07

248 18 7
                                    

Chapter 7

It was my first day para sa weekend job ko kay Lola Rosita pero dumaan na muna ako sa kanya para sa orientation sa pagtitinda.

Hinanda ko na ang sarili ko mula kagabi para rito. I hate socializing... pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko sa kaba.

Alas-singko ng hapon nang makarating ako at ganitong oras nagbubukas ang karamihan sa mga tindahan sa plaza.

Marami na rin ang mga taong naglilibot dito.

May mga mag-ba-barkada, pamilya, at couples.

I'm crossing my fingers na masurvive ko ang araw na 'to.

"Kuya pagbilhan nga po." Agad akong tumayo para pagbentahan ang tatlong babae.

"Ay, h-hi po, Kuya!" She greeted me at parang nahiya pa si ate.

So weird.

"Hello" Sagot ko and I smiled.

"Pagbilhan po ng twelve pieces na takoyaki ninyo at kayo po." She chuckled along with her friends.

Bigla naman akong nagulat dito. Hindi ko maproseso ang mga nangyayari.

"Ano po 'yon?" Iritado man ay pilit kong pinigilan ito.

Is she trying to flirt with me?

Ate, 'wag ngayon, please.

Hindi ko naihanda ang sarili ko kagabi para rito.

"Joke lang po." She said at namula pa ang mukha.

Hindi ko na lang pinansin ito, "Ano po toppings niyo?" I asked.

"Kayo po." Hirit niya muli kaya ngayon pakiramdam ko ay halata na sa mukha ko ang iritasyon.

God! Is this really the new generation of teens now.

Disgusting.

"Not a good joke, Ate." Iritado kong sagot.

It's my first day and she's testing my patience.

I'm a short tempered person.

"Sorry po ulit, octo po" She said and I just nodded.

"Umupo muna po kayo" Saad ko at tinuro ang upuan sa harap ng stall namin.

Niluto ko na ito agad nang maka-alis na itong mga bruha na 'to.

Napapatingin ako minsan sa puwesto nila at patuloy pa rin siyang inaasar ng mga kaibigan niya.

Shut the fuck up challenge na lang kayo mga 'te.

Pagkaluto ay binigay ko na agad ito kay Ate.

"Here na po yung order niyo, Ate." I said.

Tumayo ito agad at kumuha ng bayad sa wallet nito.

"Thank you po Kuya, puwede po ba magpa-pic?" Buong loob niyang ani.

Shit, shit, shit.

"Sure." I just awkwardly smiled.

They are customers, nakakahiya naman kung tumanggi ako. Unang customer ko pa man din at ganito na agad ang experience ko sa kanila.

"Thank you po ulit" She said, "Thank you rin po!" Sagot ko.

Umalis na ang babae kasama ang mga kaibigan niya. Parang nabunutan ako ng isang malaking tinik nang makaalis sila.

"Unang customer palang iyon, Navin." Bulong ko sa sarili ko.

Kailangan ko habaan ang pasensiya ko dahil una pa lang 'yon at marami pa mamaya at hindi ko alam kung ano pang klase ang mga makakasalamuha kong customers mamaya.

AsulWhere stories live. Discover now