p'wede bang paki sintas ng sapatos ko?" My brother asked softly and I nodded.

Aso't pusa man kami palagi ng kapatid ko ngunit siya lang ang tanging tao sa pamilya ko ang madalas kasangga ko.

He always keeps my secrets and until now it's still a secret of the both of us.

"Salamat, Kuya!" He said and I smiled.

He is the only affectionate in the family. Malaki ang age gap namin dahil nine years old na siya sa taon na ito.

"Ito ang baon ninyong dalawa, mag-iingat kayo" Mama said.

Kinuha ko ito at sinukbit ko na ang bag ko.

"Nix, nandito na ang service mo." Our Papa.

"Pasok na ako, Ma!" Paalam ng kapatid ko, "Ingat ka!"

Palabas na ako ng bahay namin nang pigilan ako ni Papa. "Sumabay ka na sa akin, Nav, mayroon akong dadaanan sa tabi ng school mo." He said and I nodded.

"Umayos ka ng kilos mo do'n, ah" Aniya, "Opo."

"Marami akong mata do'n." Dagdag niya.

Ever since lagi ng panakot sa akin ni Papa 'yan.

Na marami raw siyang kakilala sa labas ng school ko at kung mayroon daw akong gagawin na hindi niya magugustuhan ay malalaman niya rin daw agad.

Dati ay natatakot ako doon pero ngayon ay hindi na ako natatakot dito.. nasanay na lang siguro.

Inabot niya sa akin ang helmet at sinuot ko ito at sumakay na rin sa motor niya.

Umandar na ang motor ni Papa papunta sa school.

The cold breeze of morning hitting my face and the community of La Carpeza is busy doing their morning chores.

Mayroong mga nagwawalis, bumabati sa amin at mga tsismisan agad umaga pa lang.

How I love and hate this place at the same time.

My memories in La Carpeza is both good and bad memory. La Carpeza gave me a bittersweet memories.

La carpeza has a special place in my heart but I will leave this place soon.

Nang makarating kami sa school ay bumaba na agad ako ng motor.

AsulWhere stories live. Discover now